Saff's POV
kyaaah kinikilig na ako mamaya maya lang malalaman ko na kung sino si AnonymousGuy pero alam niyo ba mas kinikilig pa si Juli kesa sa akin kase sabi niya parang alam niya na daw kung sino, kaso kahit anong pilit ko sa kanya ayaw niyang sabihin , sabi niya mamamatay daw muna siya bago niya sasabihin sa akin kung sino yun
ewan din ito si Juli eh, sinabi niya pa sa akin na alam niya tapos hindi naman pala sasabihin ung pangalan psh!
cliff hanger i hanger ko kaya siya XD JOKE syempre loves ko yun noh
teka idedescribe ko muna ang aking gown, well isa siyang color blue na gown as in color Royal blue tapos mermaid cut na may glitters tube siya tapos may shawl ako na ibang shade ng blue
5:59 na isang minuto na lang nandito na siya, sino kaya siya?
at bakit ba ako pumayag na Partner niya eh hindi ko nga siya kilala, Ugh ewan basta may Feeling ako na dapat ay pumayag na ako na siya ang magiging partner ko sa prom
"Saff! andyan na ang sundo mo"
sigaw sa akin ni kuya from downstairs :P
and yes may kuya ako 5 taon ang tanda niya sa akin nagtatrabaho na yan umabsent lang ngayon para daw makita ako sa Prom ko
"oo bababa na"
sigaw ko sa kanya
pagbaba ko wala naman tao sa baba kundi si kuya at mama
"asan siya kuya?"
tanong ko
"nasa labas dalian mo"
sabi sa akin ni kuya
hay ano ba naman ito napakaUNgentleman hindi man lang ako sunduin sa loob ng bahay
paglabas ko nalaglag panga ko alam mo kung bakit?
dahil may isang limo dito sa harap ng bahay namin oo hindi kami mahirap pero hindi rin kami mayaman kumbaga may kaya lang ganun.
nilapitan ko ung limo at dahan dahang bumukas ung pinto ng Driver
kyaaah--- ay naku kala ko naman kung sino, talagang driver lang nung limo akala ko ung kapartner ko na
"ah kayo po ba si Ms. Sapphire Buenavista?"
tanong sa akin ni kuyang driver
"ah opo ako nga"
"ma'am pasok na po kayo at ihahatid ko na kayo sa school niyo" sabi ni manong habang binubuksan ung pinto sa backseat
"ah ganun po ba? eh sino po bang nagpasundo sa akin?"
alam niyo bigla akong nainis alam niyo kung bakit nginitian lang ako ayyyyyy konti na lang talaga sasabog na ulo ko sa inis kanina si Juli ngayon naman itong si kuya
pero no choice pumasok na lang din ako
mga ilang minuto lang nasa tapat na kami ng school
"ma'am sabi po ni sir punta po kayo sa likod ng school sa may puno pagkatapos ng prom"
umoo na lang ako
so... ganun papabayaan niya akong walang partner throughout the prom at mamaya ko pa siya makikita? oh come on nababaliw na ba siya hayy naku nakakabadtrip na kanina pa sila geez
bigla akong may nakitang blue na lobo hay ang ganda
"Ms. eto po yung lobo niyo"
sabi nung mga bantay sa gate
BINABASA MO ANG
"Crush ka ng Crush mo" : "Weh Di nga?" [SHORT STORY]
Teen FictionJust a short story that came up in my mind Hope you like it ^_^