"Montejo, Anastacia Reshey?"Nagtaas ako ng kamay,"Ma'am?"
Isang malawak na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Kinakabahan ako. Lahat na kasi ng classmate ko ay tinawag na ang pangalan maliban sa akin. Ibinabalik na kasi ang aming exam sa Math at ako nalang ang hindi pa tinatawag.
I gulped. Napapikit ako at kinausap si Lord sa aking isipan. Lord! Wag niyo po sana akong ibagsak. Kahit mga gitna lang, Lord, kahit hindi ako makakuha ng mataas---
"Congrats, Ms. Montejo for having the highest score in Math."
Napamulat ako agad dahil sa gulat. A-ano daw? Lahat ng aking kaklase ay nagsipalakpakan at pilit na pinapatayo ako para kunin ang aking test.
"P-paano..."- bulong ko sa aking sarili. Oh my gosh.
Masasabi kong sobrang hirap ng exam sa Math, as in! E diba kailangan kada subject na ite-take, 1 hour lang? Pero ginawa kong 1 and half hour yung math dahil nakakaloka sobra!
"Galing mo, Ey!"
Awkward na ngiti ang ibinigay ko sa mga kaklase ko. Srysly, hindi ko talaga alam kung anong irereact ko. Ito pala yung sinasabi mong 'worth it'.
Pagkauwian ay dali dali akong lumabas ng room habang hawak ko ang aking test paper. Hinanap agad siya ng mata ko at nakitang nakasandal siya sa pader malapit sa room ko.
I smiled. Bumilis ang tibok ng puso ko nang nahagip ko ang kanyang mata na hinahanap rin ako. He smiled back.
"Yash!"
Tumakbo ako sa kanya at agad naman niya akong hinawakan sa braso. Kahit hingal na hingal ay ipinakita ko sa kanya ang aking test paper.
Lumiwanag ang kanyang mukha at saka ako niyakap.
"Woah! Congrats, Love!"
Napapikit ako saka siya niyakap ng mahigpit. Para siguro kaming tanga kung titignan ngayon dahil nisi-sway niya pa ako na parang bata.
I let out a sigh,"T-thank you, Love. Thank...you..so much."- hinihingal kong sabi.
Natawa siya sa way ng pagsasalita ko saka marahang hinagod ang aking likod.
"I know you can do it, Ey. Sabi ko sayo e!"- hinarap niya ako saka inuyog-uyog ang balikat ko. Malaking ngiti ang naka-plaster sa kanyang mukha. "Kaya mo yan, ikaw pa ba? Ang galing galing mo kaya."- he sincerely said saka ako kinindatan.
I chuckled and pinched his nose.
"Syempre.."- hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Magaling ang teacher ko."- sabi ko saka naman siya kinindatan.
"Psh, ano ba Ey."
He looked away kaya napatawa ako ng malakas. Ang cute ng boyfriend ko.
"Bakit?"- natatawa kong tanong.
"Ito oh."- sabi niya kaya nagtaka ako kung bakit niya hinila ang kamay ko saka nilagay sa chest niya. "Bumilis ang tibok ng puso ko nung kinindatan mo ako. Panagutan mo ako, Ey!"
Mahina kong hinampas ang dibdib niya at hindi na napigilang tumawa. Parang bata.
"Ewan ko sayo."
Nilagay niya sa loob ng bag ko yung test paper ko. On the way kami papunta sa canteen dahil hinihintay daw kami nila Shannon doon.
"Wala kang practice?"- tanong ko sa kanya.
Nginitian niya ako saka umiling. "Wala pa si Coach e. Tsaka, exam week pa rin kaya kailangan ko muna mag-focus sa acads."
Tumango ako. Magkaiba kami ng block ni Yash. Parehas kaming ABM, nasa last year na sa college, pero Major in Accountancy siya at ako naman ay Major in Banking and Finance Management. May pagkakaparehas kami sa sched, pero minsan kasi may mga activity kami at ganoon din sila.
"Yash! Ey! Ang tagal niyo naman!"- reklamo agad ni Shannon ang narinig ko.
Inirapan ko lamang siya saka umupo. Umupo sa harap ko si Yash na dapat ay uupo sa tabi ko. Papansin kasi si Shannon, umupo sa tabi ko.
Bumalik sa table namin si Kyle saka nag-fist bomb kay Yash. "Dude, walang practice?"- tanong niya saka umupo sa tabi ni Yash.
Umiling si Yash habang tumatawa. "Loko ka, wala nga! Bakit ba?"
Natawa kami lahat nang ngumuso si Kyle saka nagcross arms na parang batang hindi pinagbigyan sa isang bagay.
"Ano ba Kyle! Ang pangit mo!"- pangasar ni Shannon.
Napailing nalang ako at sumipsip sa aking choco drink.
"Wala tuloy magchi-cheer sakin! Sabi ko pa naman kay Michelle, icheer niya ako! Nagpractice pa naman ako."
Michelle is somewhat called the 'campus queen' dahil sa kanyang kagandahang taglay. Hindi ko nga alam kung bakit siya tinawag na ganun. Siguro kasi sikat siya masyado dahil isa siyang cheerleader ng basketball team.
"Sus, hindi ko na kailangan ng magchi-cheer sakin."
Napatingin kaming lahat kay Yash na ngayo'y nakahalumbaba at nakatingin sakin. Tinagilid niya ang kanyang ulo habang tinitignan ako kaya napakunot ako ng noo.
I mouthed, 'bakit?' pero ngumiti lang siya.
"Kasi?"- tanong ni Shannon.
He sweetly smiled at me. Gosh, why you do this to me?
"Mawala na lahat ng sumusuporta sakin, wag lang si Ey. Kasi si Ey lang, ginaganahan na ako maglaro."- tapos nag-gesture siya ng 'shoot'."3 points Panalo na agad."
I looked away. Ano ba. Napanguso nalang ako para magpigil ng ngiti.
"Yieeee! Kinikilig ako anoba!"- kinukurot ako ni Shannon kaya nagaiwas iwas ako sa kanya.
Ginulo naman ni Kyle ang buhok ni Yash. "Tae ka! Oo na! Kayo na may lablayp. Tayo na nga lang Shannon!"
Napatigil naman si Shannon sa pangungurot at nag-act na parang nasusuka.
"Ew! Yak! Wag ka nga, Kyle! Hindi tayo talo, uy"
"Sus, choosy."
Napailing nalang ako. Nag-angat ako ng tingin kay Yash. Nakatitig na pala siya sa akin.
I arched my brow.
He smiled again. Nawiwili na ata to ngumiti. Pero nako, masanay na kayo. Lagi yan may nakaform na ngiti sa labi. I also gave him a smile, kahit na hindi ko siya magets. Para na siguro kaming tanga talaga, nagtititigan tapos nagngingitian.