Juan in other land.

51 2 0
                                    

Gusto ko lang ipakita sainyo ang larawan ng karaniwang Pilipino na nagtatrabaho sa abroad.

Nasa gitnang kategorya kami ng pamilyang pilipino, kumakain ng 3 beses sa isang araw, nabibili ang mga kailangan ngunit madalas mabili ang mga gusto. Nakapag-aral sa magandang unibersidad sa pamamagitan ng paggapang ng mga magulang. Ordinaryong pamilyang pinoy lang aking pinanggalingan, ginapang ang aking pagaaral upang makuha ang lisensya bilang isang NARS. Nangarap kasi ang aking pamilya na ako ang aahon sa amin mula sa pagkalublob ng kahirapan.

Hindi naging madali iyon saakin, pressure sa pagaaral at pressure sa paghahanap ng trabhong angkop sa propesyon ngunit sweldong pangdoctor. Sa unang taon ng aking pagkapasa sa board exam naging mahirap saakin ang paghahanap, gusto daw nila ang may eksperyensya pero hindi naman sila nagbibigay ng pagkakataon upang kumuha iyon, ang aking nasa isip, paano kami matututo kung walang magbibigay ng chansang matuto kami? LOGIC. Naging call center agent ako ng isang taon sa isang probinsyang malapit sa aking pinanggalingan, gising sa gabi habang nakikipagusap sa ibang lahi, nakikibagay, umuuto at madalas kinakain ang mga hindi magagandang salitang sinasabi ng taong hindi ka naman kilala at nasa ibang linya sa ibang bansa. Napakaliit ng sweldo ko pinagkakasya sa bayad bahay at pamasahe sa araw araw.

Pangalawang taon ko bilang isang NARS ako ay nabigyan ng pagkakataong pumunta sa ibang bansa kung saan iba ang kultura, ibang paniniwala at iba-ibang lahi ang nakakasalamuha. Nakakaawa mang isipin ngunit ang tingin sa aking propesyon ay walang pagkakaiba bilang kasam-bahay, pinasosyal lang nga daw dahil sa hospital nakadestino. Katulad sa pinas, hindi ako matanggap tanggap dahil sa wala pa akong eksperyensya hanggang sa bumagsak akong bilang isang NARS ngunit imbes tao ang inaasikaso, papel ang inaalagaan ko, company nurse kumbaga.  Hindi ganoon kalaki ang aking sweldo dahil sa bansang napuntahan ko ay sikat bilang tourist destination sa gitna ng disyerto, napakamahal lahat ng bilihin dito, halos kalahati ng aking buwanang sahod ay napupunta lang sa bayad-bahay, 4 na kataong nagsisiksikan sa isang maliit na kwarto, ganoon ang buhay dito. Wala akong sariling pamilya, nanatili akong single dahil ang gusto ng aking magulang ang mailibre muna sila ng tour at mabigyan sila ng bahay bago ako magkapamilya, balik sa sweldo? alis ang kalahati, ang natitirang kalahati naman ay pagkakasyahin ko sa pagkain, gamit, at padala sa pinas.

Ang mahirap sa atin kung nagtatrabaho na sa ibang bansa ay ibig sanihin malaki na ang kita, malaki sana kung peso rin ang halaga ng mga bayarin dito, kung peso-base ang mga bilihin pero hindi eh, mahirap ipakita sa pamilya na ok ka kahit sa loob mo'y hindi na matahimik kung saan kaulit huhugot ng pera. Iba ang pressure ng naibibigay ng mga taong nakatingin sayo, ang inaasahan ng pamilya na milyong-milyong halaga ng sweldo idagdag mo pa ang ga kaibigan mong nagbibilin ng kung ano ano, at mga kamag anak na kung magsolicit ng pera sayo ay daig pa ang BIR.

Pressure sa pera at kagustuhang umuwi ang pangunahing problema, hindi ako makauwi sa pinas dahil sa kaunting pera na lang ang aking naitatabi pagkatapos ng sweldo, sa bansang kinatatayuan ko ginto ang halaga ng ticketang pauwi sa bayan na pinanggalingan. At naiisip ko din ang mga sasalubong upang humingi ng baloto, akala nila'y nanalo ako ng lotto. Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay mas mahirap sa pagtatrabaho sa pinas. Kung sa pinas ka, wala mang pera, may bakuran kang pwedeng tignan para pagkunan ng kahit anong damong iluto , isubo at nguyain. dito? puro buhangin at walang kapit-bahay na pwedeng mahingan ng pagkain o kaya sari-sari store na pwedeng utangan, kung wala ka ay wala ka talaga.

Ang lahat ng ito ay gusto kong sabihin sa pamilya ko, kaibigan at kamag-anak ko pero dahil sa takot ko mas pinili ko na lang ilihim ito dahil mahal ko sila at gagawin ko ang lahat para matupad ang pangarap nila, hindi ko alintana ang hirap makita lang silang masaya dahil ako ay isang pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Kwento ito ng karaniwang pilipino at isa ako sa nagpapatotoo nito

Juan in other land.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon