Chapter 17: Cariñosa & Interpretative Dance

62 1 1
                                    

Andrea's Pov

"Simula ngayon pagnahuli kayo sa klase ko. Hindi ko na kayo tatanggapin!"-Maam Velchez

Sermon nanaman!!! Di naman namin yun kasalan kung bakit kami nalelate. Syempre break muna bago yung subject niya. Like duh! 30 minutes na nga lang break namin ang aga pa dumating sa room namin. Ang dami kayang tao sa canteen!

IKAW KAYA MAKIPAGSIKSIKAN SA MGA ESTUDYANTE PARA LANG MAKABILI NG PAGKAIN!!!! -.-""""

"Kuhanin niyo na yung Batikan niyo. Ilipat niyo sa pahinang..."

Hay naku!!! Bahala na! Hate subject ko pa naman to. Ang lalalim ng tagalog. Di ko minsan maintindihan kahit tagalog na! Pssshhh....

Maya-maya kakalma din yan si Maam. Cool na ang ulo niyan.

*After ng ilang discussion

"Sinong gusto sumali sa Cariñosa?"

Nagtaas ng kamay sila Weena. Pero kami ni Roxanne, hindi.

"Roxanne, ano ba yung cariñosa?"

Di ako sure kung yun ba yung sumasayaw na babae tapos may kapartner na lalaki. Yun ba yun?

"Eh sa Interpretative Dance?!"

Taas uli sila. Pssshhh!!! Ba yan!

"Dagdag grade din yan!" *Taas kamay* xD

Sayang yung oppurtunity na madagdagan yung grade ko. Hihihi! x)

"Kung gusto niyo sumali mamayang pagtapos ng klase. Pumunta kayo sa covered court."

Etoooooo naaaaa!!!!

*After Class

Nandito na kami sa covered court. Para dun sa Cariñosa and Interpretative dance.

Ang dami ring sumali halos lahat ng section merong sumali.

"Sino po sa Cariñosa? Dito po kayo pumila."

Interpretative Dance ako e.

"Dito na lang po yung sa Interpretative Dance."

Edi pumunta naman ako. Kaso kita ko sa mukha nila na parang nag-aalinlangan sila. Siguro sa sobrang dami.

"Ah ganto na lang po. Magpractice na lang po kayo ng sarili. Titignan na lang po namin kung sino ang makakasali."

Ayy. Ganun. Na sayang pa tuloy oras ko. Amppphh...

Umuwi na kami.

"Andrea, Roxanne, punta na lang kayo sa bahay namin mamaya."-Abegail

Naiintindihan ko agad. Practice yun sa Cariñosa. Edi di naman ako kasali dun.

"Ah? Hindi naman ako sa cariñosa e."

"Huh? Edi nagpapractice na yung mga section 1 ng Interpretative dance e."

"Ganun?!" Naasar ako. Kainis!!! Eto na nga yung opportunity e. Sige na nga! Sa cariñosa na lang ako. :|

Nadaanan namin yung room ng sec. 1. Bwisit! Totoo nga! Nagprapractice na sila! -.-"

Nakalabas na kami ng gate.

"Wait! Abegail, saan nga pala yung bahay niyo?"

"Dun sa tapat ng tindahan sa school niyo."

"Ahhh... Sige magtatanong na lang kami mamaya. Sige mauna na kami."

Tumango na lang sila.

Umuwi na ako. Pupunta si Rpxanne mamaya e.

~~~~~~~~

"Ate saan po ba nakatira si Abegail Elledo?"-Ako

"Tignan mo dyan sa loob." Ayy. Sungit ni Ateng tindera. Pssshhh...

Pumasok na kami ni Roxanne and luckily nakita namin sila. Nagpapractice na. :D

And yun practice practice...

"Paano ba yun?"

"Ganto lang yun una sa right then..."

Nung una hindi ko magets pero nung hulo nagets ko na rin. Puro babae lang kami nagpractice ngayon, yung mga lalake? Ayun di sumupot! -.-

"Sige bukas na lang ha."

"Sige. babye! :)"

Pagdating ko sa bahay nagpahinga ako. Pagod e. Buti nga di kami umabot ng gabi.

"Ma? May costume ba tayo sa pang-cariñosa?"

"Sa tingin ko meron."

Naghanap si mama. At ayun meron nga ang dami. Buti na lang. Hihihi! x)

Di na ako mamomoblema.

~~~~~~~~~~

Update na uli. Sorry kung di ako nakapag-update last time. Sabi ko lang naman na susubukan ko e. x)

Enjoy this Chap.

Vote. Share. Comment.

Our Friendship (True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon