-------------
CHAPTER 2
MY BITTERSWEET GIRLFRIEND~
hindi ko alam kung bakit pero kase hindi ko makalimutan muka ni kuyang pogi, kainis naman kase eh. hindi sinabi pangalan nya sakin, na-add ko manlang sana sa fb hmp!
naka-indianseat lang ako dito sa kama at hindi makatulog dahil sa kaka-isip kay kuyang pogi? hmm maybe? . .bakit ba kase hindi ko inalam pangalan nya? tss..
habang nag iisip ako, may nahawakan akong parang burda sa panyong hawak ko. oo nga pala kanya galing to. hehehe alam nyo ba, kanina ko pa inaamoy to. ang bango kase hehehe. ui! secret lang natin yun ah? wag nyo sabihin sa kanya hehehe
leigh
yan ang nakaburda sa panyo. ang ganda ng pagkakaburda hehehe sino kaya may gawa nun? mag papagawa din ako hehehehe
napatingin ako sa lamesang katabi ng kama ko, at nakita ko ang picture naming dalawa. huhuhu yan nanaman bumabalik nanaman sakin lahat. nasasaktan nanaman ako. ay hindi pala hehehe naka move on na nga pala ako hehehe ^____^v
*tok.tok.tok* “sweetie? gising kapa ba? halika may dala kaming paborito mo” sabi ng sweet na boses galing sa pinto. hmm.. nakauwi na pala sila. yup sila mama, lagi rin kase sila sa work eh. pero nauwi rin naman sila. kaso nga lang hindi kami madalas nag kikita kase uuwi sila gabi na, tapos ako tulog na. sa umaga naman maaga sila naalis ako naman tulog pa. kaya kahit nasa iisang bubong kami hindi kami madalas mag kita-kita.
ano daw? paborito ko? hehehehe alam na ! wahahaha
dali-dali akong bumaba sa kama at binuksan ang pinto at nakita si mama at papa na naka-ngiti habang dala-dala ang dalawang box ng krispy kreme yiippyy!!!
bumaba na kami at sabay na nag dinner, kanina pa siguro sila no? nakapag luto na kase si mama eh. (-.-)7 after nun kumain naman kami ng kk na dala nila. iba’t-ibang flavors yummy ! :P nakaka-miss din pala sila. kapag kase Saturday rest day nila kaya, hindi ko sila nakakasama ng maayus. kapag naman Sunday bonding time namin pero lagi silang may hawak na phone at nag ta-trabaho parin. pero okay lang. sabi kase sakin ni mama para daw sakin ginagawa nila kaya naiintindihan ko.
may kaya lang naman kami. hindi kami sobrang yaman at hindi din naman mahirap, may dalawa kaming kasama sa bahay na pinapasweldo at isang driver na laging nag babantay sakin pag naalis ako .oo nga pala nag iisa lang ako, wala akong kapatid .
kung nag s-school pa ako? yup college na po ako and MWF lang ang pasok ko. bakit ba? trip ko eh hehehehe :DD
“baby, mukang nataba ka ah? nako ingatan mo yang katawan mo. bawasan mo ang pagkain mo ng paborito mo at nataba ka jan” sabi ni papa at natawa naman ako. si mama kase gusto akong mataba pero si papa inaalagaan ang katawan ko. :3
“ano kaba hon! mas maganda nga na mataba sya eh? cute tignan ang mabilog ang pisnge” si mama na naka-kunot nanaman ang noo. hahaha see? ewan ko, lagi silang nag tatalo kapag yan ang pag uusapan
BINABASA MO ANG
MY BITTERSWEET GIRLFRIEND
Teen Fiction=== "falling in love with the most unexpected person at the most unexpected time, cliché love story right? but atleast i have a best one :) " -kellie salvador :"> ===