Pagising mo sa umaga lagi mong iniisip na may mangyayari, kunware pagtingin mo sa newspaper ay nanalo ka na pala sa lotto at pagkapanalo mo ay hindi ka mag papanic at secreto na bibili ng gamit na parang hindi mo pinapaalam na nanalo ka sa lotto pero ano kaya kung mangyari ito sayo?
Ako si Arthur Haime di kagwapuhan at hindi rin kapangitan simpleng tao lang kasama ko ang aking simpleng pamilya si inay,itay at si mae ang kapatid kong bunso. Middle family lang kami syempre nangangarap kami na yumaman at lumigaya habang buhay kaya si itay araw araw na tumataya sa lotto parang naging tropa na nga nya ung bantay sa lottohan pero ok lang yon siyempre baka tumama ka malay mo pero dito nagsisimula ang aking kwento
Araw araw akong dumadaan sa Manga St. pero ang ikinaiinis ko ay bakit ang trapik dito sa dinadaanan ko naglalakad lang naman ako ang akala ko ay may sunog o kung ano ito lang pala na lottohan sa street na to. ito lang ata ang lottohan sa amin kaya ang daming tao pinabayaan ko nalang ito at umuwi na.
Sa totoo lang eh, hindi pa ako tumataya ng lotto sa buong buhay ko kahit na utusan pa ako ni itay. ang haba kaya ng pila 10years bago ka makapunta sa counter pero meron din palang mga mandaraya duon, nag hahanap ng kasama para palitan nalang kung nandyan na ung tataya at ung iba naman may sariling ballpen para habang nakapila ay pinipili na ung mga numero.
At sa isang araw ay may nakita akong magazine. Grabe ang Cover FHM. Swerte ko kaya tinago ko ito sa bag at pumasok sa school.
Dahil sa pagkuha ko ng Magazine na iyon ay muntik na akong ma late buti wala si Sir kung hindi ay nako nandoon lang ako sa labas hanggang matapos ung class nya. nakakahiya kaya yon nakatayo ka lang tapos pag may dadaan na teacher sa hallway ay ngingiti sayo. ano to laitan?
At dahil wala si sir maingay sa room party party batuhan doon ingay doon pero anong akala nyo wala akong friends? syempre meron nung pagpasok ko pa lang ay tinawag na ako ni Mark Marya
"Art, wala si sir party party nanaman tayo"
"Sus Lagi naman eh pag walang Teacher"
"Teka Art parang nakangiti ka ata may nangyare ba?"
"Oo meron, Pero wag ka maingay sa atin atin lang to"
"Ano ba yun?"
"Tenen FHM magazine New issue"
"Teka lang Mahal yan huh sa ka nakakuha ng Pera"
"anong tingin mo sa akin Magnanakaw"
"pero paano ka nagkaroon nyan"
"pumasok si arthur sa 7/11 at nagshoplift ng FHM"
"Ano ka ba Christian at teka bakit ka nakaisip ng ganyan"
"kasi ayun lang ang paraan para makakuha ka nyan"
siya si Christian Bagit Friend ko din wag kayo masyado lumapit dito nangbablack mail to
"huh, Bakit ganyan ang tingin nyo sa akin, mark sabihin mo ganun din ba tingin mo sakin"
"art pasensya na art pero. parehas din ung iniisip ko"
"waaaa. ok sasabihin ko na"
"Na Ninakaw mo sa 7/11"
" Ano ba kayo Parehas ba kayo ng utak at parehas kayo ng sinabe?"
"Naglalakad ako at bigla ko itong nakita at pinasok ko agad sa bag ko"
"hindi kami naniniwala"
"ano ka ba art nangyayare lang un sa mga anime o telenovela"
"pero nagsasabi ako ng totoo"
"hayaan mo na nga yun arthur tignan nalang natin ung nasaloob"
"tama tama tignan nalang Natin"
"wow grabe Daring ung mga Picture dito Paheram mo sakin yan Art"
"ang Libog mo Mark"
"ano un Arthur ikaw lang Makikinabang"
"teka wag nyo nga kunin baka mapunit"
"huh?"
"teka Arthur may Nahulog"
"art Papel ng Lotto to huh"
"ewan ko kung bakit nandyan yan"
"arthur diba 6/55 ngayon sa lotto"
"ha.? Malay ko di naman ako tumataya sa lotto eh"
"art ang alam ko malaki na ung mapapanalunan pag nanalo ka mga 200m"
"grabe naman un Mark ang laki naman un"
"siyempre 6/55 un e. at sakto 6/55 ung hawak mong lotto"
" aba oo nga no. Teka baka pag Tinayaan ko to mananalo ako ng lotto ngayon. Mukang ako ang Pinili ng Diyos na manalo ng 6/55"
"Hindi mangyayari un art/Arthur masyado ka lang nanonood ng telenovela"
"pero anong masama Kung susubukan ko"
"opps teka nandito na pala si mam"
"usap nalang tayong tatlo bago umuwi"
at natapos din ang klase at umuwi na kaming tatlo as usual dumaan ako sa tayaan ng lotto, grabe trapik tlga. teka nakapila na pala ako hindi ko namamalayan. hayaan mo na nga tatayaan ko to baka manalo ako.
Kinabukasan ay nanood ako ng Unang Hirit( Solid GMA 7 ata to) at sakto balita. teka may nanalo na sa 6/55 .255m malaki laki na rin un ay hindi sobra sobra pala. at teka parang alam ko tong winning number na to. at nung nalala ko ay tumakbo ako pataas at kinuha ko ung lotto sheet.
"Parehas na Parehas ano nang gagawin ko? bakit naging ganto hindi ko naman inaasahan to?"
_____________________________________________________________________________
Wait for the Next Chapter :D Tiwala lang Madaming Magbabasa nito ahaha
BINABASA MO ANG
OneShot Luck
RomanceMadaming tao ang naghahangas na manalo sa lotto.. pero anong gagawin mo pagkatapos nito?.. tutulong sa mga mahihirap o isasarili ito. Alamin kung anong Gagawin ni Arthur Haime sa kanyang Napalanunan