Author's note:Para po sa lahat, eto lang po ay parang katuloy ng ginawa kong short story na 'Parang isang LIBRO'.Before reading this story, basahin muna ang una kong ginawa para ma-gets ang story.THANK YOU:)
I was lost in love.Nagmahal ako ng isang katulad mo.At sa huli, nasaktan parin.Tama nga ang sabi nila na 'If you love, there is pain.If you love someone, you need to sacrifice.' Laging ka-partner ng pagmamahal ay ang word na 'Pain and Sacrifice'. Pero bakit nga ba?Kailangan ba talagang meron ito at nararanasan ito para mapatunayan mo na nagmamahal ka?Hindi ba pwedeng magmahal ng hindi nasasaktan at di nagsasakripisyo?Hindi ba pwedeng ganoon kadali yon?Sana ganoon lang kadali ang pag-pagaling ng sugat.Nilalagyan lang ng band-aid para gumaling.Pero bakit ganoon?Kahit anong gawin mo, sasakit at sasakit parin.Ang gulo talaga eh.Wala bang instructions o di kaya formula na dapat sundin para di 'to maranasan?
You know what? 1 year na akong nandito sa London pero kahit sino man ang mahalin ko ay di ko kayang mahalin ng buo.Hindi ko siya kayang masabihan ng simpleng 'I Love You'.Di ko kayang i-reciprocate yung pagmamahal na binigay niya sa akin.Ganoon pala ang feeling no?Mahal ka ng isang tao, pero di mo mahal?Mahirap rin pala.Ayaw mong saktan yung tao, pero ang hindi mo alam nasasaktan mo na ng sobra at napapaasa mo na pala.Pwede bang mahal ka nung nagkakagusto sayo, at magkakagusto ka na rin sa kanya para happy ending na?Hindi ba pwedeng ganoon nalang ka-simple?Bakit kasi lahat ginagawa itong complicated?
Alam mo trance, isa ako sa mga babaeng 'one in a million' na nakilala mo.Bakit?Kasi isa ako sa mga babaeng nakasali doon sa 5% .Yung 5% na yun ay kung gaano mo katagal yung mahal mo ng patago.Yung palihim ba.Yung akala niya ay friends lang kayo, pero deep inside it's more than that.Ganoon ako trance kahit ni-friendzone mo lang ako, hanggang ngayon mahal na mahal parin kita.Gumuho man ang mundo, di parin magbabago ang pagtingin at pagmamahal ko sayo.Sinayang mo yung chance e.Gasgas man 'tong pinagsasabi ko, atleast totoo.Ito ang totoo.
Kaya ngayon, at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko ang lahat.Ang tanga tanga ko nung mga panahon na yun e.Di gumana ang utak ko, puro puso kasi e.Dapat noong mga panahon na nalaman ko na ako ang kakilala mo noon ay dapat nagtapat ako sayo noon.Dapat hindi ako nabahala, dapat hindi ako natakot na masira yung realationship niyo ang nung girlfriend mo.Bakit?Kasi kahit masira man lahat ng pinagsamahan natin, ay sana naman maalala mo at matupad mo ang pinagako mo sa akin.Kasi malay mo kung nagtapat ako sayo noon ay mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo.
Pero kahit di ko ipagtapat, bakit ni minsan man lang ay hindi mo man lang ako napansin?Meron bang bagay na di kaaya-aya sa akin?Wala naman ata diba?Ilang months akong nag-isip kung bakit di mo ko minahal?Ito ba ay dahil sa panlabas na kaanyuan ko?...Nang dahil sa naisip kong dahilan na iyan ay nag-pa plastic surgery ako.Ginastos ko lahat ng pinag-ipunan ko para sayo.Para kahit papaano naman ay mapansin mo ako kung magkikita man tayo.At para naman mahalin mo ako.Ganoon ako ka-desparada noong panahon na 'yon.Syempre nagpaalam ako sa family ko before undergoing to this surgery.Noong una ayaw nila pero sa huli napilit ko ri sila.Hindi ko sinabi yung reason sa kanila kung bakit.
Nang matapos ang plastic surgery, naluha kaagad ako.Paano naman kasi, sobrang ganda ko na.Di ko ito inaakala.Ang kinis ng kutis ko, ang pula ng mga labi ko, ang ganda ng hugis ng mukha ko.Napaka-perpekto ng pag-kagawa nila sa akin.Ang ganda ganda ko na ngayon..May mukha na akong mai-haharap sa kanya.Pagkatapos nito ay napag-isipan ko ng bumalik sa Pilipinas.Pero bago iyon, binago ko lahat ng meron ako.Binago ko ang pananamit ko, ang pagsalita ko at pati narin ang kilos at pangalan ko.Wala na ngayon ang pangalan na Thaila Lorquez, kundi Jhela Basten.Jhela na ang pangalan ko simula ngayon.Ibinaon ko na sa nakaraan ang pangalang Thaila.Wala na si Thaila, matagal na siyang patay.
Bumalik na nga ako sa PIlipinas at nag-enroll ulit sa dati kong school na Bluedry Academy kung saan rin nag-aaral si trance.Miss ko na lahat sila at ang mga kaklase ko.At kinabukasan ang first day ko sa school.