Ikatlong Kabanata (3)

10 2 0
                                    

"Amanda, dalian mo sa labas ha. Mag-umagahan ka na at pagkatapos ay samahan moko sa Shooting namin sa Makati."

"Bakit naman ate?"

"Kasi baka mamiss mo ako ulit eh! Hahahahaha"

Ngumiti naman ako at bigla akong naging excited.

Lumabas ako upang magpahangin. Kitang-kita ko mula dito sa Mansyon na ito ang magandang tanawin.

"Pst"

"Psssssssssssst!"

Lumingon ako.

"Ineng, halika dali!" Utos sakin nung lalaking may suot na damit pangmagsasaka at nakasuot ng tsinelas na abaka.

Unti-unti kong nilapitan ang tumatawag saakin at namumukhaan ko na ang lalaking nilalapitan ko. Yung matanda sa panaginip ko!

"Lolo, nabanggit mo po saakin na ako ay may misyon? Ano po ba iyon? Makakabalik pa ba ako sa panahon ko? Yung kapatid po niya, ano po bang ugali nun? Para mapaghandaan ko ang gagawin kong misyon."

"Iha, isa-isa lang ang tanong. Pero ito ang sagot ko sa mga iyon: Una, ang misyon mo ay payuhan siya sa mga desisyon na gagawin niya.  Alam kong kilalang-kilala mo siya at halos lahat ng bagay alam mo na. Ikalawa, makakabalik ka pa sa panahon mo. Papanoorin ko ang mga kilos mo at magugulat ka nalang na bigla ka nalang magigising na nasa iyong panahon ka na. Nakahinto ang oras ngayon sa panahon mo. Huli sa lahat, kung ano ang ugali mo sa panahon niyo ay yun rin ang ugali mo na alam nila dito."

"Amandaaaaa! Pumasok ka na at magsisimula na ang ating almusal."

Lumingon ako kay Mama- este kay ate at paglingon ko ulit sa matanda ay nawala na ito.

RewriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon