Update 6: Meet my family

13 0 0
                                    

Namemental block na nga ako sa exams namin pa naman dito. ahuuuu! ( ̄. ̄)

Pagpasensiyahan.

Natatawa ako para akong baliw  :D

osha sha...

~

MELNARD's POV

"Mooooommmmmmmmyyyyyyyy ..."

"Okay na ba lahat?"

"Masarap ba ito? Matikman nga. *toooinks"

Di ko pa nahahawakan eh nahampas na agad ako ni mommy.

"Hep hep! oo naman masarap yan! Magbibigay ba naman ako ng di masarap?"

"Nakalimutan mo atang yan ang specialty ko ang cupcakes."

Yes, nagpaluto lang naman ako kay mommy ng cupcakes. At walang halong biro, best cupcakes in town. Gusto niyong umorder? Hehehe.

"Anak, tara na puntahan na natin yang kapitbahay natin. Ayos ka na ba?"

"Yes mommy, thank you talaga!"

So nagtataka kayo kung sinong kapitbahay ang bibigyan namin ng cupcakes? Yes , may tama kayo sa utak. Just kidding! Pupunta kami kina Late este Apple pala. Buti nga napapayag ko si Mommy eh. Ganito kasi yun, naalala niyo nung humindi sakin si Apple :((

Δflashback

Pagkauwi ko sa bahay ...

Nadatnan ko si mommy, baking cupcakes.

"Oh anak, kumusta sch...."

Di pa natatapos ni mommy tanong niya eh napansin niya agad yung lungkot ko.

"Oh bat ganyan yang mukha mo? Di mo ba nagustuhan bago mong school?"

"Okay naman po siya mommy. May mga bagong kakilala na nga po ako e."

"Yun naman pala eh, so what's the problem then?"

"Yung isang prof po kasi namin, magpapa long quiz agad. Eh walang wala akong alam. Di ko alam gagawin ko."

"Seek help from your friends. Borrow their lectures."

"Mommy, syempre rereviewhin rin nila yun. But, meron akong classmate na kapitbahay lang natin. I asked her to tutor me. Unfortunately, she said NO."

"Poor you. Magself study ka na lang!"

"Mommy, magaling kasi siya sabi ng iba naming classmates and besides magkalapit lang ng bahay. So I was hoping na ganun nga." *sigh

"So anong gagawin mo? Don't you dare to fail that exam."

Para akong baliw na biglang nangiti. Ngiting wagas, sa naisip ko para mapapayag lang si Apple.

"Mommy, can you bake cupcakes for me? I want to give those to them."

"Them?"

"Yes, samahan niyo po ako bukas pumunta sa kanila, para pumayag siya na turuan ako and at the same time eh makakilala na tayo ng kapitbahay natin. Hahaha"

"Desperate much?"

"Yes mommy please! As you said, I must pass that exam. So please!"

"Okay, that would be a great idea! Tomorrow morning we'll go."

"Thanks mommy, you're the best!"

Δend of flashback

So that's how. We're here in front of their gate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters for my Future Boyfriend (The Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon