[final]

1.2K 52 8
                                    

Amnesia

The event was over, another tiring day, but I’m thankful that the fans are still there to support us no matter what. Pero hindi pa rin sapat, halos lahat ng mga ngiti ko ay peke, ayaw kong sabihin ang problema ko sa mga hyungs ko, dadagdag lang ako sa mga problema nila. Dapat hindi ako mapapaapekto sa sitwasyon na ito kase tatlong buwan na ang lumipas pero ang sakit andoon pa rin. The pain never leaves me.

Nalungkot ako at nagalit sa ginawa niya, kase biglaan na lang lumabas sa media ang lawsuit issue niya. Oo nga, dapat nalulungkot lang ako as of now pero hindi ko alam kung bakit umiiyak ako kapag iniisip ko siya. Hindi na yan iniisip ng mga ibang members, pero hindi pa umaalis ang mga araw na umiyak kami, at niyakap naming ang isa’t isa sa isip ko. Hindi pa rin umaalis dahil sa kanya.

Dahil kay Kris Wu.

It was completely unexpected. Nagtaka talaga ako noon kung bakit hindi sumabay sa amin si Kris, pero hindi ko makakalimutan ang huli naming gabi na kaming dalawa lang. Noong akala ko na ganito na habang buhay, ayan na pala yung huli.

“Kris ge, ayaw mong bumalik sa hotel?” Tanong ko sa kanya habang tumatayo lang ako doon malapit sa pintuan papasok ng hotel, at andyan lang si gege, mukhang iiyak na siya at hindi ko alam kung bakit. Parang luluha na siya, pero ngumiti lang siya sa akin at ngumiti na lang din ako pabalik. “Samahan mo muna ako, Tao.”

I followed him, and we both ended up at the park, under the shade of a tree. He looked like he was gonna bid his goodbye to me but I disregarded the thought, but I can tell it by his face. He smiled a bitter smile at me and he said, “What if I unexpectedly leave you and the other members?” Nagulat ako sa tanong niya, bakit niya tatanungin yun? Tinaasan ko na lang siya ng kilay pero the bitter smile was still present in his face and I hate it. How I can make that bitterness go away?

“Ge, look at me.” Tumingin siya sa akin at lumapit ako ng onte sa kanya, tapos hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. “Aalis ka ba talaga? Kagaya nina Hangeng sunbae? Kagaya nina Jaejoong, Yoochun at Junsu sunbae?” Tumingin ako sa mata niya, at umiling lang siya. “Wala, tinatanong ko lang kase gusto kong malaman kung gaano ba ako importante sayo.”

Sobrang importante sa akin si Kris gege, but words are never enough to express one’s feelings. “Importante ka para sa akin, pero words are never enough.” Sagot ko at biglaan niya akong hinalikan sa labi, at nilasahan ko na din ang mga luha na galing sa mga mata niya. Pero bakit siya iiyak?

Bakit tinanong niya sa akin yung tanong na yun?

Talagang aalis na ba siya?

Kinakabahan na ako. Baka aalis talaga siya.

He pulled away and kissed my forehead, whispering, “I’ll never forget you, Huang Zi Tao.” Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako sa kanya.

Never have I thought na aalis talaga siya. Yan yung bakit pala pinasama niya ako nung gabi na iyon. He made me come along with him so that he could bid his indirect goodbye.

Napaiyak ako. Crying won’t bring anything back, it never will.

“Tao?” Tumingin ako sa pintuan at nakita ko si Sehun at si Luhan hyung. Sila ang mga karamay ko sa sakit na pinagdadaanan ko ngayon, and I want to thank them so much. “Umiiyak ka na naman ba dahil sa kanya?” Tumango na lang ako at hinayaan kong tumulo ang luha ko, kase hindi ko na kayang magalit o sumigaw o ilabas ang lahat ng mga gusto kong sabihin. Sinabi ko na ang lahat dati, kaya wala nang ibang sasabihin. Iiyak na lang ako dito. I will just cry silently.

Minsan, inisip ko kung ano ang mga mangyayari kung hindi na lang siya umalis. Baka magiging masaya kami, maghaharutan, maglalaro ng basketball sa court malapit sa dorm namin, aasarin namin ang isa’t isa dahil sa kilig, at maging seryoso para sa bago naming comeback.

amnesia ▶▶ taoris™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon