Huling Sayaw

544 21 14
                                    

Huling Sayaw

Written By: PrincessOinkOink

****

Ang pag mamahal ay di mo ito masusukat kung gaanu po siya pinakilig

kung anu ang mga materyal na binigay mo sa kanya katulad nang roses, chocolate, cute stuff.

kung anu ang mga pangako na binitawan mo

kung anu ang mga banat na binatawan mo

kung paanu mo sya patawanin sa mga korni mung Joke

Pero ako.. Ginawa ko na 'yun lahat bakit di nag work yung relationship namin ni Honey dati?

Pero ngaun handa na ako gawin lahat to win her back... To be mine again.

Ngaun nilalabanan ko ang lamig ng malakas na ulan. Nasa harap ako ng bahay nila katulad nga ng sinabi ko kanina Gagawin ko lahat para bumalik lang sya sa akin.

Bakit ngaun pa biglang bumuhos ang ulan.

Kung kalian ako nag papaka Emo dito.

Ano ako?  San-Chai ng Meteor Garden…

Oo parang ganun nga ako tinitiis ang malamig at malakas na ulan para mapansin lang ng taong mahal ko, para ma isip nya handa ako mag kasakit para lumabas sya at harapin nya ako. Para mapatunayan ko lang sa kanya lahat gagawin ko para bumalik sa kanya.

Biglang bumakas ang malaking gate ng bahay nila Honey kung saan ako nakatayo at nag hahatay sa kanya… may nakita akong Tao na nakapayong

"Hijo umuwi ka na daw, pinapasabi ni Honey" Sabi sa akin ng katulong nila Honey

Agad ako tumingin sa taas kung asan ang Kwarto nya. Nakita ko sya nakasilip at alam kung nakatingin sya sa akin.

"Ate hindi ko ba pwede maka usap si Honey kahit saglit lang po" Sabi ko sa katulong nya at lumuhod pa ako

"Hijo sampung oras ka na jan nakatayo. Inabutan ka na nga ng malakas na ulan. Kung ako lang pinapasok na kita pero mahigpit na pinagbilin sa akin ni Honey wag ka daw pa papasukin at wala na daw kayo dapat pag usapan, Dahil tapos na daw ang lahat ng sa inyo."

Sobrang sakit! Parang pinunit ng maliliit na piraso ang puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sinabi nya na ‘Wala na daw kami dapat pag usapan dahil tapos na ang lahat sa amin’

Para sa akin hindi pa tapos ang lahat ng sa amin!!! hanggang di ko naririnig mismo sa kanya. Aasa ako!! alam ko babalik pa sya sa akin at magiging masaya kami.

Nakita ko lang yung katulong nila na pumasok sa loob.

Di ibig sabihin nun susuko lang ako ng basta-basta. Ayoko!! Hindi ako pwede sumuko ngaun.. Ngaun pa alam ko na kakapiranggot na lang ang oras na pinapahiram sa akin ng Diyos. Hindi ako basta susuko hanggang sa huling hininga ko pa. Masabi ko lang kung gaanu ko sya kamahal, kung gaanu ko pinag sisihan ang lahat lahat na ginawa kung mali sa kanya.

Alam kung kasalanan na hindi ipagtapat sa kanya kung anu ang ginagawa ko dati na nagiging dahilan pa kung bakit lagi ako absent sa school, hindi sya nasasamahan pag inaaya nya ako pumunta sa bahay nila. At nagging dahilan na nawalan na ako ng time para sa kanya.

Dahil yung mga panahon na 'yun hindi ko matanggap na may Brain tumor ako at malala na ito.

Hindi ko kaya sabihin sa kanya kung anu ang meron ako. Alam ko dapat sa isang relasyon dapat maging tapat ka para walang gap sa inyo.

Pero di ko kaya sabihin sa kanya na may sakit ako. Di ko kaya na makita na masaktan sya, na umiiyak ng dahil sa akin. Dahil sya ang lakas ko, sya ang ginagawa kung inspirasyon para lumaban…

Huling SayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon