CHAPTER 3.2

45 4 0
                                    

EULA POV

*AFTER MANY HOURS LATER*

At dahil nga sa nangyari kaninang madugong aksidente walang klase ngayon kaya ito ako ngayon mag isa ulit.

Atska kung nagtataka kayo kung nasa na yung mahangin na lalaki kanina ayun! Kakaaalis palang may tumawag kasi sa kanya habang nagbabangayan kami tas nagpaalam na siyang may aasikasuhin pa pala daw sya.

"Ang bilis naman ng oras pagabi na na pala sabagay nalibang din ako sa  kalokuhan nung unggoy na un, makauwi na nga"

Mag-isa kong binabagtas ang daan palabas ng garden.Grabe ang tahimik siguro kanina pa nagsiuwian yung ibang mga estudyate.

Palapit na ako sa gate ng may narinig akong lalaking sumisigaw.Kahit natatakot sinundan ko kung saan nanggagaling ang sigaw na yun kahit na parang may part sakin na nagsasabing wag na.

Takot kong sinundan ang boses na iyon na ngayo'y unti unti ng nawawala na ipinagtaka ko kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa mapadpad ako sa likod ng school.

Si Manong Guard!!

Nawalan ako ng kulay ng makita ko si Manong Guard na sinasakmal ng isang lalaki.

Nanlalaki ang aking mga mata habang pinapanood ko kung paano unti unting namumutla ang mukha ni Manong Guard habang sinisipsip nung lalaki iyon ang dugo nya!!

Isang bampira! Kung hindi ako nagkakamali isa iyong bampira!!

At dahil na rin sa sobrang takot dahil sa aking nasaksihan dali dali akong napaatras at--




KRRRAAKK!!





Napakagat ako ng aking labi at napatingin sa bagay na naapakan ko.Malas naman oh! Epal naman tong boteng toh!

Napatingin ako kina Manong Guard na ngayo'y muhkang hindi na humihinga at sa bampirang ngayo'y ay nakatayo na at diretsong nakatingin sakin.


Nanindig lahat ng balahibo ko dahil sa itsura nitong nagkakalat na dugo sa bibig nito at mga matang kulay pulang kaysama ng tingin sakin.


Dali dali akong nanakbo paalis sa likod ng school.Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng biglang sumulpot at humarang sa harap ko yung bampira.


Tatalikod na sana ulit ako para tumakbo ng biglang higitin nito ang braso ko at dinaganan na naging sanhi ng pagkabagsak namin.


Shems! Ang sakit nun!


"Kung sinuswete ka nga naman o siguradong busog na busog talaga ako nito ngayong gabi hmm? Ang bango naman ng dugo mo"

Nagsimula na nang mamasa ang aking mga mata ng simulan nitong amoy amuyin ang leeg ko kahit na anong pilit kong pag iwas at pagpipisag dito wala paring nangyayari.


"Tulonggg!"


Hindi ko alam pero kusa ko iyong nabigkas sa aking isipan.Siguro dahil sa takot na rin at hindi na ako makasigaw kaya sa isip ko na lang iyon nasabi.

Nagsimula na akong umiyak ng makita ko ang kanyang pangil na handa nang kumagat sa leeg ko.Napapikit na lang ako sa takot.Siguro dito ma talaga ang katapusan ko.

Ngunit dumaan ang ilang minuto nang biglang nawala ito sa pagkakadagan sa akin.Kaya idinilat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang Misteryosong lalaking nakakatunaw na nakatingin sa akin habang nasa gilid nito yung bampirang balak akong kagatin!

Nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin sa bagay na hawak nya!kung hindi ako nagkakamali isa iyong puso! Pero ba't ganon? Hindi manlang ako nakaramdam ng takot sa kanya parang ang gaan ng loob ko sa kanya hindi ko maexplain.Ang WEIRD!


Napatingin ako sa kanya nang bigla niya itong itapon sa kung saan at biglang tumalikod nagsimula na rin itong maglakad paalis.Kaga dali dali akong tumayo at tiningnan ang kanyang likod.

"S-salamat sayo! Utang na l-loob ko sayo y-yun"


Nakita kong napatigil ito sa paglalakad at maya maya nagsimula na itong maglakad ulit.At biglang nawala

"You're always welcome baby,for you I will do everything for your safety.Just always remember that I've just watched you all the time."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko.Ohmyghod! Sino yun?! Napatingin ako sa paligid ngunit wala namn ng tao maliban sa bangkay ni Manong Guard at yung bangkay nung bampira na naging abo na.

Nagulat man pero may kung anong humaplos sa puso ko dahil dun.Ano ba naman toh! Ang WEIRD talaga.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon