[M Y C I N D E R E L A ' S L I F E]
HINDI ko alam kung makakaya ko pa ang buhay na ito.
I have a Cinderela's story.
Namatay na daw ang aking ina sa hindi ko malamang dahilan, at nakabuntis naman ang akin ama. Kaya walang nagawa si dad kundi ang pakasalan ang babaeng iyon.
Katulad ng kwento ni Cinderela, mayroon din akong malupit na stepmom. Napaka-plastick niya, mabait lang siya tuwing nakaharap si dad pero tuwing wala ito ay halos gawin niya akong alipin.
Mayroon din akong mga malditang kapatid at mapagsamantalang kuya.
Si Chariz na unang anak ni dad sa stepmom ko, si Valerie na pangalawa, at si Diyo na anak ng stepmom ko sa kanyang pagka-dalaga na mas matanda saakin ng tatlong taon.Hindi ko alam kung saan ako kakapit noong mga panahong mag-isa ako.
Mabuti nalang talaga at may mga kaibigan ako na handa akong tulungan.Pero sa hindi ko inaasahan na pagkakataon...
Kung mala Cinderela nga ang istorya ng buhay ko. Syempre may prince charming ako.
Hindi ko inaasahan na dadating siya sa buhay ko, maliban sa mga kaibigan ko siya ang isa sa mga naging sandalan ko, ang pumunas ng luha sa mga mata ko, ang taong hindi sumablay na pangitiin at patawanin ako, ang laging nagpapasaya saakin tuwing malungkot ako.
Yun nga lang...
Best Friend ko lang siya...
Boy Best friend na hindi ko malaman kung kayang suklian ang aking nararamdaman, walang kasiguraduhan kung mamahalin din ako. Because all this time kaibigan lang ang tingin niya saakin. Lagi siyang kumokontra tuwing may nag tatanong saamin na...
'Kayo na ba?'
Ang lagi niya namang sagot...
'Wag gawing issue,kaibigan ko lang siya'
Nakakatawa na masakit. Eh paano ako hindi matatawa eh lagi niya akong binibigyan ng motibo, sa totoo niyan ay mas madalas ko na siyang kasama kaysa sa mga kaibigan kong babae. At paano ako hindi masasaktan, he always deny na walang kami. Kahit MU wala.
Pero nakakapagod din palang magtago, magtago ng feelings na gusto mong isigaw.
Sa crush kang naman nagsimula ito pero bakit lumala yata? Mahal ko na siya...
Makakaya ko ba?
Makakaya ko bang sumugal sa pag-ibig na walang kasiguraduhang masusuklian?
Makakaya ko bang sumugal na kung sakaling sabihin ko ang feelings ko, friendship namin ang nakataya?
Makakaya ko nga ba?
BINABASA MO ANG
BFF: Boy Best Friend (On Going)
Teen Fiction"Can you love me? Not just a friends, but more than with that." -sy