12:00 in the midnight, hindi makatulog si Luisa. Lahat na ata ng paraan para makatulog na pero wala pa ring epekto. She decided to go online para naman malibang siya. She look for some picutures, nagbasa ng status ng may status. And then, binuksan nya yung chat box nya to see kung may pwede syang maka chat man lang. Nakita nya yung pangalan nung schoolmate nya “Carlo Lorenzo”, naalala nya sya yung lalaki na gustung gusto ng kaibigan nya. Sinubukan nyang ichat, nagreply naman pero tumagal din ng ilang minuto. Nagchat sila, they were remembering each other, pero obviously kilala naman talaga ni Luisa si Carlo dahil nga sa palagi syang naikkwento ng kaibigan niya. Carlo asked for her number, binigay naman nya. And then the next day nagka text na sila, kwentuhan lang ng kung anu ano. Nagkaron pa nga sila ng tawagan eh “parekoy’’. Masaya naman sila pareho habang magkatext sila, si Luisa napapangiti sya ni Carlo. At eto namang si Luisa umaasa naman din na kahit papaano eh napapasaya nya si Carlo. Hanggang madaling araw magka text sila. Magkatext sila na para bang kilala talaga nila yung isat isa. Luisa seems to be so happy texting with him, sa pakikitungo sa kanya ni Carlo natutuwa sya kasi mabait to. Sa gabi sila kadalasan magkatext, eto kasing si Carlo busy ka pag daytime. So, nag hihintay na lang si Luisa na magtext si Carlo. Pero dumaan yung mga araw, nafeel ni Luisa na habang tumatagal na hindi sila nagkakatext namimiss nya to. Naramdaman na din ni Luisa na, nafall na sya kay Carlo which is hindi nya expected. Ayaw rin nya sana mangyari yun pero nangyari na. Ayaw nya sana mangyari yun dahil baka hindi rin naman sya magustuhan nitong si Carlo. Nag biro pa minsan sa kanya si Carlo na mag eenroll ito sa kanya.
“pwede ba ko mag enrol sayo?” text ni Carlo.
“ha? Enroll ng anu?”reply ni Luisa.
“turuan mo ko kung pano magmahal ulit.” Text ni Carlo
“oo ba, mag enrol ka sakin kapag ready ka na” reply ni Luisa.
Alam naman ni Luisa na hindi pa handa si Carlo sa relasyon ulit dahil may naikwento ito sa kanya tungkol sa huli nyang nakarelasyon.
Luisa is very loving, kahit masaktan sya sige lang. As long as she can handle herself, magmamahal sya. Hindi naman sya mabilis mainlove,shes just a girl who can fall inlove. Hindi man sila nagkikita ni Carlo, napamahal na talaga sa kanya to, she can’t even understand herself why she love that guy.
“parekoy,kelan ka ba mag eenroll sakin?” text ni Luisa.
‘’ano ba requirements?” reply ni Carlo.
“pagmamahal mo J” text ni Luisa.
Umamin na si Luisa kay Carlo. Nag usap sila tungkol dun, nagkaron sila ng problema about sa religion nila. Hindi sila pwede. Nalungkot si Luisa, nirespeto nya yung fact na kailangang sumunod si Carlo. Despite of being lonely, pinilit pa ding sumaya ni Luisa para kay Carlo. Ayaw kasi ni Carlo na nalulungkot sya. And, ikinatuwa na lang ni Luisa na concern sa kanya si Carlo.
“isave mo na lang yung slot ko parekoy, iloveyou,thanks!” text ni Carlo.
“anong isave?” reply ni Luisa.
“isave yung slot ko para sa iba.” Text ni Carlo.
Nasaktan si Luisa, pero tinanggap nya yun. Wala rin naman syang magagawa dahil may kailangang sundin si Carlo. Sinabi rin naman ni Carlo na special si Luisa sa kanya, he even says “iloveyou too” kapag nag ailoveyou si Luisa. Masaya na si Luisa nun na kahit friendly word lang yun para kay Carlo. Sinabe rin naman ni Carlo na gusto nya si Luisa. At that point masayang masaya si Luisa, di nya kasi expected yun. Sa kabilang banda biglang nalungkot si Luisa, alam naman kasi nyang kahit magustuhan nila isat isa wala pa din silang magagawa. Days goes by, mas naging close sila. Mas napamahal pa si Luisa kay Carlo, at sinabi rin naman nitong si Carlo na mahal nya si Luisa. Wala lang talaga silang magawa. That’s love, unexpected, unpredictable. You will never know that it will come in our lives. Kelangan lang natin, magtiis kung ano man yung sakit na dadating sa bawat isa satin. Nagdaan pa yung mga araw, mas lalong napatunayan ni Luisa na mahal na nga talaga nya si Carlo. She is crying, crying for Carlo. Hindi nya alam kung pano mangyayari na maging sila. Nag disisyon na lang si Luisa na hindi na magparamdam kay Carlo, hindi na sya nagtext pa kay Carlo. Nasasaktan sya, alam nyang mahal sya ni Carlo. Tinetext sya palagi ni Carlo, every morning hinahagilap ni Luisa ang cellphone nya. Nakikita nya na may text sa kanya si Carlo tuwing umaga pero hindi na nya pinapansin, alam nya kasing masasaktan lang sila pareho.
BINABASA MO ANG
Religion For Love
Short StoryYung feeling na pwede naman kayo pero yung Religion lang yung hadlang sa inyo. Pareho kayong devoted sa Religion nyo, how can it be possible na magkatuluyan pa kayo..