Chapter 2: New Friend

4 0 0
                                    

At nang tumuntong na sila ng ika-anim na baitang ay medyo nahirapan na sila sapagkat mas lalo nang dumami ang kanilang kakumpetensiya sa loob ng classroom sila ay nasa star section o section 1 kung tawagin. Sila ay halos nasa 40 students sa loob ng classroom at lahat ng ito ay matatalino. Kaya si Ace at si Marcus ay mas lalong nagsipag sa kanilang pag-aaral.

Isang umaga ay pumasok sila ng maaga-aga sapagkat mag-aaral sila sa library ngunit habang papunta sila sa library ay may para bang narinig silang isang sigaw, ngunit hindi muna nila ito pinansin sapagkat baka ito ay kanilang guni-guni lamang. Pero noong may narinig silang sigaw ulit ay dali-dali na nila itong hinanap kung saan nanggagaling ang sigaw. Umakyat sila sa pangalawang palapag ng kanilang building at nahanap nila ang sigaw. At ito ay nanggagaling sa loob ng pambabaeng palikuran
hindi nila alam kung paano nila titingnan ang nasa loob nito at kung paano din sila makakapasok sa loob. Pero sabi ni ace ay

"Tara na pasukin natin"

"Wag, nasisiraan ka na ba ng ulo mo ha? matalino ka nga hindi mo naman gingamit Alam mo bang girls restroom iyan?"

"Bahala ka jan at papasok ako!"

"Edi pumasok ka bahala ka jan!"

At dali-dali ng walang patumpik-tumpik na pumasok si Ace sa loob ng girls restroom. At bigla siyang nagulat dahil may isang babae na may pagka nerd ay binubully ng 3 babaeng siga at mga hypebeast. Pero nagulat din ang mga babae dahil may pumasok na lalake sa girls restroom.

"Wahhhhhh!!!"

"Ahmmmm, Pasensiya na ha kasi parang kanina pa ako may naririnig na sigaw mula dito sa restroom niyo ehhhh"

"Pasensiya ka na din pero wala kaming paki sa iyo at umalis ka na kung hindi isasama ka namin dito g*gu!"

At tinulak nila ang babaeng nerd sa lababo at unting-unting lumapit ang mga sigang babae kay Ace pero habang palapit ang mga babae kay Ace ay biglaang pumasok si Marcus at binuhusan niya ang mga babae ng malamig na tubig. At biglang hinila ni Marcus si Ace palabas ngunit si Ace ay pumipiglas  at sinabing

"Kailangan ng babaeng iyon ang tulong natin"

Dahil wala namang magagawa si Marcus ay hinayaan niya na ito. At nang pagkapasok ni Ace muli ay hinila niya na ang babae palabas ng cr at tumakbo sila pababa ng building at panandaliang nagtago muna sa storage room o bodega kung tawagin.

"Hay, salamat at nakatakas na din tayu dun sa mga ugok na iyon"
Sabi ni Ace

"Oo nga ehhhh, nakakapagod nagamit ko na yata lahat ng energy ko sa pagtakbo muntik pa akong madulas sa hagdanan kanina" sabi ni Marcus

"Uhmmmmm, By the way thank u pala sa inyong dalawa ha pilit kasi nilang kinukuha ang baon ko ehh kaya maraming salamat talaga ha di ko alam kung paano ko kayu mapapasalamatan"sabi nung babae

"Wala un ano ka ba? Hahahaha  uhmm ano nga pala pangalan mo? Anong section ka?" Sabi ni Ace

"Ako pala si Mila Win. Mila ung first name ko at Win ung apelyido ko at Grade 6 section 2 ako"

"Mila Win? Diba uri ng ibon un? Hahahahahaha" -Marcus

"G*gu ka Mulawin un b*bo! Hahahahaha" -Ace

"Hehehehehe, cute na pagkatawa ni mila"

At habang mahaba-haba pa naman ang oras ng pasukan nila ay nagkwentuhan muna sila.

Pagkatapos ng ilang minuto ay big lang nag bell na at umalis na sila sa storage room.

"Kring" "Kring" "Kring"

"Hala bell na! Tara na pasok na tayu." -Marcus

"Sige mamaya nalang recess ha Mulawin este Mila Win ha" -Ace

The Imaginary TownWhere stories live. Discover now