"ma nakita nyo po ba ang necktie ko??" tanong ko kay mama na busy sa paggawa ng baon ko...
"hay naku bata ka... ilang ulit ko nang sinasabi sayo na iready mo na ang mga gamit mo gabi palang ng hindi ka ora oradang maghahanap ng mga gamit mo.." pagaarmalayt sakin ni mama...
"eh gabi ko na po talaga natapos mga assignments namin ma eh... kaya pagkatapos.. natulog na agad ako"..
saka ko naman nahanap ang necktie ko sa baba ng kama ko...
"whoo sa wakas!!! nakita narin kita"
"bilisan mo na at 6:40 am na... malelate ka nanaman..."
"opo..." sabay tungo ko sa kusina at kuha ng baon ko at nilagay sa bag..
"dito na po ako ma... pa.." pagpapaalam ko sa magulang ko...
*school*
"joy.. late nanaman... kahapon late ka rin... whats happening to you?? you're not like this nung nasa fitst year at second year ka..."
tahimik lang ako at nakikinig sa disciplinarian namin...
"here.." sabay bigay sakin ng handbook ko na lalagyanan ng mga lates and absences ng isang estudyante sa school... magsusulat kame dun ng reason kung bakit kame late o absent at ililista yun ng disciplinarian sa notebook nya... 3-7 lates.. kukuha ng 200 pieces of amor seco sa field... 7 lates and above... maglilinis ng CR.. 15 absences.. ipapatawag ang parents... 20 absences.. drop....
" isang late pa at pupulot ka na ng 200 pieces of amor seco dyan sa field.."
tumango ako..
"dito na po ako.." sabay labas ko ng office nya...
ngayon andito ako at paakyat sa stairway ng school namin... hindi naman ako magisa... may mga kasama akong lates but ibang sections.. humahakbang lang ako at nakatingin lang sa paghakbang ko.. ng biglang may mga gagong nagsisitakbuhan sa stairs at nabunggo ako...
"ouch!!!" sigaw ko ng mausog ako ng malakas sa bandang gilid ng stairs... whooo buti nalang nakakapit ako ng maiigi sa hawakan ng hagdan... tumilapon ang filecase ko..
"sorry...." sabi ng mga nakabunggo saking mga lalake... pero not convincing... eh tumatawa tawa pa sila habang sinasabi yun... hindi sincere.. ugghh..
"magtatakbuhan nalang kayo dito pa sa stairs!" sabi ng boses babae na di pamilyar sakin... lumingon ako sa kinaroroonan ng boses na yun.. sino sya... hindi ko pa nakikita ang magandang babaeng ito dito sa school... nakita kong hawak hawak nya ang tumilapong filecase ko na--- waaaahh... sira!!! T.T ok... lagot nanaman ako kay mama nito...
iniabot nya sakin ang filecase ko...
"nakasira din kayo ng gamit ng tao!!" patuloy nya..
"psssh!! tara na nga joe" naiiritang pagkasabi ng isang lalake sa mga kasama nya... at nagsialisan na ang mga gago...
nabaling ang tingin ko sa babae...
"thank you..." sabi ko...
ngumiti sya...
"welcome... mga gagong yun.... parang wala lang sa kanila yung nangyari..." sabi nya..
"ganon talaga yung mga yun... ay syete!! sobrang late na tayo sa klase..." sabay naman kameng nagmadaling umakyat ng hagdan at saka pumunta sa kanya kanyang classroom...
*recess*
pinuntahan ko si Kay(bff ko) sa kabilang room.. di kame magkaklase eh...
"joy.. tara sa canteen??" yaya ni Kay sakin..
"tara.." tugon ko..
"wait for me... Kay..." sabi ng isang babaeng natatarantang inaayos ang mga gamit nya sa loob ng classroom at tumakbo papalapit samin ni Kay.. wait.. sya yung magandang babaeng pumulot ng file case ko kanina..
"hahaha xD oo nga pala.. sasama ka.. sorry chin.." natatawang sabi ni Kay...
"grabe..." natatawang sabi ni chin kay Kay...
nabaling naman ang tingin ni chin sakin
"oh.. hi.. ^__^" sabay ngiti at kaway nya sakin..
gumanti rin ako ng ngiti sa kanya pero di ako kumaway... hindi ko kasi feel kumaway sa mga di ko pa kilala xD basta ganon ako..
"sya nga pala... joy, si chin... chin si joy.. bff ko" sabi ni Kay..
"hi joy... nice to meet you... ^__^"
"hi din.. :)" matipid kong tugon sa kanya... xD mahiyain ako eh...
" bagong transferee student sya dito sa school natin joy..." pagpapaliwanag ni Kay sakin..
"aaahhh.." tanging reaksyon ko at nagsmile ako kay chin.. gumanti din naman sya ng ngiti sakin..
"oh tara na... magcanteen na tayo at gutom na ang mga alaga ko sa tyan.. xD" sabi ni Kay...
"tara tara... baka magwala yang mga anaconda mo dyan sa loob ng tyan mo xD hahahahahaha ^___^" masiglang pagkasabi ni chin... ako naman natawa ng mahina sa kanila at tumango para ipaalam na sumasangayon ako sa kanilang pumunta ng canteen... xD sigla ko no?? hahahaha
.
.
.
.
.
.
.
.
thanks for reading the first part of my story... sana po basahin parin ninyo ang mga susunod na part ng story na to.... to ate raiza, zorai, tesa, analou at sa mga kaybigan kong nagbasa... thank you, thank you so much guys... ^_^
please read the next part po... pwede rin po magvote xD.. thanks mwahhh... ^_^
@vkbebe14