DISCLAIMER: Ang istorya na ito ay hindi hango sa totoong buhay at walang katotohanan sa mga karakter at mga lugar na nabanggit.
May tatlong magkakaibigan na si
Ace, Marcus, at si Mila. Si Ace ay isang labing-limang taong gulang na lumaki ng wala ang kaniyang mga magulang sa kadahilanang iniwan siya ng mga ito sa ilalim ng tulay, pero sa pagsapit ng bagong umaga ay may dalawang mag-asawa na napa-daan sa tulay.
Habang papunta sila sa kanilang pupuntahan ay bigla silang may narinig na isang iyak mula sa sanggol na nasa ilalim ng tulay. Sila ay nagtaka sapagkat bakit may naririnig silang iyak ng sanggol sa ilalim ng tulay pero wala-mang kahit isa ay pinuntahan at tinulugan ang sanggol. Kaya ang dalawang mag-asawa ay dali-daling pumunta sa ilalim ng tulay at sa kanilang pagbaba ay hindi nila inaakalang napaka cute ng bata kaya sinama nila ang sanggol sa kanilang pupuntahan.-
Pagdating sa lugar ay nagulat ang mga tao nakapaligid sa kanila sapagkat lagi napunta ang mag-asawa sa lugar na iyon pero wala naman ang bata na kanilang bitbit. Kaya pagka-daan ng mag-asawa dali-dali nilang itinanong ang pareho-parehong mga tanong nila.
"Sino iyang bata na iyan? Anak niyo ba iyan? Akala ba namin wala kayong anak? Inampon ba?"
"Oo anak na namin ngayon ito napulot namin siya sa ilalim ng tulay" sabi ng lalaki
-
Pagkatapos ng pamimili ay umuwi na sila sa kanilang bahay.
Bumili narin sila ng mga kailangan ng bata katulad ng mga pagkain, cereals, gatas, laruan, damit at marami pang iba.Habang nalaki ang bata ay napapansin nila na ito ay matalino sapagkat sa murang edad pa lamang niya na 3 taong gulang ay puro agham at kasaysayan na agad ang mga pinag-aaralan ng bata. Natutuwa naman sila na ang batang kanilang kinupkop ay isa pa lang
matalino feeling nila na sila na ang pinaka suwerteng mag-asawa
sa buong mundo. Kaya nang mag anim na taong gulang ang bata ay
pinasok nila ito agad sa pang-pribadong paaralan na bilang preschool student pero ay hindi nila ito tinanggap sa kadahilanang ay ang kanyang katalinuhan ay hindi na dapat sa pang preschool kung kaya't inadvance nila ang bata sa unang baitang.-
*ang araw na bago mag-pasukan*
"O, anak bakit di ka pa natutulog diba ay simula na ng iyong eskuwela?" Sabi ng ina
"Oo nga po inay, pero di po ako makatulog sapagkat ako ay kinakabahan bukas sa pagpapakilala at baka wala akong maging kaibigan sa eskuwelahan po bukas inay." Sabi ni Ace
"Wag ka maaalala anak kaya mo iyan sa una lang iyan at pangako ko sayo na marami kang magiging kaibigan sa iyong unang pasok."
Sabi ng tatay"Ok po inay at itay, sige na po at ako ay matutulog na po ako sa aking kuwarto."
"Goodnight Anak, Love u Ace."
"Love u too po inay."
Pagkapunta ni Ace sa kaniyang kuwarto ay dali-dali itong pumunta sa kaniyang higaan at ito ay nagdasal na sana ay maging ok lang ang lahat bukas. At pagkatapos ay natulog na siya ng mahimbing na kayakap ang kaniyang mga stuff toys na "We bare bears" at habang sa kaniyang payapang pagtulog ay bigla siyang nanaginip ng dalawang lalake at isang babae na gumuguhit at nagususulat ng istorya pero ng tignan niya ang ginawagawa ng tatlo ay bigla itong nag blured at bigla na lang akong may narinig na isang alarm ayun pala ay umaga na. Pagkagising ko ay bigla akong pumunta ng banyo at nagsipilyo habang ako'y nagsisipilyo ay bigla kong naalala ang aking panaginip kagabi at inisip kung bakit ayun ang napaginipan niya hanggang sa pagkain at pagkasakay ng school bus ay patuloy niyang iniisip kung bakit.
-
Pagdating sa iskwelahan ay siya ay nagtatalon-talon sa tuwa dahil sa una niyang makita ang loob ng eskuwelahan kaya ang mga ibang estudyante ay napatingin sa kaniya at tumawa. Pagkadating sa room ay dali-dali siyang pumasok at umupo sa harapan ng kalagitnaan ng room. Pagpasok ng teacher ay sabay-sabay kaming bumati at sinabing
"Good Morning Ms. Santos, Mabuhay!!" Sabi lahat ng estudyante
"Okay, magandang buhay sa inyo
Grade 1 Adelfa. Maari na kayong
magsiupo sa mga inyong sari-sariling silya." Sabi ng guro"Maraming salamat po" Sabi ng lahat
"Okay Adelfa, Before we start in rules and regulations inside this classroom ay dumako muna tayo sa ating pagpapakilala sa isa't-isa upang mas makilala pa natin ang isa't-isa. Handa na ba kayo?"
"Opo" sabay sabay na pagkakasabi ng mga estudyante
Ang guro ay nagdesisyon na magsimula sa dulo. Alam ni Ace na malayo pa siya kung kaya't ay gumuguhit muna siya sa kaniyang papel ng mga pabiroto niyang karakter sa cartoons na pinapanood niya na "WE BARE BEARS" Habang nasa kalagitnaan pa ang pagpapakilala ay mayroon siyang katabi na isang batang lalaki na kinukulit siya kung ano ang pangalan niya at taga-saan na siya pero si Ace naman ay hindi lang pinansin ito kung kaya't ay mas lalo siyang kinulit nito si Ace na hanggang sa napasabi nalang niya ang kaniyang pangalan
"Hi!, I'm Ace 6 years old at taga diyan lang ako malapit sa katabing Max's Restaurant, eh ikaw ba ano ba ang pangalan mo?" Sabi ni ace
"Hello din, Ako si Marcus taga ano pa ako uhmmmmm taga kabilang siyudad pa ako ehhhh." Sabi ni Marcus
At dumating dina ng oras na si Ace na ang magpapakilala sa klase, siya ay kinakabahan pero sabi niya sarili na
"Kaya ko ito"
"Hi, Classmates My name is Ace Trinidad I am 6 years old from Taga kabilang kanto katabi ng Max restaurant. My Father's name is Robert Trinidad 47 years old and My Mother's name is Cristina Trinidad 53 years old." Sabi ni Ace
"Salamat, natapos natapos na din ang kaba ko.Hay nako!" Sa isip-isip ni Ace
-
Pagdating ng oras ng recess ay niyaya ni Marcus si ace na sumama sa kanya na pumunta ng canteen para kumain
"Tara na Ace kain tayosa canteen"
"Geh lang" pilit na ngiti ni ace
Pagkapunta sa canteen ay umorder na sila ng pareho na pagkain
"FRIED CHICKEN" sabay na pagkasabi ng dalawa
Pagkatapos ng araw na iyon ay naging mag kaibigan na sila at naging mag bestfriend. Sabay na silang napasok, nagawa ng takdang aralin, at hanggang sa pag-uwi.
Simula ng nag grade 2 na sila ay lagi na silang nasa pang-una at pangalawang sa mga pinakamatataas sa loob ng kanilang classroom.
At nang tumuntong na sila ng ika-anim na baitang ay..........
YOU ARE READING
The Imaginary Town
Mystery / ThrillerDISCLAIMER: Ang istorya na ito ay hindi hango sa totoong buhay at walang katotohanan sa mga karakter at mga lugar na nabanggit. At ang istorya na ito ay kada kabanata ay aabot lamang ng hanggang dalawang-daan(200) hanggang walong-daan(800) sapagkat...