Wandering

29 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

"Kuya, push po 'yung nakalagay hindi pull," sambit ng isang batang lalake sa binatang hirap na hirap sa paghatak ng pinto ng isang convenience store.

Saka lamang napagtanto ito ng binata ng ituro ng bata ang signage na nakapaskil sa mismong harapan ng pinto. Natulala siya rito dahil sa hiya.

"Lukas, tara na," tawag ng ina ng bata rito. Nilingon niya ang binata saka nagpaalam. Ngumiti naman ang binata sa kanya.

Kumakamot sa ulong pumasok ang binata. Huminga siya nang malalim saka paulit ulit na pinapaalala sa sarili ang kanyang plano. "Wala ng atrasan," saad niya nang pabulong.

Nang mahagip ng kanyang mga mata ang nais bilhin, dinala naman siya ng kanyang mga paa patungo roon.

Binasa niya ang bawat pangalan ng hile-hilerang mga bote ng iba't ibang klase ng inumin. Kinuha niya ang isang gatas na gustong inumin saka kumuha pa ng ilan. Matapos nito'y tinungo naman niya ang mga junk food upang magkaroon din ng kakainin.

Matapos kuhain ang mga nais bilhin, tumungo na siya sa counter upang bayaran ito.

Nang siya'y makauwi, ayos na rin ang kanyang mga gamit. Umupo siya sa sofa at nagpahinga sandali.

Ipinatong niyang ang mga gatas na hindi na kailangang palamigin at pagkain sa kanyang lamesa saka tumungo sa kusina upang kumuha ng baso.

Kabisado niya na ang planong gagawin. Ang unang parte ay pag-inom ng gatas na kayang paborito hanggang kailan niya gusto para sa gabing iyon.

Hinanap niya ang remote saka binuksan ang TV. Parte rin ng plano niya ang panonood ng Mr. Bean bago matulog.

Hindi niya na pinigilan ang pagtawa dahil batid niyang iyon na ang huli para sa araw na iyon.

Matapos maubos ang mga gatas at pagkain, hinintay niya na lamang na matapos ang huling episode bago matulog.

Tinungo niya ang kanyang kwarto saka lumapit sa kanyang cabinet. Huminga siya nang malalim sunod ay hinanap niya na ang paboritong damit.

Nang mahanap na'y sinuot niya ito at inayusan ang sarili sa salamin. Bahagya niyang itinaas ang buhok upang magmukha siyang mas maayos.

Humiga na siya sa kanyang kama at nakipagtitigan sa kisame. Sinasariwa ang mga ala-ala noong bata pa siya, noong mga panahong alam niya pa kung para saan ang kanyang buhay.

Unti-unti, pinikit niya ang mga mata. Niramdam ang antok. Ngumiti at pilit hindi binubura sa utak ang plano.

Kinaumagahan, nagluto siya ng kanyang paboritong almusal. Matapos kumain, siya na rin ang naghugas ng mga pinggan.

Nilinis niya muna ang mga kalat sa kanyang buong tinitirahan bago maligo dahil batid niyang iyon na ang huling beses na gagawin niya iyon.

Matapos maligo, sinuot niya ang pinaka magandang uniporme saka kinuha ang bag na bagong laba rin.

Ipinasok niya rito ang mga gamit sa eskwela saka ito sinuot. Dinala niya rin ang iba pang gamit na gusto niya at parte rin ng kanyang plano.

Tumingin siya sa salamin. Sa huling pagkakataon, ngumiti siya dahil baka iyon na rin ang huling beses.

Sinuot niya ang kumikintab na sapatos saka naghanda ng umalis para sa pagpasok sa kolehiyo. Alam niya ang gusto, ayaw niya na itong bawiin pa.

Napalingon sa isang boses na tumawag sa kanya ang binata. "Sira ka talaga, nagpa-late ka na naman," saad ng isa sa mga kaibigan niya saka siya hinatak palapit sa kanyang upuan.

WanderingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon