Lorrie's POV
"Ughhhhhhh, pasukan na naman." First day of school namin ngayon. Ang aga aga pa naman ginising na agad ako ni mama tsk kainis. Bumangon na ako sa higaan at niligpit ko ang pinaghigaan ko. Kinuha ko ang tuwalya ko at naligo na.
"Lorrieeeeee!!! Bilisin mo na riyan at halika na kakain na" nagmamadali kong inayos ang aking sarili at hinanda ang aking bag. "Bakit ba naman kase ang bagal bagal kong kumilos ehh" Pagkakahanda ko ng gamit ko ay bumaba na ako para mag umagahan. Pagkababa ko ay nakita ko si mama na nagliligpit ng lababo.
"Goodmorning Ma!" Bati ko sa kanya, "goodmorning din nak, kumain ka na at baka malate ka pa sa school" kumain na ako ng almusal at pagkatapos ay umalis na.
-
"Lorieeeeeeee!!!! I miss you so muchhhh!" Bati sa kin ni Kayla, ang best friend ko since grade 7. Senior high na kami ngayon, grade 11 kumbaga."I miss you too baklaaa"
"Ano section mo?" Tanong ko sa kanya
"Last section bi, ikaw alam mo na ba section mo?"
"Di pa eh, tara samahan mo ko"
"Sige tara na" Sinamahan niya ako na pumunta sa waiting area kung saan nakalagay ang section ng bawat grade. Hinanap ko sa last section ang apelyido ko, yun kase ng unang nakalagay bago pa ng first name na sinundan namn ng middle initial, kaya sa katamadan ko mag basa, apelyido nalang yung tiningnan ko, wala rin namn kase ako kaapelyido sa batch namen eh.
"Sheettt beee wala yung panagalan ko sa last section" malungkot kong saad kay Kayla. Ibig sabihin di ko sya kaklase ngayong senior year. Simula g7 palang kase kaklase ko na sya at hindi ako sanay na hindi ko sya nakakasama. "Hayssss, hanapin mo nalang yung section mo pagdasal mo nalang na sabay ang time ng snacks at lunch naten para magkakasama parin tayo." Kaagad kong hinanap ang apelyido ko sa section B pero bigo, medyo kinabahan na ako kase tatlong section lang ang meron kami, ang last section, section b, at ang cream section. 'Lord please sana hindi ako sa cream section, please pleaseee' hinanap ko ang apelyido ko sa cream section at dun nakita ko 'Benedicto'
Shit, this is gonna be a freakin' hell of a year for me.
Paakyat na kami sa ramp,tulala parin ako cause I still can't believe that I will be staying in the cream section for one whole freakin year! Oy dont get me wrong,the cream section is not that bad pero imagine, puro matatalino ang kasama ko, matalino namn ako pero di kagaya nila na matalino na, mataas ang IQ at MASISIPAG MAGAARAL! Hanuenaa!!? Tamad akoo, mapapahiya ako neto!!! Sa kakaisip ko tungkol sa lintek na section ko di ko namalayan na nasa fourth floor na pala kami.
"Baklaaa ayoko ditoo gusto ko dun sa last section, andun sina Danicca eh, dun nalang ako para kasama ko kayo."
"Bakla ka ng taon, di ka nila kakatayin dyan noh. Napaka OA mo naman."
"Hayss sige na ngaaa babye, mamaya nalang ulit sana magkasabay tayo ng snacks at lunch para makasama ko kayo." Wala sa sarili kong sagot, pumunta na si Kayla sa room nila, magkakatabi lang naman ang room namin eh, isng hilera lang, isang room lang ang pagitan. Masyado lang talaga akong OA.
Pumasok na ako sa room at naghanap ng bakanteng upuan, may nakita naman akong bakante sa unahan na katabi ng pinto. Ibinaba ko ang bag ko at saka umupo. May mga kakilala naman akong naging kaklase ko ng g8 na napapunta din dito. Nilapitan ko ang isa sa mga iyon.
"Ate JM, dito karin pala" bungad ko sa kanya.
"Ohhh Lorrie dito ka pala" gulat na sabi nya.
"Oo eh di nga din ako makapaniwala"
Kinuha nya ang cellphone nya na parang may hinahanap.
"Wala ka naman sa listahan eh" wika nya na ikinagulat ko.
YOU ARE READING
Me And You
Teen FictionThis story is about a girl and a transferee's journey as bestfriends, but what if one of them fall's in love not even knowning it? Would it be a happy ending for the both of them or would they end up just being bestfriends?