what comes after death?

1.3K 2 0
                                    

               Anu nga ba ang susunod pagkatpos mong mamatay?  tunay bang may langit o impyerno?, o di kaya totoo ba ang re-incarnation? o baka naman wala, wala kang inaasahan. sa madaling salita para kang nakakulong sa isang madilim na kahon na wala kang nakikita, at wala kang naiisip. Buti na lang at may Diyos kase alam mong may inaasahan kang pangako, pangako na muli kang mabubuhay pagkatapos mong mamatay. Sapagkat nasusulat, ang kamatayan ang kabayaran sa kasalanan, kailangang mamatay ng tao upang mabayaran ang ating kasalanan. Sabi pa nila, na ang buhay ay ang PINAKA magandang regalo ng ating Diyos, kaya dapat lahat ay sinusulit ang bawat segundo. Sa mundo walang permanente, ang lahat ay may hangganan at lagi ng kasama ang pagbabago, noong bata pa tayo ay naandyan ang ating kasabikan pag malapit ng sumapit ang ating kaarawan, may bagong damit, madaming handa, maraming pera, ibat-ibang kulay na lobo at madaming icing na cake, pero hindi natin naiisip na habang tayo pala'y tumatanda ang mga magulang pala natin ay tumatanda rin. Ang mga taong nabuhay noong 1900, siguro naman wala na sila ngayong 2012, yan ang tinatawag na circle of life, lilipas ang magulang mo, papalitan mo, magkaka anak ka at papalitan ka na ng susunod pa sayo. Ang lahat ay mamatay, ang lahat ay tatanda at ang lahat ay haharap sa hukuman ng Dyos sa tamang panahon at huhusgahan tayo batay sa ating ginawa.

          Ano ba ang pakiramdam ng taong bago mamatay?, may nagsasabi na ang taong malapit ng mamatay ay biglang nagbabago, nagpaparamdam na at nagpapaalam. Ewan ko, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ng taong malapit ng mamatay, pero nakakita na ako ng taong namatay sa harapan ko. Hayaan mong malaman mo ang nasa-isip ko. Nasa 2nd floor ako ng school namin, sapat na ang taas nito para makita ang mga bubong ng bahay, si "BUDDY" na isang may ari ng SALON ay kakatapos lang mag ayos sa kanyang salon, umakyat sya sa bubong nila at tila mag sasampay, narinig ko pa nga tinawag sya ng kanyang may bahay, "agum kakain na tayo, bilisan mo dyan" eksaktong linya na narinig ko..maya maya pag tuntong ng mga paa ni buddy sa yero ay bigla syang natumba, nangisay at nakuha nya pang sumigaw, isang kawad pala ng kuryente ang sumayad sa bubungan.. Agad akong nagulat at ang mga classmate ko "Natumba yung mama sa bubong " sabi pa ng iba. Matutulungan pa sana si "BUDDY" kaso natagalan, kailangan pang patayin ang kuryente sa poste, ang masama pa basa ang inapakan ni "BUDDY", dahilan ito para tuluyan syang malapnos at matigil ang pagtibok ng puso nito. Naisugod naman si "BUDDY", un nga lang ay DOA o Dead on arrival na sya. Naisip mo ba na, kung hindi kaya nagsampay si "BUDDY" sa bubungan pwede pa kayang mabuhay sya?, o talagang oras nya na, ganon nga lang ang paraan ng kanyang kamatayan?. Agad pumasok sa isip ko na, hindi ba sya kawawa kase mawawala na sya sa ikot ng mundo, iiyakan sya ng ilang araw, ilang linggo o ilang buwan, pero darating din ang araw na makakalimutan na sya at bihira na lang maalala pa!! Meron pa akong ibabahagi sainyo, isang mahirap na pamilya na may anak na may TB, dahil mahirap lang sila, hindi masustentohan ang dapat regular na check up at regular na pag inom ng gamot. Minsan ay nag-usap ang haligi ng pamilya at ang kanyang anak na may sakit at eto ang kanilang pinag usapan, sabi nong ama sa kanyang anak, "nak pano yan pag namatay ka, wala na tayong magagawa, paki sabi na lang sa DIYOS pagdating mo sa langit na sana ay pagpalain nya naman ang maiiwan mo at sana ,maging maayos ang kalagayan namin dito sa lupa, kase sabi nila ang DAIGDIG ay parang IMPYERNO na rin sa mga taong naghihirap". Dumating ung araw at namatay nga ang anak nila, dahil mahirap lang sila ay tumagal ng ilang linggo ang burol nito sa barangay hall. Dumating din yung oras na naka-kwentuhan ko an ulit ung ama nila, hindi pa raw sila dinirinig ng Diyos, ang ganitong tugon ay hindi batayan para masukat kung may Diyos. Lagi mong tatandaan na kung ano ang ginamit mong panukat sa kapwa mo, ay ganun din ang gagamitin sayong panukat ng Diyos. Minsan pa nga ay may nakausap akong tao, bakit daw sya nagkasakit ng ganon, di nya man lang na enjoy ang buhay, hindi ba raw sya mahal ng Diyos at sa dinami rami daw ng masasamang tao sa mundo, ay bakit pa sa tulad nyang mabuti ibinigay ang sakit na yon. Ang sabi ko at ang pag-kaka alam ko, mapalad ang mga taong ginawa ng Dyos na instrumento sa pagbabago ng isang tao. Naniniwala naman ako, na ang lahat ng nang yayari ay may kadahilanan, tulad na lang ng istoryang ito, isang araw sa gubat ay nangangahoy ang isang lalake, dumaan ang isang "PASTOR", binati nya ang lalaking nangangahoy, "isang magandang umaga, pagpalain ka nawa ng ating Dyos, may dalang itak ang lalaki na nangangahoy at sa paglingon nya sa pastor ay aksidente nyang nataga ang kanyang daliri at naputol ang isa dito. "walang magadang araw mula sa Dyos, dahil binati mo ako ay nataga ko tuloy ang daliri ko sagot ng lalaki". "patawarin mo ako kapatid, siguro ay may plano sayo ang ating Dyos, sagot ng pastor". Kinabukasan ay pinuntahan ng lalake ang pastor, at niyaya nito ang pastor na pumunta sa gubat at mangaso, agad namang pumayag ang pastor. Sa kanilang paglalakad ay itinulak naman, ng lalaki ang pastor patungo sa balon na ginawa nya na may taklob lamang na dahon ng saging. Sa madaling salita nahulog ang pastor at dahil sa lalim nito ay hindi na nagawa pa ng pastor na umahon mula sa balon. "Pastor mukang pinabayaan kayo ng iyong Diyos, jan na muna kayo at siguro ay kagustuhan din ng Diyos yan" sabi nong lalaki. Masayang umalis ang lalaki palabas ng gubat, subalit sa kanyang paglalakad ay nakasalubong nya ang isang grupo ng canival, hinuli sya, itinali at tila ihahandog sa kanilang Diyos-Diyosan, ngunit pati ang pekeng Diyos ay mapili, sabi ng kanilang pinuno, paki-suri kung karapat dapat yang lalake na yan na maihandog sa ating panginoon, at nang sinuri nga , ay nakita ng grupo na yon na may kulang sa lalaki, putol ang isang daliri ng isang lalaki. Agad ding pinakawalan ang lalaki, at ligtas na nakauwi. Hindi mo ba naisip, kung hindi naputol ang daliri ng lalake, edi sana sya ang maihahandog sa Diyos-diyosan ng kanilang tribo at kung hindi naman nahulog ang pastor sa balon ay maaring sya naman ang maihandog. Ang lahaT ay may dahilan ang lahat ay may ibig sabhin. Ang nais kong ipabatid sa inyo, na bago tayo lumisan sa daigdig ay nasabi mo sa sarili mo na, kung ako may lilisan ngayong gabi ay taas noo kong ipagmamalaki na sa LANGIT ako pupunta at hindi sa IMPYERNO. 

         Tayo ay matatawag na manlalakbay, tanggapin natin na ang Daigdig ay hindi ang ating destinasyon, tayo ay naglalakbay lamang, kung kaya't wag nating masyadong yakapin o wag natin masyadong mahalin kung ano man ang mga bagay na meron tayo ngayon sa ating mga kamay, sapagkat ang lahat ay nasisira, ang bakal ay nasisira ng kalawang. Sabi pa nila , ang sinumang naghahangad ng buhay ay mawawalan nito, at ang sinumang nag aalay nito hindi para sa sarili ay magkakamit nito. Sa mga kaibigan mo, pag may namatay, hindi ba nakakalungkot, hindi ba lugi sya kase maaga syang nawala samantalang tayo heto at angpapatuloy pa?, samantalang sya hindi natin alam kung nakikita ba nila tayo o kung nasaan na sila?. Bata pa lang ako ay, talagang naiisip ko ang kahiwagaan ng buhay at kamatayan, naisip ko pala na walang permanente sa mundo, ay lahat ay kukupas, lilipas at higit sa lahat mawawala. Minsan naisip ko na napaka swerte ng isang kaluluwa kung mabisita man lang sila sa sementeryo, at tiyak natutuwa sila tuwing November 1, pero hindi mo ba naisip na darating din ung araw na ung dati mong kasama na dumadalaw sa sementeryo ay isa na rin sa mga taong dinadalaw mo. Oo ganun kahiwaga ang buhay, walang nakaka alam kung kelan, saan at paano tayo mamamatay. Hindi naman daw nakakatakot mamatay, nakakatakot lang mamatay pag hindi mo alam kung san ka pupunta. Napaka swerte natin guyz, sapagkat nasa huling kapanahunan na tayo, malapit ng dumating ang ating Diyos, isa na rito ang mga senyales ng kanyang second coming, magtatag gutom, mag kakaron ng digmaan anupat ang bansa ay makiki baka sa kapwa bansa at ang kaharian ay tatayo laban sa kapwa kaharian, magkakalindol at lalong sasama ang mga tao, hindi ba't sapat na tong batayan para malaman mong kailangan na natin magbalik loob sa Diyos. Paano tayo maliligtas, ang nakasulat ay sumampalataya ka sa PANGINOONG HESUS, maliligtas ka at ang iyong sambahayan. Ipamuhay mo ito, ang sinumang CHRISTIAN ang nagsasabing sya ay CHRISTIAN, pero wala naman sa pamumuhay nya ay parang LAST 3 LETTERS NG CHRISTIAN "IAN", o I AM NOTHING. Isa pa, sabi ng iba, hindi sila gumagawa ng MABUTI dahil sa may LANGIT, gumagawa sila ng mabuti dahil ito ang TAMA. Sabi pa ang mga sinungaling, bulaaang propeta, gumagawa ng kahalayan at kung ano ano pang kasamaan ay ibubulid sa impyerno, HAHANAPIN NILA ANG KAMATAYAN NGUNIT HINDI NILA ITO MASUSUMPUNGAN, PAPAHIRAPAN SILA, ARAW AT GABI MAGPAKAILANMAN. Meron akong tanong, nasa bus ka at nakita mong isa isang tumitiklop ang damit ng katabi mo, ibig sabhin unti unti ng humihiwalay ang katawang lupa, sa kaluluwa. ano ang gagawin mo?, tatawag ka ba sa Diyos?, at dun ka pa lang magbabago? o dun ka pa lang magsisisi?. tandaan mo, hindi lahat ng tumatawag sa Diyos ay kilala nya. Meron pa ngang isang tao, napaka yaman na nya, ilang linggo na syang nasa ICU, pero sadyang hindi nababayaran ng pera ang KAMATAYAN, mamatay ang bawat tao mahirap man o mayaman. Hayaan mong ibahagi ko pa ang nilalaman ng aking isipan ngayon, meron isang organisasyon sa amerika, kinabibilangan ito ng matatandang scientist, pinag experimentuhan nila ang isang babae, araw araw ito binubugbog at araw araw itong nilalatigo, sa madaling salita ay tinotorture, hanggang sa dumating yung last day, na kung san ang katawan nya ay manhid na sa bugbog at latigo, ito na yung araw  araw na babalatan na ng buhay ang babae, halos hindi na makagalaw ang babae dahil sa mga natamo nyang hirap sa kamay ng organisasyon na yon. Sa last day ng pagpapahirap ay andun lahat ang mga matatandang kaanib para masaksihan ang kalalabasan ng eksperimento nila. Naniniwala ang kanilang pinuno, na kung malalaman nila ang sagot na what comes after death, pag malapit ng mamatay ang tao. Bumulong ang pinuno sa babaeng binalatan ng buhay, at ang sabi "ano ang nakikita mo",  inilapit ng pinuno ang kanyang tenga sa bibig ng naghihingalong babae, at nalaman nya ang sagot, pumunta sa banyo ang kanilang pinuno, matapos malaman ang sagot. Isang putok ng baril, ang umalingaw-ngaw, nagpakamatay ang pinuno, oo nagpakamatay ang pinuno dahil sa ibinulong ng babaeng naghihingalo, ano sa tingin mo ang ibinulong ng babae? "HEAVEN" at ng oras ding yon ay nalagutan ng hininga ang babae. Pero nagkamali ang pinuno, kailanman ay hindi makakapasok ang masasamang tao sa kaharian ng Dyos. oh sya paano? sana alam mo na kung san ka pupunta pag dumating yung oras na kailangan mo ng magpa aalam sa daigdig. .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

what comes after death?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon