Forever and Ever

1K 18 4
                                    

Naalala ko pa nung mga bata pa tayo

Nag-lalaro tayong dalawa mula umaga hanggang hapon

Nag-aaway tayo pag pinag-aagawan natin yung laruang nakukuha natin sa loob ng chichiriya

Pinapatahan mo ko pag umiiyak ako para hindi ako magsumbong kay mama.

Naalala ko pa nung 7th Birthday ko

Pagkatapos ng party, nilagyan mo ko ng blindfold tapos dinala mo ko sa isang lugar

Nag-kasal-kasalan tayo nun tapos umamin ka na may crush ka sakin

Naalala ko si Rogelio yung nag-kasal satin noon.

Naalala ko din nung time na namatay yung nanay mo nung 10 years old ka pa lang

Iyak ka ng iyak, awing-awang ako sayo nung araw na yun

Hindi ka lumabas sa kwarto mo nung ng halos tatlong araw

Hindi ka din lumalabas ng bahay niyo, hinihintay pa naman kita sa labas ng bahay niyo.

Hanggang sa nalaman ko isang araw

Lumipat nap ala kayo ng bahay sa kabilang baranggay

Nalungkot ako nun. Pinilit ko din si mama na lumipat din sa kabilang baranggay pero di kami lumipat

Nagmuk-mok ako sa bahay nun at hindi na lumabas.

Naalala ko isang taon makalipas nung lumipat kayo

Pag-katapos ng bakasyon, grade six na tayo

Nakita kitang pumasok ng school natin, hinabol kita nun pero hindi kita naabutan

Pero nagulat ako pag-pasok ko sa room, magkaklase pala tayo.

Umupo ako nung sa tabi mo pero hindi rin naman tayo nag-pansinan

Hanggang sa nag “Hi” ako sayo at nag “Hello” ka naman pero di mo ko tinignan

Napa-isip ako bigla.

Tinanong ko ang sarili ko kung anong nagawa ko sayong masama.

Hanggang sa nalaman ko ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat

Ang tatay ko pala ang dahilan ng pag-kamatay ng nanay mo

Umiyak ako at nagalit ako kay papa

Kinamuhian ko ang papa ko hanggang sa umalis nalang si papa at hindi na nagpakita.

Buong Grade six, hindi mo ko pinansin

Kung mag-usap man tayo, halatang wala kang ganang kausapin ako

Nalungkot ako ng sobra-sobra

Naisip kong sayang yung pinagsamahan natin dati.

Hanggang sa nagkita tayo ulit 3rd year na tayong dalawa

May girlfriend ka na at dumami yung mga kaibigan mo

Nainggit ako at inalala yung memories nating dalawa

Bakit ba kase hindi mo na ako pinansin nun? Bakit ba?

Dumating naman yung oras na naghanapan na ng partner para sa darating na JS Prom

Wala akong nahanap nun at ang naisip ko nalang ay ikaw pero may Girlfriend ka na pala.

Forever and Ever (MarNolo ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon