Tila may tumututol sa mga paa ko . Bawat hakbang ko palabas ng bookstore ay parang ang bigat-bigat humakbang.
Ngunit hindi pa naman ako nakakahakabang palayo sa pintuan ng bookstore ,may humawak sa wrist ko . Agad akong napapitlag sa lamig ng kamay na humawak sa akin. Hinarap ko kung sino man nilalang na ito.
"Bakit? " Naiinis pa rin ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita . Ang lalaking nakasalamuha ko kanina sa park. Ang tadhana nga naman e no."May naiwan ka sa loob. ' sabi nito. Nakangisi pa na parang may ginawang kabalastugan . Ang creepy e.
" Ha? Meron ba?
Sa kakadali kong pumasok ulit sa bookstore ay muntik nakong madapa . Mabuti na lang at nahawakan niya ang braso ko.
Anak ng ! Ke malas-malas naman ata ng araw nato!
"Uy ,wala .joke lang !Aba't! Walanghiyang lalaki ka! Nawala lang ako sa wisyo ,pinagsasamantalahan mo na!
Akala ata nito nagbibiro ako." Ang bilis mo atang mauto e HAHHAHA. ,Halakhak niya.
"So nakakatawa na? Huy lalaki ka wag mo Kong mabiro-biro ah! Gago ka pala e. Padabog akong tumalikod sa kanya. Nakakainis talaga ang hayop na yun! Binilisan ko ang lakad ko at baka masuntok ko pa ang feeling close na taong yun. Ewan ko, unang kita pa nga lang namin umiinit na ang dugo ko sa kanya.
" uy teka Miss, "rinig Kong tawag niya sa akin. Hindi ko ito pinansin ,tuloy lang ang lakad ko .
Pero naabutan niya pala ako.
" Sa'yo na to oh!
"Anong sayo na'to? Kung pagkain yan ,sa akin na . Pero kung wala naman palang kwenta , thank you nalang. " Hindi ko pa rin siya nililingon sa inis.
"Eto, yung book lang naman na binili mo.miss, " Napahinto ako sa narinig. Ano raw ? Paki-ulit?
"Ha? Anong book na binili ko? E , iniwan ko nga doon . Baka nga nakuha na ng iba, " Matutulis na tingi ang ibinigay ko sa kanya.
"Heto oh, " winagayway niya ang librong pinag-ipunan ko ng matagal. Sinakripisyo ko ang baon ko para mabili ito pero wala e ,
"Seryoso ka? Sa akin na talaga yan?
Nagliwanag ang mukha ko at binigyan siya ng napakatamis na ngiti. " Sa akin na !
Kinuha ko ito sa kanya pero itinaas niya ang kanyang kamay. Anak naman ng !"With one condition. Ibibigay ko ito sayo, with one condition. At tsaka , pwede bang wag kang sumimangot palagi. Pumapanget ka e, panget na nga sumusobra pa . Kaya ngumiti ka lang . Nakakaganda kasi yan. "
WOW HA! mapanghusga kang nilalang ka. Akala mo namang sinong gwapo .tseh!
"Anong sinabi mo? Bawiin mo yun"
Habang palapit ng palapit lang ako sa kanya. Tinadyakan ko agad ang paa niya kaya napa-aray siya. Yan ang bagay sayo haha! Na mesmerized ata sa beauty ko e ,natulala ba naman.
"Salamat na lang ha? Wala ka ring kwenta" Iniwan ko siya roong nakatayo at hindi pa nakakamove on sa tadyak ko. Buti nga sayo!
Wow naman daw, nangbibigay nga ,may condition pa . Daig pa niya so Santa e . Yun nga nagbibigay pero walang kondisyon.
Nang mag-lunes ay balik na naman sa skwela. Isa sa pinakaworst na araw ko. Pagkatapak na pagtapak ko pa lang sa gate ng campus ay umiinit na ang dugo ko. Pinagtitinginan ba naman ako ng mga studyante, may pa bulong bulong pang nalalaman ,naririnig ko naman at isa pa , makikita ko na naman ang taong kinaiinisan ko.
"Kawawa talaga siya, pinaasa ba naman. Pinagmukhang tanga ng taong akala siya ang mahal"
"Tama lang na nangyari yun sa kanya no, feeler rin kasi . Kala mo kung sinong maganda"
"Eh kasi nga girl, ang sweet rin kasi ni David ,tapos gwapo pa . Jackpot"
"Kaya nga ,sino ba namang di aasa? Halerrr kung ako nga yun baka tinali ko na e hihi "Nilapasan ko lang ang mga taong yun hanggang dumating ako sa classroom namin. Ang hot pa rin talaga ng topic na Lory Aldreich got dumped by David Shanth , ang baseball player at ang nag iisang captain.