Sana tayo na lang ulit =( [One shot story]

1.3K 41 31
                                    

"Sana tayo na lang ulit."

by: RedinLove

May mga bagay talagang pinagpipilitan, kahit tinigilan na..

**

"Janelle, pwede bang ako na lang ulit? Please (^/\^)" Ang huling katagang narinig ko mula sa kanya.

**

"Janelle truth or dare?" sabi sa akin ng isa kong barkada na si JM. Jusko pang ilang truth or dare na namin to pero hindi pa rin sila natututo sa sagot ko. 

"Truth." bored kong sabi.

"Nanaman?!! Bakit ba ayaw na ayaw mo ng dare?" 

"Dali na ano ng tanong? Yung dati? Wala nga. Wag nga kayong makulit."

"Psh. Alam ko na para maiba.. Sa lahat ng naging ex mo, Sino ang pwede mong balikan at bakit?" -JM

"Whoa. Ayos yung tanong mo Jm. So sino?" extra ni  Sheila sa akin.

Natigilan naman ako sa tanong nila. Lahat sila nagaabang ng masasagot ko. Lahat sila nakatitig sa akin. Lahat hinihintay ang sagot ko. Sasabihin ko ba? Huwag na. Asarin pa nila ako. Psh.

"Wala." matipid kong sabi sa kanila at binuksan na ang piattos na hawak ko. 

Nasa Cafeteria nga pala kami ngayon. Recess time namin. At napagisipan nilang maglaro ng Truth or Dare. Tuwang tuwa kasi sila pag Dare ang sinasagot ng iba. Kung ano ano kasi ang pinapagawa nila. 

Alam mo yung sisigaw ka sa loob ng cafeteria. Oh di kaya minsan sasapakin nila yung unang dadaan sa table namin. Minsan lalagyan nila ng lollipop yung spaghetti ng isang tao na unang makikita nila, pero mas malala nung nilagyan nila ng bubble gum yung buhok ng teacher namin. Shit lang. Pinagalitan kami nun at pinalabas kami ng halfday. Kung alam niyo lang ang mga topak at mga sapak nila. Langya pa at nadamay ako eh nanunuod lang ako sa kanila nun.

"Ehhhhh???!! Wala?! Madaya madaya hindi pwede yun. >3<" nakapout at nagtatampururot na sabi ni  Ylaisa.

"Hindi pwede yun. Hindi pwedeng wala kasi may mga ex ka. Andaya nito. Kahit kailan talaga." -chloe

"Hayy nako. Alam niyo naman na hindi ako nakikipagbalikan sa mga ex ko diba?" pagpapaalala ko sa kanila. 

Well totoo yun. Hindi ako nakikipagbalikan sa mga ex ko... at yun yung pinaka masakit na salitang nabitawan ko na hanggang ngayon pinagsisihan ko.

"Wala Error! Hindi accepted yun. Hindi pwede! Hindi yun maari. Hindi pwede. Hindi talaga pwede! Wala. Madaya!" makulit na sabi ni Jm. 

Sana tayo na lang ulit (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon