Cellphone

944 33 6
                                        

--

Andito ako ngayon sa gym. Nakaupo ako. Manunuod kasi ako ng basketball. Susuportahan ko ang ultimate crush ko na si Shin. 4 years ko na siyang kaklase at katabi. Ako nga pala si Trisha.

"GO SHIN" sigaw ng mga babae

Sikat nga pala si Shin sa campus. Ang dami kong kaagaw sakanya. Nakakainis.

Nanuod nalang ako ng laban nila. At syempre kinuhanan ko siya ng picture gamit ang cellphone ko.

Natapos na ang laban nila at punong puno na ng picture niya ang gallery ng cellphone ko.

"I love you Shin!" sigaw ko

Di naman ako nahiya kasi paniguradong di niya yun maririnig. Ang dami rin kasing sumisigaw.

"Lakas ng boses nung sumigaw ah. I love you too." sigaw niya pabalik

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Namumula ako. Kinikilig kasi ako. >\\\<

Bumaba na ako. Nakaupo kasi ako sa pinakaibabaw eh. At dahil sa katangahan ko ay nalaglag ako.

"Ohmy. Hala sorry." sabi ko

Nalaglag ako kay Shin kaya nasa itaas niya ako.

"Okay lang. Okay ka lang ba?" tanong niya

Tumango ako. Nalaglag pala yung cellphone ko. Nagtaka ako kasi may kapareho ako ng phone. Kay Shin siguro yun kaya kinuha ko nalang ang isa sa mga phone at umalis.

**********

Andito na ako sa bahay. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Nagtaka ako kasi iba yung wallpaper. Nag browse pa ako sa gallery.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ito ang phone ko. Puno kasi ito ng selcas ni Shin. Eh puro stolen lang naman picture niya sa phone ko eh.

NAGKAPALIT KAMI NG PHONE? Im doomed. Malalaman niya na gusto ko siya.

Nag browse pa ako sa gallery niya at napako ang tingin ko sa isang album na ang nakalagay ay 'Trisha<3'

Tiningnan ko yun at gulat na gulat ako. Punong puno ng stolen shots ko ang album na iyon. Kailan ko pa naging stalker si Shin? O_O

Pumunta ako sa memo niya.

Ang ganda talaga ni Trisha

Nakakatempt halikan si Trisha

Ang saya ko kasi nag i love you siya sakin

Kailan kaya ako magkaka roon ng lakas ng loob para ligawan siya?

At marami pang iba. Gusto niya rin ako?

*Calling - 09*********

Number ko to ah. *Gulps*

Pinindot ko ang answer.

"Hello?" sabi ko

"Trish?" sabi ng kabilang linya

"Nagkapalit tayo ng phone Shin" sabi ko

"Yun nga. Pwede ba tayong magkita ngayon? Dito sa school." sabi niya

"Sige  Bye"

sabi ko at inend ang tawag. Nagpa alam na ako sa magulang ko at dumeretso sa school.

*********

"Trish" sigaw ni Shin

Nag wave lang ako. Nag change kami agad ng phone.

"Ah.. I'll go now." sabi ko

"Ah wait." sabi niya

"Ano yun?" tanong ko. Ang awkward.

"N-nakita ko yung gallery mo." sabi niya.

"Ah. A-Ako rin." amin ko

Pareho kaming namumula ngayon.

"Can I court you?" tanong niya.

**********

A year has passed. And I am now in a relationship with Shin. Oo kami na. Sinagot ko siya after 5 months. Di porket gusto ko siya eh sasagutin ko siya agad. Pero sobrang saya ko dahil kami na.

Kami na dahil sa cellphone.

End.

----

A/N: 3rd One shot for now. I got bored so I decided to make another one shot. Sorry for the errors tho.

~Shin Ae Mi

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now