Ang Simula (The Boys Part 1)

19 0 0
                                    

"Magandang Gabi, mga Kapamilya! Welcome to the 13th Season of the Big Brother and as you can see on your TV screens, we're no longer be conducting the show in the city. Yes! Nadinig nyo mga kapamilya, ang bahay ni kuya ay nalipat na ngayon dito sa isla ng Inampulugan, still fully equipped with advanced technology and communication not far away from the city premises."

Dinig na dinig ko ang boses ng multimedia queen na si Toni Gonzaga habang iniintroduce nya ang show. Nasisigurado ako na katulad ko, narito din sa backstage ng platform na ito ang ibang housemates na makakasama ko sa loob ng bahay. Kasalukuyan akong nakapiring habang may tila mga PBB Staff na nag aassist sa likuran. Nakaka excite itong season na ito dahil for the first time ay nagkaroon ng cross-over ang PBB sa isa pang bigating reality show - ang Survivor.

"And yes, dahil sa request nyo nga mga kapamilya, atin ng matutunghayan ang kasabik sabik na mga hamon ni Big Brother sa mga papasok na Housemates. The count down is over, isa isa na nating ipakilala ang boy housemates ni Kuya!"

Naririnig ko na ang mga hiyawan ng mga tao na malamang ay nakapalibot sa stage na ito. Sa kabilang banda ay nagsimula na ring marinig ang tinig sa recorded introduction ni Toni na maaaring nanggagaling sa isang screen.

____________________

Halina't ating kilalanin ang ating unang housemate na nagmula sa Dasmariñas, Cavite.

Hey Guys! My name is Vernard Soldati, 17 and currently residing in Dasmariñas Cavite. I used to live in Brazil when I was younger. My mom is a Filipino and my Dad is a Brazilian Portuguese. Way back there, I joined several cooking festivals and competition, winning silvers or golds. But I and my mom have to move in the Philippines after learning that my Dad has been engaged in a 2-year affair with his company boss. It was heart breaking to see him choosing her over us, his family. We've been here for 6 years already and with the aid of our Filipino relatives, we got to establish our eatery business two years ago which I'm passionate at.

I believe I will be a good addition to the cast because I can help others to maintain a healthy lifestyle despite facing challenges.

I am Vernard Soldati, ang Brazilsling Gourmet ng Cavite!
_______________

"Halina't salubungin natin ang Brazilsling Gourmet ng Cavite, Vernard!"

Nadinig kong naghiyawahan ang mga audience sa labas sa unang housemate na pinakilala.

"At talaga nga namang promising ang unang housemate ni Kuya, from his physique to skills. H'wag na nating patagalin ito, maaari ka nang makapasok sa bahay ni Big Brother, Vernard!"

Si Robi Domingo na yata yung nag salita, naiiihi na ako sa sabik, sana ako na ang sumunod sa nauna.

_______________

Ang susunod na housemate natin ay nagmula pa sa summer capital of the Philippines, Halina't atin siyang kilalanin.

Ako ay si Charles, taga rito sa Baguio City. Labing pitong taong gulang. Namulat ako sa karangyaan ng kabundukan at kapatagan. Lima kaming magkakapatid at pangalawa sa panganay, ang inang ay isang magsasaka at ang tatang ay isang mekaniko. Sa ngayon nag aaral ako ng care giving vocational course sa isang tesda based institution tuwing weekend dahil pangarap kong makapag abroad at kumita ng mas malaki upang matulungan ang pamilya. Sa umaga, nagtour guide ako sa mga turista, pagkatapos ng duty tinutulungan ko ang nanang sa strawberry field at gawaing bahay, sa gabi nag call center po ako. Nagside line din ako magmekaniko, kargador sa pamilihan at helper sa flower shop kung minsan.

Ngayong papasok ako sa PBB house, mapapatunayan ko ang aking paninindigan at disiplina sa mga obligasyon na iaatas ni kuya.

Ako si Charles Salvatierro, Ang Charles of All Trades ng Baguio City.

______________

"Ang pangalawang housemate ni Big Brother; ang Charles of All Trades ng Baguio City; Charles!"

Gaya nang nauna, nadinig ko na naman ang mga sigawan ng audience bilang pagtanggap rito.

"Bongga ka talaga Charles! At a young age, sobrang galing mo na mag multi tasking at mag manage ng oras. We can't wait to see you inside the PBB house kaya Robi, ihatid mo na si Charles sa loob ng bahay."

____________

Dumako naman tayo sa pangatlong housemate na nagmula sa Quezon City.

Welcome to my life! I'm Al Dwayne Aniceto, 16 years old. I live with my parent and younger brother. My mom's a physician and my dad's an electronic engineer. Being the oldest, the pressure's always on me; they deemed me as a gifted child because as a gradeschooler, I have a progressive way of thinking. I was able to solve problems and issues of advanced areas and in return, I was accelerated thrice in grade school. That phase in my life changes my personality though, I have hard time coping up considering my parent is overprotective. I can only go out in a gathering of my parent's closest colleagues and their heirs. Last year, I was included in the junior team of international entrepreneurs of the country. As an electronic engineering student, I got to invent an anti-kidnapping device that has a gps connected and can alarm law officers of about 50 meters away thru internet, it was a success in the Asean Summit and is now good for purchase.

I want to share my knowledge and I want to develop my confidence that's why I joined PBB.

I am Al Dwayne Aniceto, the Charming Electrepreneur ng Quezon City!

_____________

"Naku naman! Talaga nga namang total package itong si Al Dwayne, good looks at sobrang talino. Mukhang mapapa Wow ang ibang housemates sa kanya."

Isa na namang palakpakan at sigawan ang narinig ko. Tatlo na yung napapakilala. Sana ako na yung susunod, nakaka antok sa silid ng backstage na ito.

"Mukhang hindi na rin mapakali si Al Dwayne kaya bago ka pa matumba sa pangangatog ng binti mo, ihahatid na kita sa loob ng bahay ni Kuya. Good luck Al Dwayne."

___________

Ang pang apat na housemate ay nagmula sa Lucena city, tara at kilalanin sya.

Hello mga, repapits! Eian Carter at your service. I'm 17 years old, nakatira ako sa Lucena city. Isa po akong Fil-Am. Yung mama ko ay Fil-Am din at yung papa ko naman ay American. Hindi ko na nakilala si Mama, kasama ko na lang sa buhay ay ang Tita ko at dalawang pinsan. According kay Tita, pumanaw ang mama ko noong 5 years old ako dahil sa terrorist bombing sa America. Naiwan akong kasama yung papa ko pero dahil sa nangyari kay mama, naging balisa si papa hanggang nagkaroon sya ng dementia, nasa pangangalaga sya ng home for the ages dun at yung mga kapatid nya ang gumagastos. Noong 8 years old kinupkop ako ni Tita na pinsan ni Mama, yung pension ni Papa ang nagtustos sa needs ko hanggang 11 years old ako. Kaya noong tumuntong ako sa High School, sumali ako sa soccer league, basketball varsity at martial arts club para maging scholar. Nag part time fitness instructor din ako sa Gym na pagmamay ari ng tatay ng kaibigan ko. 6 months ago, nakatanggap ako ng heroes' award dahil sa nagviral video nang pagsagip ko sa isang victim ng riding in tandem incident.

Kampante ako na magtatagal sa PBB house dahil sanay na ako sa Physical activities at makakaasa kayo na isa akong team player.

Ako si Eian Carter, ang sporty Am-boyani ng Quezon Province.
______________

"Let's Welcome Eian, ang sporty Am-boyani ng Quezon Province! Ang pang apat na boy housemate ni Kuya!"

Ang ingay sa labas, nakakabingi ang tili ng mga audience. May nadinig pa akong nagmamakaawa na buntisin sya. Nahihikab na ako, ang tagal naman kasing tawagin ang pangalan ko.

" Eian, hindi na namin patatagalin ang pananabik mo. Bago ka pa makabuntis sa mga audience, papasukin ka na namin para maipakita mo na ang heroic acts mo."

"Apat na Boy Housemates na nga ang inyong nakilala, mga kapamilya. Apat na iba pa ang makikilala natin after commercial break."

Ano! May commercial break pa! Naiinip na ako!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinoy Big Brother: House Invasion Where stories live. Discover now