Fake Forbidden Love

66 1 0
                                    

            “Mycah, bilis baka naghihintay na utol mu don” pagmamadaling sabi ng pinsan niyang si Analiza. Makikipagkita ito sa boyfriend nito na nagkataong utol-utolan niya. Actually mas nauna niyang nakilala ang lalaki at naging close dito. Nagkataon naman na nang ipakilala niya ang pinsan dito ay halatang nabighani sa ganda ng pinsan niya. Siya pa ang tumulong para maging sila.

            Boto naman siya sa utol para sa pinsan at ganun din sa pinsan niya para sa utol Ay ang gulo! Basta boto siya sa dalawa. Kaya eto ang purpose niya sa lovelife ng dalawa ay taga-ayos ng gusot, taga-chaperone para makapagdate ang mga ito at minsan gawing sumbungan ng bawat isa. Hindi naman disadvantage sa kaniya yun dahil bukod sa nakakagala na siya ng walang gastos ay nakakasama pa niya ang utol niya.

            Bago pa man makilala nito ang pinsan niya ay super close sila nito. As in close na close. Nakilala niya ito sa quantum sa mega mall. Mahilig kasi siyang magbasketball doon at pinipilit makastage 3 kahit di niya naman kaya. And then naghihintay ito sa likod niya para makapaglaro pagkatapos niya. Isang matinding last shot niya at bonggang bonggang binigay ang kaniyang mega effort sa pagshooshoot. At ang magandang nangyari este kagagahan pala ay bumanda ang bola at sapul sa mukha ang lalaki.

            Akala niya noong una ay magagalit ito at bubulyawan siya pero bigla itong ngumiti at binalik sa kaniya ang bola. Inulit niya ang pagshoshoot at this time…. Tumama ulit sa mukha nito. Hindi na nito ibinalik ang bola sa kaniya at ito na ang nagshoot. At dahil don natuwa ito sa kaniya at nilibre siya ng ice cream. Cookies n’ cream ang sa kaniya at very rocky road naman dito. Weird! Nasaktan na niya natuwa pa sa kaniya. At dahil sabik siya sa kapatid na lalaki, itinuring niya itong kapatid. Utol ang tawagan nila.

            Mabait ito at kwela. Magaling bumanat ng patawa kaya alam niyang matalino ito. Ang hirap kayang magisip para makapagpatawa. Simple lang ang buhay nito tulad nila. Pero galante sa kaniya. Nadagdag pa ang pinsan niya kaya tuwing may date ang mga ito ay hindi na mabilang kung magkano ba ang nagagastos nito.

            Gaya ngayon, may date na naman ang dalawa at siya na naman ang isinasama ng pinsan para may panakip sakaling may makakita dito. At siya ang mapapasama dahil sa kanilang magpinsan siya ang naiisip na malandyutay. Laging nasa isip na siya ang unang mag-aasawa sa kanila ng pinsang babae. Wala naman sa kaniya yun dahil alam niya ang totoo. Malapit lang kasi talaga siya sa lalaki kaya akala lagi pag may kasama siya syota na niya.

            “Ate Liza, ayos lang yun. Lalaki naman si utol kaya okey lang na maghintay siya.” Mas matanda ito ng isang taon sa kaniya. Close na enemy sila ng pinsan. Close dahil nagkakasundo sila sa maraming bagay. At enemy dahil madalas din sila mag-away. Pero konting oras lang bati na naman.

            “Miss na miss ko na siya eh” nakapangalumbabang sabi nito. Nakikita niyang mahal nito ang utol niya. Iba kasi ang mga kilos nito kaysa dati. Noong first monthsary nila ay nag-aya pa itong maghanap sila ng magandang ireregalo. Hindi tulad ng dati na nakakalimutan pa nito ang monthsary sa mga nakakarang relasyon. Kaya panatag siyang hindi nito sasaktan ang utol niya.

            “Sige na. Tara na” aya niya dito kaya nagmadali itong bumangon.

            Tuwing may date nag mga ito parang siya ang higit na natutuwa. Kase siya ang nasusunod. Mula sa lugar na pupuntahan, kung anung gagawin at kung kakain na at saan kakain. Lahat iyon siya ang nagdedecide dahil hindi naman makapagdesisyon ang dalawa. Minsan nga parang hindi magboyfriend ang dalawa kapag magkasama. Mas madalas pa sila mag-usap ng utol niya kaysa sa pinsan niya.

            Siniko niya nag pinsan at inayang magCR, saka ito kinompronta.

            “Ui ate, ikaw napakalata mo. Wala kang katamis tamis sa katawan. Minsan naman matuto kang maglambing kay utol.” Sabi niya dito habang sabay silang nagreretouch sa harap ng salamin. Nakita niyang bahagyang tumaas ang kilay ng pinsan. Nagpapayo lang naman siya pero sa nakikita niya hindi nito nagustuhan ang kaniyang sinabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fake Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon