"T*ngina mo talaga David. Peste ka! "
Sumasakit na ang lalamunan ko kakasigaw pero wala akong planong tumigil. Nandito ako sa park ,sa may mango tree nakaupo . Malayo sa mga batang naglalaro at kitang-kita banda rito ang kanilang paghahabulan . Ang iba naman busy sa pagduduyan . Kitang-kita sa kanilang mukha ang sayang nararamdaman tuwing may isang natataya sa kanilang laro. Nakakainggit tuloy sila panuorin dahil heto ako, nag eemote .
" Walangya ka talagang lalaki ka! Paasa ka . Sabi mo pa ,ako lang. Na mahal mo ako pero heto ako pinaasa mo lang sa mga salita mo!
Grrrr... T*ngina ka ring luha ka no? Wala ka pang planong tumigil sa pagbagsak . Pinalis ko ito gamit ang palad ko.
Nakasandal ako rito sa puno at walang awang pinagsasabunot ang mga damo sa harap.
"Peste ka, kung kumakain sa ngayon, mabilaukan ka sana HAHA.
" Ang sama mo naman. "
Huh? Sino yun? Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid . Ako lang naman mag-isa rito. Tatayo na sana ako dahil kinilabutan ako bigla. Malaki pa naman itong punong mangga na sinasandalan ko ngayon. Baka may maligno rito.
Pero tatayo na sana ako nang biglang may tumalon galing sa itaas ng puno. Isang lalaki at mukhang bagong gising pa ata.
"Te-tekaa, San ka nanggaling? Tinanaw ko ang itaas ng puno at nakita ang isang malaking sanga na tamang-tama lang kung higaan ng isang tao.
" Natutulog kasi ako, eh ang ingay mo kaya nagising ako . Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Napakamot pa siya sa kanyang batok .
Ts, pakialam ko ba! Eh, tirik na tirik kaya ang araw tapos natutulog siya .
"EDI sorry, Aalis na nga ako. Balik kana sa tulog mo! "Padabog akong tumalikod sa taong yun. Ang pagdadrama ko ,nasira nya lang? Gusto ko pang umiyak e . Kainis.
Umurong tuloy luha ko.Nakauwi na ako gamit ang bike na bigay sa akin ni Papa. Pumanhik agad ako sa aking kwarto at nag surf sa internet. Nag YouTube lang ako sandali at nag open sa Facebook. May message pa talaga sa akin ang pesteng David . Binalewala ko lang ito at in-off ang cellphone ko.
Bakit ba kasi ang boring ng buhay ko?
Hayyyyyy, Last year ko na naman to as Senior High student at konting tiis nalang , College na ako.Kinuha ko ang notebook sa bag ko at nagsulat. Ewan ko kung anong pumapasok dito sa kukuti ko ,ang alam ko lang gusto Kong gawin to. Bahala na kung mahirap basta gagawan ko ng paraan.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kakaisip ng isusulat sa list. Kasi naman tong utak na to, kung kailan kailangan hindi naman gumagana .
Paggising ko bumaba agad ako upang kumain ng hapunan. Naisipan kong lumabas mamaya .
"Ma, labas ako saglit ah, may bibilhin lang akong book.
" Bilisan mo lang , wag kang masyadong magpapagabi . Dilikado ang maglakad sa daan nang mag-isa."Pagkatapos Kong kumain ,naghugas muna ako ng kinainan namin ni mama . At siya nanunuod lang naman ng TV.
H
indi nako nagpaalam sa Kay Mama dahil agad kong tinungo labas. Nilakad ko lang dahil malapit lang naman ang NBS dito sa tinitirhan namin. Kaya malaking advantage yun para saking mahilig sa libro.
Tinguno ko ang pwesto kung saan ang bookshelf. Nang nakuha ko na ang gusto kong bilhin pumila agad ako sa counter para magbayad.
Pero agad akong nahiya, Shems , naiwan ko ba naman ang wallet ko. Paano nato?Luminga linga ako at nagbabasakaling may makitang kilala ko pero wala e. Nilingon ko ang mga taong nakapila at naghihintay sa pag-alis ko, pero ayoko pa kasing umalis hanggat di ko ito nabibili.
.
Hay nako! Pinag-ipunan ko pa naman yun nang matagal at baka makuha pa ng iba.Nawalan ako ng pag-asa kaya nginitian ko na lang ang mga taong naabala ko. Parang nawawasak ang mundo ko . Bigo at walang gana akong lumabas ng bookstore.