Una

11 1 0
                                    

12122018

Taon na ang binilang pero wala pa ring pagbabago
Tila ba ang buhay ko ay huminto na sa pag-usad at pag-ikot
Minsan masaya
Madalas malungkot
Minsan tumatawa
Pero sa totoo lang, gusto ng mawala.

Ilang beses na ba na ganito
Gabi-gabing lumuluha hanggang makatulog
Nagtatanong kung bakit at paano
Ano na nga bang gagawin ko?

Mga hindi mapigilang patak ng luha
Mga nakakubling marka sa sarili
Mga patuloy na daloy ng dugo
Ano na nga ba ang kahahatungan ko?

Sa dami ng pangarap ko noon
Wala ni isa ang natupad doon
Nakakalumbay ang ganitong buhay
Para bang isa nang patay

Sinubukan kong sabihin
Pero pakiramdam ko ay isang malaking sagabal
Bakit nga naman ba nila poproblemahin ang problema ko
Kung pwede ko namang sarilinin at hintaying umayos ulit ako.

Matutulog ng may bakas ng luha
Gigising ng maga ang mga mata
"Puyat kasi ako 'Ma"
Yan ang madalas kong depensa sa umaga

Dito ko nalang ilalaan ang aking mga saloobin
Baka sakaling mawaksi sa isip ang bumubulong sa dilim
Tatapusin ko ito ng may maliit na ngiti sa labi
Dahil kahit papano ay gumaan ang bigat ng dibdib



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pulang TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon