University of Santo Tomas
one time gabi na..mga 7pm ata yun..kakatapos lang ng class namin sa med bldg at nagsiuwian na ang mga classmates ko tsaka ko naisipan na mag CR kasi baka matraffic ako sa daan at maihi. pagpasok ko sa CR namin…spooky talaga pero tinuloy ko parin. binilisan ko. that time i’m sure na walang tao sa CR, ako lang talaga at nakabukas ang lahat ng pinto ng mga cubicle so nagmadali nakong umihi pero sa kalagitnaan ng pagihi ko eh biglang may nagflush.. katabing cubicle ko pa kaya nangilabot ako.lumabas ako ng cubicle ko,tumingin ako sa salamin at bukas talaga ang pinto pero walang reflection ng tao sa salamin galing dun sa cubicle na yun! tumakbo ako palabas at mangiyak ngiyak ako.. after that never nako nagpagabi sa med bldg!