Chapter 3

13 1 0
                                    

Khal's POV

Gabi na at nasa kwarto ako na para sakin lang walang ibang pwedeng pumasok dito maliban sa kapitan at sakin...
binigyan din ako Ni Rina ng damit.. Ang angas pang pirata talaga...

pero .. kahit ganun.. hindi parin ako makatulog mag isa .. katabi ko lagi matulog si Kaycee or pag nasa bahay ako ay katabi ko naman yung kapatid ko na si Khelsey

kaya napagpasyahan Kong lumabas muna at pagmasdan ang malawak na karagatan

nakaupo lang ako sa isang drum ng kung ano man ito at naka halumbaba sa gilid ng barko

"Bakit gising ka pa?"  biglang sulpot nung kapitan

"Hindi ako makatulog "  tipid na sagot ko habang nakatingin parin sa dagat ..

"Natatakot ka ba? ..sakin?" tanong niya

"Kung takot ako sayo tingin mo ba gagawin ko yung ginawa Kong pag sagot sayo kanina?" tanong ko sa kanya at humarap sa kanya..

"Kung ganoon bakit Hindi ka makatulog?" tanong niya

"Hindi ko Alam"  sagot ko pero takot lang talaga ako mag isa

"Gusto mo sigurong masaksihan ang pagtawid ng mga kaluluwa ng mga pirata at mandaragat?" tanong niya..

agad naman akong nabigla sa sinabi niya at napahawak ng mahigpit sa gilid ng barko

"Sabi nila na kapag may mortal daw silang nadaanan, kukuhain daw nila ang kaluluwa nito" sabi niya at itinuro yung mga maliliit na bangka na may sakay na mga tao

"B..bakit ang dami nila.. pauwi na ba sila?" tanong ko

"Hindi yan yung mga kaluluwang sinasabi ko"  sabi niya at napangiti siya..

gusto Kong sumigaw at tawagin si Rina kaso baka marinig ako nung mga kaluluwa..
ayoko naman maiwan sa kwarto mag isaaaa

"K..kapitaaannnn" tawag ko sa kanya ng may pagpapaawa... "takot ako sa multo " sabi ko sabay hawak sa damit niya.. Alam ko! ramdam ko! nagpipigil siya ng tawa niyaaaa!!

"H-halika na sa loob" sabi niya .. tignan mo! nagtatatters pa siya! ang sama niyaaa..

sinarado niya naman yung pinto ako naman tumakbo papuntang kama.. at nagtalukbong ng kumot

"Dapat sa Simula pa lang sinabi mo na na Hindi mo kayang matulog mag isa" sabi niya at umupo sa kama

"Ayaw mo namang patulugin si Rina dito eh" reklamo ko

"Ayoko talaga kasi baka kung anong mangyari sayo.. kaya ako na lang ang tatabi sayo" pagkasabi niya nun ay agad akong napaupo..

"Ayoko!" reklamo ko sa kanya

"Sige, aalis na ko" sabi niya at agad siyang tumayo pero agad ko rin siyang hinawakan

"ang sagot mo at malayo sa ikinikilos mo binibini" sabi niya sakin ng may nakakalokong ngiti

"Sige.. dito ka na matulog"  sabi ko sabay taklob ng kumot at humiga na

narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa..pero Hindi ko na lang pinansin...

naramdaman ko ang paghiga niya sa tabi ko ..

"Sino may sabing tabi tayo---" natigilan ako sa pagsasalita nung pag harap ko sa kanya ay saktong sakto, ilang centimeters na lang yung mukha niya sa mukha ko..

"Mamili ka, katabi mo ko sa iyong pagtulog o mag isa kang matutulog" sabi niya sakin ..

kaya tinalikuran ko na lang siya ..
badtrip talaga uso na mga hokage Simula pa lang

To The Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon