Forever Admiration

6 0 0
                                    

Your POV

"nakatingin na naman siya, ang creepy" nasabi ko sa sarili ko saka tinakpan ng notebook yung mukha ko. Aish. Nakakatakot si Raven, yung playboy sa room namin, kilala din siyang ganoon sa buong campus. Sabi nila may babaeng nagpakamatay dahil hindi niya napanagutan yung pagdadalang tao nung babae. Hayun! Minumulto daw siya.

Nagsimula daw lahat yun, nung naging creepy stalker si Raven nung girl, pero yung girl ang bilis bumigay kaya ayun ang nangyari sa kanya. Nabaliw na saka nagpakamatay. Wew~ kinikilabutan ako.

Break namin ngayon kaya lumabas na ako pero hindi pa rin naaalis yung tingin sakin ng creepy na si Raven kaya nakatakip pa rin ako ng notebook sa mukha. Lahat ng madaanan ko nakatingin sakin kasi sinusundan din ako ni Raven.

Parang hindi na ata makakapagtago mula sa kanya, yung mga tingin niya kasi parang tumatagos sa buong katawan ko. Waaaahh! Creepy stalker. Pero sinisigurado kong hindi ako bibigay katulad nung nangyari sa babae niya.

Pumila na ako sa canteen para bumili pero wala pala akong dalang pera, teka... asan ko ba nilagay yun? Ah! Sa locker ko. Dumiretso ako sa locker, walang tao dito ako lang, hindi na rin ako nakatakip ng notebook mukhang hindi na kasi nakasunod si Raven.

Bubuksan ko na sana yung locker ko ng may humatak sakin papunta sa kung saan. Isinandal niya ako sa pader tpos na corner niya ako ng dalawa niya kamay. Gusto kong sumigaw sa takot at kaba ng makita kong si Raven iyon.

"bi...bitiwan mo ako! si...sisigaw ako" banta ko sa kanya pero parang hindi naman siya natitinag. Waaaahh! Eottokhe~ Luhan my labs help!

"paano kung ayaw ko?" nag smirk siya. At lalo akong kinabahan sa smirk niya. tinitigan niya lang ako sa buong mukha ko, blangko lang ang mukha niya, yung walang emosyon. Kaya humupa na ang kaba ko. Wala naman siguro siyang gagawing masama kasi promise talaga sisigaw ako tapos malapit lang dito ang principal's office.

"You're his type? wala siyang taste." Sabi niya tsaka nag 'tsk' tapos umalis na siya. Anong problema nun? Tsaka anong sinasabi niya? anong his type? Baliw ata yun eh nahawa dun sa girl. Aish. Nawala na tuloy yung takot ko sa kanya dahil sa inasal niya ngayon.

Kinuha ko na yung pera ko at dumiretso sa canteen. Umorder lang ako ng chocolate mousse cake tsaka mocha coffee, sosyal yung canteen namin parang café lang. haha.

Naghanap na ako ng mauupuan kaso...

"aish. Look what you've done! Nadumihan mo yung uniform ko" sigaw ng masungit na nakabangga ko. Nakatingin din samin lahat ng estudyanteng nasa canteen dahil na nangyari. Pero mas nahiya ako nung marealize ko kung sino ang nakabangga ko.

Nanlaki ang mata ko. "Lu...Luhan?" luhan my labs!~ medyo badtrip yung itsura niya kasi nadumihan yung uniform niya. agad kong kinuha yung panyo ko saka pinunasan yung nadumihan niyang damit. Pero inagaw niya sa kamay ko yung panyo at siya na ang nagpunas.

"Ako na, tsansing ka na eh" sabi niya. ang sungit mo talaga Luhan, pero kahit ganoon labs pa rin kita. Tapos umalis na siya na dala yung panyo ko.

"Luhan! Yung pan...yo ko." Wala na. nakaalis na siya. Yung panyo ko nadala niya pa. pero okay lang kahit sa kanya na yun. Hihihi...

Haay. Parang nakikita ko na ang sarili kong pinagnanasaan bawat galaw at salita ni Luhan, pero hindi ako obsessed ah, medyo lang. kaya ko pa namang kumain habang tinititigan siya, yung iba nga ang corny eh, kaya na daw nilang hindi kumain basta panoorin lang daw nila si Luhan.

Si Luhan matagal ko na siyang gusto kasi super perfect niya sa paningin ko. Marami ding nagkakagusto sa kanya, kahit mga teachers namin may lihim na paghanga kay luhan. Pero ako syempre dapat maria clara lang ang peg, yung di obvious. Kekeke...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever AdmirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon