Exactly Where They'd Fall.
Written by ModernongPilipina. All Rights Reserved. 2012.
Chapter 1
Daniela’s POV
Nandito na kami ngayon sa mall ni Gabrielle at natapos narin kaming kumain sa Shakey’s for lunch. Sosyalan lang noh? Si Gabrielle nga pala, kapatid ko. Kakauwi lang namin galing States. At last, nakabalik na din kami sa Pilipinas. Sa States kasi kami tumira for 5 years. May isa pa kaming kapatid. Si Ate Joyce. Nasa States pa siya ngayon. May inaasikaso pa siya kasi sa sarili niyang business. Pero susunod din naman daw siya dito kasama yung fiance niya.
Bago ko makalimutan, I’m Daniela Rona Ledesma, Ella for short. 16 years old, currently a senior student sa pasukan. Standing 5’6 in height, --- teka. Hindi to contest. Anyway, katamtaman lang naman ang kulay ko at lalong hindi ako maganda. Pero madaming nagsasabi na maganda daw ako. Yung kapatid ko naman. Her name’s Gabrielle. Gabrielle Francesca Ledesma. She's 14 years old. Sophomore student. At ano pa ba? Madaldal, mabait, friendly at maganda yung kapatid ko shempre. Mana ata sakin yun eh. And of course, yung Ate namin. Joyce Anne Ledesma. Future Mrs. McGinty. Aba siyempre maganda si ate! Kaya nga nakabingwit ng amerikano di ba? Haha. She’s 23 years old. And yes, at the age of 23 she’s already engaged. Okay, so much for that.
3 o’clock na pala wala pa kaming nabibiling mga damit. Kasi naman, nagdaldalan lang kami. Wala lang, trip lang naming magshopping. Matagal din naman kasi naming hindi nagagawa ‘to ng kapatid ko. Namiss ko din ‘to.
Naglalakad kami ng nakarinig kami ng mga babaeng nagsisigawan, nagtatalon-talon at parang nagsasabunutan na sa kilig.
“AHHHHHHH! OMYGAHD DANIEL ANG GWAPO MO!”
“DANIEL, PAPICTURE!”
“DJ, TINGIN KA DITO!”
“DANIEL, PA-HUG NAMAN!”
Ano ba yan! Nakakabingi naman! Kung maka sigaw wagas!
"DANIEL, ANG GWAPO MO SOBRA! IRAPE MO NAMAN AKO HINDI KITA IDEDEMANDA!” O______O Anak ng pucha.
Nagtataka ba kayo kung sino yung sumigaw? Yung baliw kong kapatid lang naman na nakijoin din kahit walang kaalam alam kung sino ‘yang Daniel na yan.
“Gab?!” Sabi ko sabay death glare sa kanya.
“Ano ate? Eh nakikiride lang naman ah! Go with the flow!” Loka talaga ‘tong kapatid ko.
Huwag na kayong magtaka kung bakit naging ganyan ang kapatid ko. Siyempre may pinagmanahan. Totoo nga ang sabi nilang ‘LUKSO NG DUGO’. Pero infairness, isa to sa mga namiss ko sa Pilipinas ang mga bunganga ng mga Pinoy talaga o...
Pero teka... Sino ba yung pinagkakaguluhan nila at pati yung inosenteng kapatid ko nadamay pa.
Hinayaan na namin yung mga babaeng baliw na yun. Umalis na kami para kumain ulit nang may mga nasalubong kaming grupo ng mga babae. Makatakbo naman ‘tong mga to. Parang nagmamarathon. Runner lang ang peg. Siyempre hinala ko ang kapatid ko sa gilid. Jusko, mahal ko po yung buhay ko pero mas mahal ko yung kapatid ko noh! Makuyog na ako wag lang siya.
Aalis na kami para kumain na nga. Papasok na kami ng...
*Boooogggssshhh* May lalaking bumangga sa akin.
“Araaaaaay!” ARAAAAAY. Yung pwet ko. Buwisit ‘tong lalaking ‘to. Di ba siya tumitingin sa dinadaanan niya? Inis na inis ako sa kanya pero nung humarap siya medyo na bawas-bawasan ang galit ko, Aba GWAPO naman pala ‘tong nakabangga ko ha. Ay shit ano ba yan, galit ka sa kanya Ella!
“Nako miss, sorry! Nagmamadali kasi ako.” Sabi niya sabay tulong sakin patayo. Tss. Gentleman din naman pala. Akala ko di na niya ako tutulungan tumayo eh.
Pero dahil masakit talaga yung pwet ko, galit pa rin ako sa kanya kahit gwapo siya!
“Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Ang sakit kaya ng pwet ko!” Sigaw ko sa kanya.
"Sorry talaga miss di ko sinasadya." Mahinahong sagot niya.
“Sorry ka nang sorry diyan magagamot ba ng sorry mong yan ang pwet ko? Hindi naman diba!" Nakakapangalaiti naman ‘tong lalaking to! Pati pwet ko nadamay sa katangahan niya!
“Ate naman, hindi nga niya sinasadya di ba? OA mo!” Paghihinahon ng kapatid ko sakin. Halos nakalimutan ko na ngang kasama ko pala yung kapatid ko -_-
“Pasensya na talaga ulit miss pero kailangan nyo kong itago." Pagmamakaawa niya.
Nako po! Baka kidnapper ‘to! Nako wag naman po sana kaming kidnapin ni Gabby! Sayang ang gwapo pa naman ni Kuya kaya lang kidnapper!
"Bakit kidnapper ka noh?! O baka holdaper?! Nako baka kidna---“ Di na ako naka salita kasi tinakpan niya yung bibig ko.
“Uy kuyang pogi! Bitawan mo ate ko!” Pagmamakaawa ni Gab sa kanya.
Hindi niya pinansin si Gab at hinila or should I say KINALADKAD niya kaming dalawa papunta sa labas ng isang store.
Ang praning ko naman kasi. Ni hindi ko pa nga kilala nagjudge na kaagad ako. Pero wala talagang manners ‘tong mokong na to. Hindi man lang nagpakilala! Kung makakaladkad naman samin parang close kami!
"Ano ba?! Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko sa kanya.
“Ate tumigil ka nga diyan!” Pasigaw na sabi ni Gab sakin at humarap ulit sa mokong. -___-
Sabi ko nga tatahimik na di ba? Tatahimik na po.
“Kuyang pogeeeeeeeeeeeeeeee, wag mo na pong bitawan yung kamay ko.” Pacute na sabi ng kapatid ko. Etong kapatid ko bago pa lang sa Pilipinas kumekerengkeng na agad! Pumi-PBB Teens na! Ang landeeeeeeee. Pero maiba tayo... bakit ba niya kami dinala dito? Sino ba ‘to?
BINABASA MO ANG
Exactly Where They'd Fall
FanfictionMeet Daniela. Isang simpleng babae na may loka lokang kapatid at isang NBSB. Biglang nagkrus ang landas nila ni Daniel Padilla. Isa sa pinakasikat na teen actor at crush ng buong Pilipinas. Tapos, naging boyfriend niya? Kamusta naman yun?