"Ano bang papanoorin natin?"
"Ito nalang!"
Napatingin ako sa kasintahan ko habang itinuturo ang isang showing na palabas.
"Coming Soon? Parang nakakatakot naman yan."
"Nakakatakot nga, hali ka na!"
At hinila niya ako papasok ng sinehan.
Pagkatapos manood ay namumutla kaming lumabas at umuwi.
Mag-isa ako sa bahay ngayon at matinding takot ang nararamdaman ko.
Nang makapagbihis ako ay agad akong humiga sa kama ko at kinuha ang cellphone ko.
'Babe, puntahan mo naman ako dito. Natatakot ako eh'
Mensahe ko sa aking kasintahan.
'Okay'
Sagot niya.
May narinig akong footsteps mula sa labas ng bahay.
'Nasa labas ka na ba?'
'Hindi pa, papunta palang'
Baka yung mga kapit-bahay lang yun.
Maya-maya ay nakarinig ako ng ingay sa kusina.
Daga lang siguro yun.
'Nasaan ka na?'
'Malapit na'
May narinig akong katok sa pintuan ng kwarto ko.
"Brian? Ikaw na ba yan?"
Wala akong natanggap na sagot.
'Nastuck ako sa traffic. W8 mo lang ako'
Kasabay ng mensahe niya ay ang pagtigil ng katok.
'Uy nasaan ka na?'
'Nasa labas na ako ng bahay niyo, pakibuksan naman ng pintuan'
Nakahinga ako ng maluwag at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
Pero pagbukas ko ay nagulat ako sa nadatnan.
Isang lalakeng naka itim habang may hawak na kutsilyo.
"A-anong.."
Napasigaw ako nang saksakin niya ako sa dibdib.
Bago pa ako mawalan ng malay ay naaninagan ko ang mukha niya.
"B-brian?"
"Babe gising!"
Napabangon ako nang marinig ko ang boses ni Brian habang tinatapik ang mukha ko.
Nananaginip lang ako pala ako kanina.
Nawala ang takot ko at niyakap siya.
Pero nakita ko ang cellphone niya na nakabukas.
May nakita akong nag-message sa kaniya na
'I love you babeee <3'
Saglit akong napatulala.
Ito ba? Ito ba ang pinapahiwatig ng panaginip ko?
Kaya ba sa dibdib niya ako sinaksak..
Dahil sasaktan niya ang puso ko?