May pagka-MEMA po ang istoryang ito :D Ito po ay kathang-isip lamang. :D
Hope you like it. :D
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mahal kita, pero mahal mo siya."
Yan ang lagi kong mga nakikitang quotes na, PANTANGA lang!
Tamang tama kasi sa akin eh. Sa love life ko.
Oh wait, ako nga pala si Ysabelle Veronica "Ronii" Villafuente. 16 years of age. 4th year HS nag-aaral sa LA. (Kung taga Lucban, Quezon ka, alam kung anong school yun. :D)
So much for that, back to my story.
Ayun nga, kahit saang website yta na puntahan ko, puro ganong tipon quotes ang nakikita ko. Puro, "Tanggapin mo na ang katotohanan, DI KA NUN MAHAL." Sobrang naiinis ako kasi, para sa akin, ang hirap tanggapin nga naman ng katotohanan na hindi nya ako mahal.
Siya si Martin Jacob Ocampo.
Schoolmates? Check.
Batchmates? Check.
Co-dancer? Check.
Ayan ang mga dahilan kung bakit ko nga ba sya nagustuhan. Minsan kase, kahit san ako lumingon nandun sya eh. Siya yung tipo ng lalaki na mabait, at sweet sa mga girls. Malakas din ang dating ng appeal nya eh kahit hindi sya ganon ka-gwapuhan. :DD (PEACE ON EARTH)
Way back 2nd year HS, nasimulan ko siyang maging crush. Di ko alam kung anong dahilan? Basta na lang para bang ayun nga, ah basta magulo haha. Let's just agree to the fact na nagustuhan ko siya. :D
---------------------------- Wait konting information muna :DD ------------------------------------------------
Ako, di ako masyadong palatago ng secrets when it comes na ang pag-uusapan eh tungkol sa mga crush. Medyo bulgar akong tao. Gusto ko, alam ng friends ko kung sino ang crush ko.
Pero hindi ako yung tipong babae na, kapag crush mo yung crush ko, ay magkakaroon na ng World War III. Mapagbigay ako. Kung may nagkakagusto sa crush ko, i respect that. Pero, ang iba lang sa akin, kapag nalamangan mo ako sa kanya, haha! Grabeng selos ang abot.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngayong 4th year, lalo nang nagiging intense ang pagka gusto ko sa kanya. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit. Alam ko naman na may gusto siyang iba. Pero yung mga ginagwa nya sa akin at sinasabi, para bang dedicated yung loob nya sa akin. Yung parang ako yung gusto nya.
Kapag nagkakasalubong kami sa hallways ng school, bigla nya akong bubungguin at sabay sabing, "Ay, sorry" Na may ngiti sa lips nya. Edi ako naman, kilig to the max.
Tuwing recess, lagi siyang bumababa ng 3rd floor. Sa rooftop kasi ang room nya. And nsa 3rd floor ang friends nya.
Minsan, nagulat na lang ako. Magkakausap kaming magkakabarkada, including sya, magkatabi kami. Then, hinawakan nya yung kamay ko.
Edi nag-ingay ang buong barkadahan at sabay asar na "Uy! Si Ronii kinikilig na yan oh!" PEro ang sa akin naman, syempre hindi ako magpapahalata na kinikilig ako noh! :D
Pinipilit kong tanggalin ang kamay ko dahil nakakahiya yung ganong scenario. HAHA! Ang CORNY kase. And sa mga panahong nangyari yon, AYOKO MAG-ASSUME. Mahirap na. :D
Pagka ring ng bell, dahil tapos na ang recess, mag stay over muna sya for a while sa hagdan. Katapat kasi ng pinto ng room namin ang hagdan paakyat sa roof top. Bago siya umakyat, lagi nya akong tinititigan, na para bang mautunaw ako. :D
