Renz POV
" Pwede ba ? Layuan mo ako ?! Hindi kita kailangan !!! "
Hindi ko na lamang pinansin ang mga masasakit na sinabi niya. Lasing na naman siya. Kinuha ko ang mga gamit na ikinalat nya sa kwarto nya at inilagay ito sa isang tabi
Kumuha rin ako ng mga pangpalit nya at balak na bihisan sya.
" Wag mo kong hahawakan ! Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na dito " galit na sigaw nya sa akin.
Agad ko syang sinunod at dumeretso sa aking kwarto. Kinuha ang isang maliit na notebook .
You and I
Nakita ko ito noong isang araw habang nagliligpit sa kwarto nya. Balak ko sanang ibalik ito sa kanya nguni't may pumipigil sa akin.
Hindi naman siguro nya malalaman na titingnan ko ang notebook na ito.
Binuklat ko ang kwaderno.
R and L
Hindi ko alam na may kwaderno pala sya para sa aming dalawa. Renz and Liah.
Aba mabasa nga! Naeexcite tuloy ako.
---
Naglalakad ako pauwi nang mapansin ang isang lalaking umiiyak. Ano ba naman ito?! Kalalaking tao napakaiyakin.
Nilapitan ko ito nguni't hindi ako napapansin nito. Hay nako! Bakla ata tong lalakeng to!
"Hoy bata wag ka nang umiyak. Mukha kang bakla ?!" sigaw ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin.
Oo judgemental na. Pero hindi kase ajo marunong magcomfort kaya ganito na lang ang ginawa ko.
Hindi nya ako sinagot, puro hikbi lang ang maririnig.
"Bata hoy wag ka nang umiyak?! Bahala ka aasarin kita. Bakla bakla bak--- pfffttt"
Ginawa ko ba to ? Tangina hindi ko maalala. Alam ko lang mabait ako nung bata ako ah
Tangna! Bat ka nanghahalik ?! Hoy Bumalik ka dito ?!
Tangina pinapatahan ko na nga, h-hinalikan pa ako huhu. First kiss ko pa naman yun.
Grabe napakamanyak ko pala bata pa lang ako hahaha pero di ko talaga maalala na nangyari na to.
Umuwi ako na nakabusangot dahil sa baklang nanghalik sa akin. Hays
Napansin ko agad na may bagong lipat sa tapat ng bahay namin. Hmmmm sana babae naman para may maging kaibigan ako
Habang nagdidilig hindi ko namalayan na may paparating ng bola.
" Ouch! Nabasa pa ko hayop na yan" iritableng sabi ko habang pinapagpagan ang damit ko.
" Puro bad words na naman nanggagaling sa bibig mo" tekaaaaa ang gwapo naman ng boses nito.
Napatingin ako sa gawi nya. Fuck sya y-yung nagnakaw ng h-halik sakin.
" you! Bakit mo ko h- hinalikan last time ? Tapos ngayon tatamaan ako ng bola mo?!" nanggagalaiting sabi ko.
" bola ko? Hindi pa sayo tumatama ang bola "ko" nakangising sabi nito sakin.
Nagiinit na ang ulo ko sa kanya tangna. Ang baboy amp.
" Pwede ba? Manahimi----"
" oh lilah , nakilala mo na pala siya. Bago lang sila dito kaya ikaw muna ang sasama sa kanya." singit ni mama. Buti na lamang di nya narinig yung pagsigaw ko.
" At ikaw naman, bahala ka na sa anak ko. Iingatan mo sya kapalit ng pagsama nya sa inyo."
" Yes Ma'am, ako ang magiging body guard nya." sincere na ngiti nito. PLASTIK.
Hindi ko maalala na nangyari ito sa aming dalawa.
Naging kasama ko na sya sa school at kung saan saan pa. Grade 6 kami nagkakilala, at ngayong Highschool na hindi na kami mapaghiwalay.
Sya ang madalas na nangaasar sakin pero nagtatanggol naman kapag napapaaway ako.
"Nilalandi ? Bakit ko sya lalandiin?" tangina nacorner na naman ako ng mga fan girls nya.
" Masyado kang madikit. Para kang linta" sagot nung babaeng espasol.
" Matagal na kaming magkaibigan kaya wala kayong karapatan para umarte ng ganyan" iritableng sabi ko sa kanila.
" Aba sumasagot! Matapang ka pala ah" sagot naman nung clown.
" Ano--- Aray! " tangina pinagtutulungan ako nitong tatlong makati na to!
" Dapat lang sayo yan Lilah ! Malandi ka Malan---- Ugh! "
Akala nyo papatalo ko? Utot. Hindi ako bida dito na laging pinagtatanggol.
Yun kalmutan lang naman kami at sabunutan pero masakit na talaga ang katawan ko. Hayup pumipikit na rin ang mata ko dahil sa sakit at pagod
" Tapang tapangan ka pa, wala rin naman pala" tumatawang banggit ni bruhilda.
" Buti nga sayo yan. Huwag ka nang lalapit kay R---"
" Kanino sya hindi lalapit?" buti naman at dumating na tong dambuhalang to. Sya naman ang dahil-- tangna sakit talaga huhu
" ahhh wal--Aray nasasaktan ako "
Hindi ko na maintindihan ang pinaguusapan nila.
"Ako na ang bahala sayo"
Huh?
Unti unti nang bumabagsak ang talukap ng mata ko