Party- Vicerylle ONE-Shot

550 16 1
                                    

Habang nakatalukbong ng kumot si vice ay may naririnig siyang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya. Pagkatapos ay narinig niya ang pag bukas ng kurtina ng silid niya, sunod ay ang pagliwanag ng buong paligid.

“Walang hiya…” umiikot ang binata at kinuha ang unan niya saka niya inilagay sa mukha, iniisip niya kung sino ang kawawang taong ito na mapapatay niya.

 “Rise and shine, stinky…” sigaw ni anne habang ipinapahid ang kamay sa ilong dahil sa amoy ng kwarto ni vice. ang buong silid ng binata ay nangangamoy alak at pawis. Nagkalat sa kwarto ang mga bote at gamit nito.

Nung marinig ni vice ang boses ni anne ay napaikot niya ang mga mata niya sa ilalim ng unan “Umalis ka nga ngangabu…”

Hinawakan ni anne ang braso ni vice “Yan na ba lahat ang pwede mong sabihin vice? alam mo, amoy aso ka na.”

Tinggal ni vice ang unan sa mukha niya at pagalit na tiningnan ang kaibigan “Fuck you.”

Tumawa lang si anne “That’s my friend. So, tumayo ka na dyan at maghanda, dahil may silver anniversary pa tayong pupuntahan ngayong gabi, at isang oras ang byahe papunta dun”

 “Hindi ako pupunta sa anniversary na yun” mahinang sabi ni vice at muling itinakip ang unan sa mukha niya.

 “Oh yes you are vice!” pilit pa rin ni anne sabay tanggal sa kumot ng binata

 “Anak ng! Ano ka ba anne! Nakahubad ako!” gulat na sabi ni vice habang hinihila ang kumot na nakatakip sa katawan niya. Pero sa kasamaang palad ay mas malakas ang hatak ni anne sa kumot kaya nung mabitawan na niya ito ay itinapon iyon ng dalaga sa kabilang dulo ng kwarto.

 “So you’re naked, big deal” sagot ni anne “Pumunta ka na sa shower at maligo. Sige na bilis”

 “Why should I?” matigas pa rin ang ulong sabi ni vice.

Tiningnan ni anne ang binata. Yan ay kung masasabi mong tao pa nga ito.

“Dahil…” inilapat ng dalaga ang daliri sa may ilong ng binata “Pupunta dun si karylle”

Nakita ni anne ang mukha ni vice nung sinabi niya ang pangalan ni karylle. May munting ngiti ang sumilip sa mga labi anne. Naisip niya na nag aalala pa rin ang kaibigan niya kay karylle. Napabuntong hininga nalang si vice at tumalikod para itago ang nararamdaman niya.

“Eh anong  gusto mong gawin ko ngangabu? Malaya na siya, kaya pwede na niyang gawin kung ano mang gustuhin niya” kitang kita sa mga mata at boses ng binata ang pait.

Anne rolled her eyes, naisip niyang kailangan niyang ibahin ang tactica niya. “Ngayon alam ko na kung bakit ka niya iniwan.” Galit na tumingin si vice sa dalaga. Pero hindi umatras si anne sa pumapatay na tingin ni vice. “Narealize ko to nung pumasok ako dito. Ngayon, hindi ko na siya masisisi kung bakit ka niya iniwan”

"Fuck you..." nakakatakot na ang boses ni vice halatang galit na ito

Pumunta ang dalaga sa may bintana para buksan iyon for fresh air. Nung tiningnan niya ulit ang binata, nakita niya na nakaupo ito sa gilid ng kama, para talaga itong binagsakan ng lupa. Napabuntong hininga na lang siya at Nilapitan ang kaibigan saka umupo sa tabi nito. Ipinatong niya ang isang kamay sa paa ng binata “God vice, anong nangyari sayo?” hindi sumagot ang binata at tumingin lang sa kabilang dulo ng kwarto “You lost your job vice, not your life.”

 “Ang trabahong yun ang buhay ko…” sagot ni vice

Naawa naman si anne sa binata. Kilala na niya ang binata buong buhay niya. Ang gusto lamang nito ay makasama ang ama niya habang pinapalago nilang dalawa ang recording studio nila. Ang Viceral Enterprise. Pero nawala iyon ng tanggalin siya ng kanyang ama ilang buwan na ang nakakalipas. At mula nga noon ay nagkulong na ang binata at palagi ng lasing. Dahil din dun ay nagkahiwalay sila ng girlfriend niya na si karylle hindi na rin kasi kaya ng dalaga ang katigasan ng ulo ng binata.

Party- Vicerylle ONE-ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon