HULI NA.

21 7 14
                                    

Masakit, daing nang puso kong sawi.
Mula umaga hanggang gabi;
Tuwing maaalala ko ang pait ng kahapon ako'y napapangiwi.
Sa sakit at galit palagi akong nag titimpi.

Tama na, utos nang utak ko.
Wag naman usal agad ng puso ko,
Tila ba mag kaaway ang mga ito,
Ngunit nanaig ang salitang, suko na'ko.

Gusto ko na s'yang kalimutan,
Ngunit milyong mga tao siya ata ang kinakampihan.
Sila panga ay nag pustahan,
Para sa kasiyahan.

Hindi ko na talaga kaya,
Pakiusap ako'y tigilan na,
Tungkol sa kaniya
Na siya ay mahalin pa.

Mga kasiyahang dinulot mo.
Hindi ko malilimutan ang mga ito,
Ngunit seryoso,
Hanggang dito nalang tayo.

Ito na pala ang huli
Wala akong pag sisisi;
Huli ng lahat sa ating simula,
Maging sa ating pag sasama.

Mahirap man ngunit dapat tanggapin.
Hindi naman talaga ako iyakin,
Ngunit dahil sa relasyon natin,
'Di ko alam bakit kailangan ko yon gawin.

Mahirap itong gawin kahit mahal pa kita
Mahirap mag saya, kahit nasasaktan ka,
Ngunit anong silbi ng salitang mahal kita,
Kung ikaw mismo 'di nag mamahal.

HULI NATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon