Chapter 2
(Still Daniela’s POV)
“Kuyang pogeeeeeeeeeeeeeeee, wag mo na pong bitawan yung kamay ko.” Pacute na sabi ng kapatid ko. Etong kapatid ko bago pa lang sa Pilipinas kumekerengkeng na agad! Pumi-PBB Teens na! Ang landeeeeeeee. Pero maiba tayo... bakit ba niya kami dinala dito? Sino ba ‘to?
“Yun lang naman pala eh. Edi di ko na bibitawan. Buti ka pa, MABAIT. Eh yung IBA JAN. Ang ganda sana kaya lang ang sungit sungit.”
“Anong sabi mo?” Di ko kasi narinig yung huli, pabulong niya kasing sinabi.
“Wala! Sabi ko bili tayo ng damit. Tara!” Sabi niya sabay kuha ng kamay ng kapatid ko. Aalis na sana siya pero pinigilan ko.
“Ano ba! Bitawan mo nga yung kapatid ko! Hindi ka nga namin kilala eh. Ba’t naman kami sasama sa’yo?” Sabi ko habang kinukuha sa kanya ang kapatid ko.
Binigyan niya lang ako ng look na parang nagsasabing “Hindi mo AKO kilala?”
Eh totoo naman eh. Hindi namin siya kilala.
“Hindi mo ‘ko kilala?” –Kuyang Pogi.
“Kakasabi nga lang diba? Bingi ka? Bingi?” Gwapo sana kaya lang bingi. Ay joke.
“Di nga! Pero seryoso, di mo ‘ko kilala?” Tanong niya ulit.
“Ano ba! Bingi ka ba talaga? Kailangan paulit-ulit?! Hindi nga sabi eh! Bakit ba? Sino ka ba?” Naiinis kong tanong sa kanya.
“Teka, mamaya na ‘ko magpapaliwanag. Favor lang miss. Samahan niyo muna ako. Please? Please?” Pagmamakaawa niya. Kainis! Kinuha niya ulit sakin yung kapatid ko pero hinatak ko pabalik sakin si Gab.
“Ni hindi nga namin alam kahit pangalan mo man lang tapos sasami kami?”
“Ate! Mamaya nga magpapaliwanag di ba? Stop being paranoid! Mukhang harmless naman siya o. Nakakahiya kay Kuyang Pogi!” Araaay. Kinakahiya na ‘ko ng kapatid ko o. Praning na ba talaga ako? Eh sorry di ko kasi kilala eh.
Yung kapatid ko naman, nagwapuhan lang, sasama na kaagad kahit hindi kilala. Kung makakapit parang linta!
Hayyy sige na nga. Pagbigyan na natin ‘tong mokong ‘to.
“Hayyy. Sige na nga. Pero may atraso ka pa sakin. Pinagbibigyan ko lang si Gab.”
“Talaga?! O sige tayo na, bili tayo ng damit.” Sabi niya sabay hila ulit sa kay Gab at sa akin. Aba kanina pa ‘to chumachansing ah? Tss.
Hinayaan ko nalang at sumunod na sa kanya. Aba si Gab umienjoy ha. Lakas maka-PBB Teens ‘tong dalawang ‘to. Ipasok ko kaya sila sa PBB? Panigurado makakapasok ‘to sa big 4. -_-
Makahawak naman ‘to sa kamay ko parang tatakasan ko siya.
So yun nga, pumasok na kami sa loob ng store. Ano pa bang magagawa ko? Tss. I still can’t believe na sumasama kami sa isang stranger.
Tinuruan naman kami ng mga magulang naming na WE SHOULD NOT TALK TO STRANGERS ha.
Anyways, kasalukuyang pumipili ang dalawa ng mga damit. HAHAHA wow ha ang lalim.
FASTFORWARD~
“O eto, itry nyo nga.” –Kuyang Pogi.
Iniabot niya samin yung mga damit. o_O
Ba’t pati kami magpapalit ng damit? Pangit ba suot namin? Hindi naman ah!
“Ba’t pati kami kailangan magpalit? Maayos naman yung damit naming ah?” Tanong ko sa kanya.
“Eh basta! Magpalit nalang kayo please.”
“Magpalit na tayo ate! Magaling naman pala pumili ng damit si Kuyang Pogi o!” Hahaha ayyy Gabrielle ka.
“Fine. Fine. Magpapalit na.” No choice na ako. Mukhang under ako ngayon sa kapatid ko ah.
Pagkatapos kong magpalit ng damit, lumabas na ako sa cubicle at nanlaki ang mata nilang dalawa.
“Huy! Pangit ba? Magpapalit nalang ako ulit.” Tatalikod na sana ako pero pinigilan ako ni unggoy. Kilala niyo naman siguro kung sino.
“U-uy! Wag! B-bagay sa’yo!” Nauutal niyang sabi. Ba’t siya nauutal? -_-
“Huwaaaw. Ganda ni Ate o! Galing mo pumili chong!” Nakipag-apir siya kay unggoy. Wow, close na sila kaagad ha?
Binabayaran na ngayon ni unggoy—este ni Kuya-na-hindi-ko-kilala-ang-pangalan ang damit namin nang may kumulbit sakin...
“OMG ATE! In love na ata siya sakin! Ang galing niyang pumili babae!”
Kaloka talaga ‘tong kapatid ko. Ano pa kaya pag nakakita ng artista ‘to? Sasabog siguro ang obaryo nito.
BINABASA MO ANG
Exactly Where They'd Fall
FanfictionMeet Daniela. Isang simpleng babae na may loka lokang kapatid at isang NBSB. Biglang nagkrus ang landas nila ni Daniel Padilla. Isa sa pinakasikat na teen actor at crush ng buong Pilipinas. Tapos, naging boyfriend niya? Kamusta naman yun?