Ako si Lorenzo Prince Collins. Lorenz,Renzo o kaya Prinsipe ng Kagwapuhan for short.
Nakatira sa Bulacan. Isang nursing student.
Okay, sa totoo lang, ayoko naman talaga mag-nursing. Pinilit lang ako ng parents ko na isang doktora ngayon at isang doktor.
Wala nga akong alam sa panggagamot na 'yan eh. Matagal ko nang isinuka ang pagiging doktor noong bata pa ako. Simula kasi nang sinabi sa akin ni Daddy na ang pagiging doktor ay mahirap at humawak ng lamang loob kung mag-oopera ka.
Eh tangina, paano kaya ako makakasagip ng buhay kung wala akong alam sa mga hinahawakan ko,lalong lalo na sa mga babae. Nakakahiya mang aminin pero ang alam ko lang sa kanila ay ang boobs and the vagina.
Ang gusto ko lang talaga ay ang magpainting. Gusto kong maging artist.
Pero dahil sa kagustuhan kong magpinta,ito ang nangyari...
"Teka, saan ba yan nakatira?"
"Bro,sino ba yan? Syota mo? Akala ko ba magbabago ka na?"
"Mga gago!Bawal ang babae dito! Alam niyo ba 'yon?"
Sunod-sunod na tanong sa akin ng mga kaibigan kong mga tukmol. Nandito ako ngayon, sa apartment kung saan kami nakatira ng kaibigan kong mga sakit sa ulo.
Well, hindi ko naman sila masisisi. Ngayon lang ako nagdala ng babae dito,nang hindi sinasadya.
"Puta, pare. Anong gagawin natin dyan sa babaeng 'yan? Eh, anumang oras papunta na si Aling Manas! 'Pag nagalit pa naman 'yon, mukhang gorilyang nangain ng baliw na tulad mo!" tila frustrated na sabi ni Cleo.
"Hays, naaalala ko 'yong dati naming kapitbahay,panay ang sigaw sa kumpare niya." kunwaring dismayadong si Kaleb.
"Anong nangyare?",pigil tawang tanong ni Spirit.
"Yun, nagpa ano sa asawa niya para tumahimik na." ngising sagot nito sabay tawa nilang dalawa ni Spirit.
Puta,anlilibog.
Tinakpan ni Logan ang tenga ng babae,"Shh! Mga bunganga ninyo! May babae dito tapos pinapairal niyo naman ang kahalayan niyo."tiningnan niya ang babae,"Narinig mo 'yon?"
Hindi ko alam pero parang uminit ang dugo ko.
"Sus,chillax lang. Kayo nga 'tong may kahalayan sa isip eh. Paano niyo naisip ang sinabi ko? 'Ano' pa nga lang ang sinabi ko, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niyo.Haha!" tawang tawa na katwiran ng hambog na si Kaleb.
"Hep hep hep! Ano ba!? Lumalayo na tayo sa topic! Ikaw, Lorenzo. Alam naman naming babaero ka,pero pinag-usapan na natin 'to 'diba? Bawal. Magpapunta. Dito. Ng. Babae."
"Oo nga, kahit ganito tayo kagwapo,kailangan din naman natin respetuhin ang mga babae,bro."
"Yep, dapat diretso ay sa simbahan na, Hindi sa kama."
Ewan ko ba kung bakit napunta siya sa kotse ko?!Ewan ko rin kung paano siya napunta sa kwarto ko.
Hindi ako tanga 'no!
Siguro,isa siyang magnanakaw.
O di kaya, mga nababaliw sa akin?
Ah basta!
Kahit na tinitignan ko na siya ng masama, nakangisi pa rin siya. May saltik yata ito, eh.
Maganda sana, pero parang takas sa mental. Sayang.
"Ikaw!" biglang turo ng babae sa akin,"Kailangan mo akong tulungan." biglang sabi nito. Lahat kami ay nagulat sa pagsalita niya. Siya din ata ay parang natigilan nang sabihin niya iyon.
"Hay, buti naman ay nagsalita ka na! Akala ko pipi ka eh. Nakakatangi—wait, what? Ano ulit ang sinabi mo?"
"Si Lorenzo?" sabay-sabay nilang tanong at tinuro ako.
"Itong babaerong 'to?"-Spirit
"Itong palikerong 'to?"-Kaleb
"Ito bang cassanavo na 'to"-Logan
"Itong bang manloloko ang sinasabi mo?"-Cleo
"Lorenzo..." sabi nito. At bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nakikipagkarera ako.
"...Nice name."
BINABASA MO ANG
Mermaid's Disguise (ON GOING)
FantasyLorenzo was a legendary womanizer and didn't believe in love.Hindi niya kailangang ma-in love para lang magkaroon ng babae or should I say mga babae sa buhay. At Selene naman ay isang pinakapilyang sirena sa kaharian ng Melodia, and because she wa...