V

1 0 0
                                    

*KABANATA V*

-Quienna Zhumiri Soo's Point of View:-

Nakabalik ako sa classroom, ngayong last subject na. Natagalan pala ako sa music room. Sabagay nakatulog din ako eh haha kaya pati tuloy recess at lunch 'di ko na naabutan. I'm hungry.

"Class dismiss. Goodbye"

"Goodbye and thank you Ma'am Dhilla"

'Di ko namalayan na natapos na pala ang isang oras. Ang isang oras na wala manlang ako natutunan. Hayst!

"Quienna" agad naman nakakuha ng atensyon ko si Kathie na nasa harapan ko na.

"Yes?" i replied.

"Let's go?" Kathie asked.

"Huh? Where?"

"Nakalimutan mo na agad? Birthday ngayon ng little sis ko. Sometimes gusto ko na talaga magtampo sa'yo Quienna. Nakakainis ka!" pag-iinarti n'ya.

"Ok, wait for me"

Wala akong ganang makipagbiruan sakanya ngayon ehh. I'm so exhausted and hungry as well.

Pumunta ako sa locker ko at kinuha ang mga subject ngayon. Mag-a-advance reading nalang ako or magrereview. Wala kasi akong natutunan ngayong araw, baka magkaroon ng quiz, seatwork or kahit anong test sa susunod na mga araw. Gusto ko lang maging handa.

Pagkatapos kong makuha lahat ng kailangan ko. Bumalik na ko kung saan si Kathie.

"Let's go?" she asked.

Tinanguan ko lang s'ya at ako na ang naunang naglakad.

Nandito na kami sa parking lot, sumakay kami sa tig-iisa naming kotse. Nauna s'yang umandar kaya sinundan ko nalang ang sasakyan n'ya.

Nahihilo ako, bakit kaya? Siguro dahil sa aircon? Sanay na naman ako sa aircon kaya 'di ako nahihilo kaya alam kong hindi dahil sa aircon 'yun. Siguro dahil sa pagod na rin.

Nandito na kami sa labas ng bahay nila Kathie. Dito palang ay rinig na rinig ko na ang kasiyahan at ingay.

Ang sakit sa tainga! Nakakarindi!

"Kathie?"

"Why, Quienna?"

"Masyado ba talagang maingay kaya naririndi ako?"

"Hindi, Quienna. Just a normal sound. 'Di naman gaanong maingay."

"Ah ok"

"Are you ok?" Kathie asked.

"Yes, gutom lang siguro 'to"

"Tara na para makakain ka na"

Tinanguan ko lang s'ya bilang tugon.

Nang makapasok kami sa loob, mas lalo akong narindi. Pakiramdam ko, mabibingi na ko kahit anong oras.

"Kathie" napakapit ako sa braso n'ya.

"Yes?"

"Pwede bang dun nalang tayo sa room mo, naiingayan talaga ako ehh"

"Ah sige"

Sinundan lang ng mga paa ko kung saan din pupunta si Kathie.

Nandito na kami sa kwarto n'ya, umupo ako sa couch.

"Papakuha lang ako ng kakainin natin ah, dito ka lang muna Quienna. Ok ka lang ba dito?"

"Ah oo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALA-ALAWhere stories live. Discover now