SU-7

3K 57 1
                                    

It was exactly 6:10 pm when Cheska arrived at home. Buti nalang at hindi siya nastuck ng matagal sa traffic kaya tuloy tuloy ang naging biyahe mula sa taxi.

"Uy, napagabi ka ata ngayon Cheska?" tanong ni Kuya Mandi, isa sa mga guard na nagbabantay ng village.

"Opo nga po Kuya eh, sigi po mauuna na ako,"

"Sige, ingat!" Cheska immediately ran her way into their mansion. Kinakabahan siya! Baka kasi kanina pa umiiyak ang kapatid. She ran her way inside and was shocked to see her dad with a woman. May babae rin sa likod nila na pakiramdam ni Cheska ay anak ng babaeng kasama ng daddy niya.

Kahit na nagtataka ay nagsimula siyang maglakad papunta sa Daddy niya upang magmano. "Daddy," she was shocked to see her Dad looking so much better. Masaya si Cheska na kahit papaano ay hindi na nito napapabayaan ang sarili dahil paniguradong hindi sasaya ang kaniyang mommy kapag nakitang nasa ganung kalagayan ang ama.

"So you're Cheska?" Masayang tanong ng babae. "I'm Tita Elaine! I'm so happy to meet you. Here's my daughter Agatha, mas bata siya sayo ng ilang taon." She accepted their hands and looked at her father. Merong pumapasok sa isipan niya na kung ano na ayaw niyang isipin o pagusapan. Cheska is not liking the conclusion that is forming inside her head. Please don't happen.

Please prove my mind wrong Daddy.

"Can we talk Daddy?" Seryosong seryoso niyang inoobserbahan ang dalawa. Napakunot noo agad ang dalaga nang makitang tinignan pa ng kaniyang Daddy ang babae na para bang humihingi ito ng permiso.

"Let's talk in my office." Hindi na nag abala pang sumagot si Cheska at tsaka dumeretso ng kaniyang kwarto upang puntahan ang kapatid. When she opened the door, she felt relieved when she saw her sister sleeping peacefully. Nasa tabi nito ang isa sa mga kasambahay na si Ate Mela na siyang nagbabantay kay Heather tuwing nasa eskwela siya, mahimbing itong natutulog sa may sofa habang hawak hawak pa ang isang bote at malinis na diaper.

After changing her clothes, ay dumeretso na siya sa office ng kaniyang ama na nasa 2nd floor ng bahay. Nasa loob na ito nang makarating siya doon. "Who is she Dad?" Agad na tanong ni Cheska.

Nanatiling tahimik ang kaniyang ama. "To be honest, I am having a bad feeling about her Dad. Please prove my mind wrong kasi hindi ko talaga kayang tanggapin-"

"She's my fiance."

"Na may iba ka na bukod kay Mommy." Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang dalaga dahil sa narinig. "P-po?"

"She's now my fiance." Dahan dahang nagsituluan ang mga luha sa kaniyang mga mata. Cheska thought that all of her tears were poured already earlier when she cried at school but she's wrong. Marami pang natira na luha sa kaniya. Maraming marami pa.

"D-did you really love my mother?" Naiiyak parin niyang tanong. Halatang nagulat ang ama sa kaniyang naging tanong. Ilang minuto pang hinintay ni Cheska ang magiging sagot ng ama but she got nothing. "I guess not." Akmang aalis na sana siya nang magsalita ang ama.

"I love Patricia so much Cheska. Don't question my love for her-"

"Then why did you look for someone else?! If you're really in love with my mother then please explain why you looked for someone else!" This is the first time she shouted at her father. Close na close silang dalawa pero nung mga oras na iyon ay parang kaaway ang turing ng dalaga dito.

"Because she left me first."

"D-addy hindi tayo iniwan ni Mommy," pilit niya ring sinasabi sa sarili niya ang mga salitang iyon kahit na mahirap.

"Everything is set. Sa susunod na linggo ang kasal-"

"I do not approve your marriage." Matigas na saad ni Cheska kaya napahilamos na lamang ang ama. "Ilang buwan pa lang nawawala si Mommy nakahanap ka na kaagad ng bago Dad, ni hindi pa nga nagiisang taon eh-" nagulat silang dalawa dahil sa biglang pagsampal ng kaniyang Daddy sa kaniya. She can't help herself but cry out of fear and anger. "You used to be my best friend Dad, you used to be my hero. But not anymore."

Agad na tumakbo papuntang kwarto niya si Cheska. It's a good thing na hindi siya inabala ni Ate Mela nang magising ito. Cheska cried and cried, the only moment she stopped was when her sister woke up.

Pakiramdam niya ay ito na lamang ang natitirang kakampi at kasama niya. Nasa Manila na si Josh habang lumalayo naman ang kaniyang loob sa ama. Her sister seemed to feel her sadness and she's so grateful that Heather is comforting her in her own little, precious and cute way.

"I love you so much Baby Heather, love na love ka ni Ate."

__________

Walang lakas na bumangon si Cheska ng sumunod na araw upang maligo. Alas kwatro pa lamang ng umaga at tulog pa ang nakababatang kapatid na si Heather. Pagkatapos maligo ay dumeretso na siya sa kitchen dahil gustong gusto niya ng mag agahan, hindi kasi siya nakakain ng dinner.

Cheska was busy making her milk when she felt someone climb down from the 2nd floor. She immediately looked at the person and she felt so bitter when she saw Elaine. His father's fiance.

"Good morning," Cheska didn't want to sound rude and replied coldly.

"Morning." Dumeretso siya ng garden ng ina upang doon na magpahangin. Maaga pa naman kaya pwedeng pwede niya pang libangin ang sarili at hindi malate sa eskwela.

Nang maubos ang isang baso ng gatas ay nagsimula ng maglakad pabalik sa loob ng bahay nila ang dalaga, but something stopped her. Kaniyang tinignan ang fountain at napakunot noo agad nang makitang wala na roon ang mga rosas na paboritong paborito ng kaniyang ina. Ito pa nga ang nagtanim non.

"Yaya?" tawag ni Cheska.

"Yes po Ma'am Cheska?"

"Nasaan na po ang mga itinanim ni mommy na white roses dito sa may bandang fountain?" Parang napipi ito at hindi agad nakasagot.

"Yaya?"

"Pinatanggal po ni Madam Elaine-"agad na naglakad papasok ng bahay ang dalaga, kunot noo at hindi makapaniwala.

Naabutan niyang tumatawa ang ama at ang babae nito kasama si Agatha. "Why did you do that?" Cheska asked bitterly.

"Cheska," pagwawarning sa kaniya ng ama but Elaine only held his hand and smiled.

"What do you mean dear?"

"You told the helpers to remove my mother's white roses. Why. Did. You. Do. That?" Halatang nagulat din ang ama sa narinig. Elaine only laughed and cleaned the side of her lips with a napkin in an elegant way.

"I only did it to help you guys move on-"

"I don't want to burst your bubble pero hindi mo dapat kami pinapangunahan. It has only been 3 months eversince my mother died and it's so disrespectful of you to do that."

Cheska said annoyingly and walked out.



💜💙💚🖤🧡💗💖❤️

Good morning! how's your day?

She's UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon