1

44 2 0
                                    

Aera's POV

Canteen. Magisa. Ako.

Cliche 'di ba? Pero 'wag kayong mag-alala, walang gwapong macho na tatabi sa'kin at makakatuluyan ko.

Haller, Aurea's an all girls school so keep the landi and all the fanatasies away muna.

Nailapag ko ang smoothie ko nang may bumagsak na mga libro sa mesa ko.

"Late na naman nag-dismiss ang lolo mo! Jusko. Vitamins ba? Inaraw-araw e." Umirap pa siya. "Ka-stress. Penge nga n'yan!"

Aba'y inagaw pa ng gaga ang smoothie ko.

"Hoy, Mikira Salazar, pwede bang 'wag mo kong i-damay sa kabadtripan mo?" inagaw ko ulit 'yung smoothie. "Bumili ka ng sa'yo!"

"Ang damot nito, parang iba naman ako sa'yo oh." sabay tayo niya para siguro pumila na at makabili ng food. Hinintay ko siyang makabalik at nag-chikahan pa kami.

"Ang gwapo niya talaga, 'te!" she suddenly shrieked.

"Tone down your voice, Kira." I rolled my eyes. Kira loves flirting guys from Himno. It is an all boys school by the way and one of Aurea's greatest rivals dahil matatalino din ang students do'n.

"Girl, ang daming may crush sa'yo sa Himno. Why don't you..." she giggled. "...try?"

"Alam mo, walang kwenta ka ding kausap e, 'no?" tumayo na ako at sinukbit ang bag ko. "Una na 'ko. May tatapusin pa pala ako sa lib. See you."

I kissed Kira's cheek and hugged her before I had my way to the library. Malapit na kasi ang Brains or Lose competition sa nalalapit na academy days ng Himno. Doon gagawin ang Brains or Lose. I have to prepare dahil as usual, mabigat na naman ang magiging kalaban.

I won the last BoL competition easily. Wala kasi ang pambato ng Himno. Who else would it be?

Wesley Eros Everett.

Sa kanya lang ako nahihirapan tuwing BoL.

Everyone else's easy as one, two, three.

Pero balita ko he will compete for this BoL.

And that's challenging but... ugh-ing. Bakit 'di na lang siya sumuko at mamuhay ng normal? Kinakalaban pa ako e. Kainis.

May mga nakasalubong akong teachers and I greeted them.

Pagpasok ko sa library, inipon ko lahat ng librong kakailanganin kong basahin. I spent 20 minutes there at dumiretso na din ako sa classroom ko nang mag-bell.

Usual stuff, nakinig ako sa discussion, nag-sulat ng lecture hanggang ma-dismiss na.

I was on my way to the exit gate nang may tumawag sa phone ko.

Miss Gardeo calling...

I quickly answered it. Miss Gardeo is my coach by the way.

"Hi, miss, good afternoon po."

[Miss Lacueja? I just have some important matters to discuss with you. Mga five minutes lang naman. Pumunta ka na lang ng faculty.]

"Oh, okay po. I'm on my way."

I shrugged and went straight to the faculty office. Pinapasok naman ako ng ibang teachers at dumiretso ako sa office ni Miss Gardeo.

"So, Aera, hindi ko na papatagalin 'to para makauwi ka na." she started. She was wearing eyeglasses and sa mga papel na hawak niya lang ang tingin niya.

I Fell for My RivalWhere stories live. Discover now