ara's pov
pag mulat ko ng mga mata ko ang ganda ng view,
kaw ba naman magkaron ng katabi na ganito ka sexy at ka ganda.
pero wait, bat parang ang init nya?.
"oh shit! nilalagnat ka" yan nalang ang nasabi ko ng hinipo ko ang noo nya
tumayo na ako at kumuha ng pwedeng maisuot sa may closet nya at pati narin sya.
pinatay ko muna aircon sa kwarto nya, naupo sa tabi nya at sinuotan sya ng malaking t-shirt.
"hmm" narinig kong ungol nya
"shhh" may masakit ba sayo?" tanong ko sakanya.
"I feel sore ara" sabi nya ng naka pikit parin
anak ng! muntikan na akong nahulog sa kina-uupuan ko dun sa sinabi nya ah.
"ah-eh.. uhmm. may gusto kabang kainin? nilalagnat ka oh" pag iiba ko ng topic
"wala" sabi nya at niyakap nya ako sa may bewang.
"pero kaylangan mong kumain para maka inom ka ng gamot, gusto mo pa deliver nalang ako?"
"ayoko ng gamot" sabi nya at hinila ako pahiga tsaka sya umunan sa may braso ko "body heat nalang, ang lamig" at siniksik nya ang mukha nya sa may leeg ko
.
.
.
.
after 10 minutes, ng maramdaman ko na nakatulog na ulit sya tumayo na ako at tumawag na sa ****** para makapag pa deliver na ng pagkain at 20 minutes pa ang hihintayin bago dumating ang inorder ko so, nanood na muna ako ng T.V sa may living room nila.
.
.
.
.
.
after 20 minutes dumating naman on time ang pina deliver ko kaya nandito ako sa kitchen nila at iniha-handa na muna ang mga ito para dalhin sa kwarto ni shiela pero habang nakatalikod ako may yumakap sakin mula sa likod kaya humarap na ako sakanya at naka yakap parin sya sa bewang ko.
"tumayo kana may lagnat kapa ata" at hinawakan ko sya sa noo "meron pa, inom kana ng gamot huh?" at umiling lang sya "why? hindi mo kaya?"
"ayoko ng lasa ng gamot" sabi nya ng naka titig sa mga mata ko.
nang aakit ba ang babaeng to? sarap kagatin ng labi nya.
"yang titig mo nakaka ano huh"
"anong, nakaka ano?" tanong nya at wow, mukhang inosenteng inosente talaga sya sa tanong nyang yan
"uhmm, gutom? haha nakaka gutom. kain na muna tayo".
.
.
.
"pang gagawa lang kita ng maiinom" sabi ko sakanya at tumayo na papuntang kitchen, sa living room kase kami kumakain
kanina, habang tulog sya naghanap ako ng medicine na pwede kong ipainom sakanya pero wala talaga akong mahanap kaya kinuha ko nalang ang mga baon kong gamot na nasa bag ko sa kotse.
haha iba na ang laging ready, wala eh.
pinulbos ko ang dalawang magkaibang tableta ng gamot at inilagay sa hot chocolate na tinimpla ko para hindi nya ma lasahan.
"here, inumin mo lahat huh"
"thanks"
.
.
.
.
.
ako na muna ang nagligpit ng mga pinag kainan namin dahil alam ko na medyo nahihilo pa ang pasyente ko haha.
.
.
.
.
we just cuddle dito sa may Sofa habang nanonood ng movie at minsan ninanakawan ko sya ng kiss pero syampre sa may cheeks lang.
habang naka upo kaming dalawa naka yakap lang sya sa bewang ko at naka akbay lang ako sakanya
"nahilo kapa ba?" tanong ko sakanya at nagtaas naman sya ng tingin tsaka ako tinitigan, ang hilig tumitig.
"slight nalang, galing ng nurse ko eh" masigla nyang sabi
"syempre, ako pa" pagyayabang ko
"yun ngalang madali lumaki ang ulo" sabi nya
"ah ganon? huh?" at bigla ko nalang sya kiniliti sa may tagiliran kay napa higa sya at umibabaw ako sakanya
"pakiss ako" sabi ko sakanya
kiss lang naman, wala naman akong gagawin na move dahil may sinat pa sya, tsaka na haha.
"uhmmm..." bumitaw na sya "ang bigat mo" sabi nya.
ako naman itong si nabitin binuhat ko sya paupo sa may lap ko ng magka harap kami
"better" sabi nya at sya na ang humalik sakin habang naka yakap sya sa may batok ko at naka hawak lang ako sa may bewang nya.
"so, what are we now?" tanong ko sakanya habang naka yakap sya saakin at naka siksik ang mukha sa may leeg ko ng nakaupo parin sa may lap ko
hinipan nya muna ako sa leeg bago sya humarap sakin at sumagot
"uhmmm.. special someone, ligawan mo muna ako"
"sure, yun lang pala. pwedeng bukas nalang ako mag start manligaw? haha"
"wow, lakas ng tiwala sa sarili ah"
"syempre" pagyayabang ko at tinaasan nya ako ng isang kilay.
"hehe, joke lang baka pahirapan mo'ko"
"great Idea" masigla nyang sabi.
shit! wrong move ara!
"wag ganon" sabi ko saknya
"tignan natin kung hanggang san ang kaya ng ara galang na tulad mo" sabi nya at tumawa ng nakaka loko tsaka nag smack sa lips ko
"smack lang??"
"haha ok, do what you want dahil bukas hindi mo na magagawang halikan ako sa lips"
"unfair yun" reklamo ko
"unfair? ok sige, kahit ngayon hindi mo na ako pwedeng h------"
hinalikan ko sya bago nya matapos ang sasabihin nya dahil hello, hindi ko alam kung kelan ako sasagutin ng babaeng to kaya i-enjoy ko nalang ang araw na'to
........................
.........
....
..
.
BINABASA MO ANG
BARA (one shot)
Romance*katuwaan lang po* Ara Galang and Shiela Pineda Fan Fiction.