Xavier-291

1.2K 34 50
                                    

"Papa, gusto kong luto sinigang ha.  Tapos gusto ko akin lang iyong gitna ng isda. Paborito ko po iyong gitna kasi mataba saka masarap," patuloy na pangungulit sa akin ni Xayvion habang naglalakad kami ng magkahawak kamay.

"Oo na. Pero bago iyon, siguraduhin mo munang magpapakabait ka kay mama mo kapag isinama ka niya mamaya sa medical mission," mahigpit na paalala ko kasi alam na alam ko na kung gaano siya kakulit.

Kung ako lang ang masusunod, hindi ko na siya pasasamahin sa medical mission kasi baka hindi makapag-concentrate ang mama niya sa pag-aasikaso ng mga pasyente.

"Promise, I'll be a good boy!" pangako niya sa habang nakataas ang kanang kamay.

"Once you promised something, you supposed to keep it no matter what," muling paala ko sa kanya.

"Alam ko po. Top 1 kaya ako sa klase namin. Madami akong alam. Tinuro din po iyan ng teacher namin!" pagmamayabang niya habang kinikindatan ako.

Natawa na lang ako at napailing dahil sa sobrang kulit niya.

"Papa..."

"Ummm?"

"Hindi ka na ba aalis ulit?"

Bigla akong napatigil sa paglalkad dahil sa tanong niya.

"Bakit mo naman naitanong iyan?" seryosong tanong ko habang bumibitaw sa pagkakapit niya sa kamay ko.

Dahan-dahan ko siyang hinarap at umupo ako para pantayan siya.

"Wala lang po..." nakatuntong sagot niya.

"Gutom lang iyan, Xayvion," pabiro kong sabi habang ginugulo ang buhok niya.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya kaya ngumiti na lang ako ng pilit.

Tatayo na sana ako at babalik sa paglalakad pero bigla niyang hinatak ang damit ko.

"Nasanay na po akong lumaking walang papa. Kahit na lagi akong inaasar ng mga kaklase ko na wala akong papa, ayos lang po sa akin iyon. Pero si mama..." medyo basag na ang boses niya habang patuloy na nakatungo.

"Ngayon ko lang po nakita si mama na sobrang saya. Simula po noong dumating ka, naging sobrang saya na ni mama. Please papa, 'wag mo na pong iiwan si mama ha."

Natahimik ako sa lahat ng mga sinabi niya.

Seryoso lang akong nakatingin sa kanya habang nakikita ko kung paano unti-unting pumatak ang luha niya.

I don't want to be sound gay, pero parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko habang nakikita kong umiiyak sa harapan ko ang anak ko at wala man lang akong magawa para sa kanya.

Ganito pala ang pakiramdam ng maging ama. Kahit gaano ka katapang at kalakas, magiging mahina ka pagdating sa anak mo.

Ang tahimik niyang pag-iyak ay naging hagulhol kaya nataranta na ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Shhh... 'Wag ka ng umiyak. Hindi ka iiwan ni papa," pagpapatahan ko sa kanya habang tinatapik ko ng dahan-dahan ang likod niya.

Hindi ako marunong magpatahan ng bata. Hindi ko alam kung paano patatahanin ang sarili kong anak.

"Promise, papa? Hindi mo na po kami iiwan ni mama?" tanong niya sa pagitan ng paghikbi.

Ayaw kong mangako ng isang bagay na hindi ako sigurado kung kaya kong tuparin.

Mahal ko ang anak ko, pero...

"Mangako ka papa, please..." pakiusap niya habang nakikipagtitigan sa mga mata ko at patuloy sa pag-agos ang mga luha.

Parang bigla kong nakita ang sarili ko sa kanya noong bata pa ako.

Lumaki ako na walang ama kaya alam ko iyong takot na nararamdaman niya ngayon. I once promised to myself na kapag nagkaanak ako, gusto kong lumaki siya sa tabi ko at maramdaman kung gaano kasaya ang magkaroon ng papa.

"Promise," mariin kong sagot habang nakapikit.

Maybe I should really start bidding goodbye, my Abbypot...


(A/n: Happy New Year fellaaaaasssss!!! Sobrang bilis ng taon. Parang kailan lang, it's summer of 2016 nang sulatin ko ang book 1 out of boredom. Ngayon, sasalabungin na natin ang 2019. Habang patagal ng patagal, parang mas lalo akong nahihirapang tapusin ang book 4. Abby and Xavier's story became a big part of my life for the past 3  years.  And of course kasama na rin kayo sa journey kong iyon. Konting push pa ng motivation, baka mapapayag na talaga akong i-self publish kahit book 1 ng story nila. I'm hoping that when that day happened, naka-support pa rin kayo sa amin. Keep spreading the love and good vibes. Ciao for now!)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon