Chapter 2

268 43 45
                                    

Katelin Pov

Good Morning World himala di ako ginising ni Mama anong oras na ba?? tsaka bat ang dilim pa sa labas??  tiningnan ko yung orasan ko, sa sobrang gulat ko nabilaukan ako sa sarili kong laway

"A-ano?? 5:30 am pa lang????" first time ko pa lang magising ng ganitong kaaga sa katagal tagal,paulit ulit at araw araw kong pag gising tuwing umaga

Wala na akong magawa sobrang aga ko natulog kasi hindi naman yun yung usual kong sleeping time ang sleeping time ko kasi 12 midnight hanggang 2:00 ng madaling araw kung tatanungin niyo kung bakit?? dahil kakafacebook at kababasa ng wattpad baka nawalan lang ako ng gana kagabi nakagawa kasi ako ng kasalanan kay Krisper

Dapat pala parati kang may kasalanan para maaga kang matulog at magising

Ewan ko sayo inner voice!!

Bumaba na lang ako nakita ko naman si Mama na nagluluto at halatang nagulat nung nakita ako

"Katelin???Ikaw ba yan???" di makapaniwalang tanong sakin ni Mama na parang di pa naniniwala na ako to tsk!

"Oo ma ako to" sagot ko na lang

"Anak sampalin mo nga ako tulog pa ba ako??Nananaginip ba ako??"

"Mama ganon ba kahimala na maaga akong magising??"

Grabe maaga na nga akong nagising ito pa madadatnan ko sa umaga thank you talaga pakilagyan ng sarcasm

"Di naman anak uhm anong gusto mong ulam mamayang gabi??? kelangan natin magcelebrate first time ito!!" excited na sabi ni Mama grabe talaga to

"Ewan ko sayo mama bahala ka di ko na to uulitin hmp!" kunwari nagtatampo effect ako bwahahaha

"Naku ikaw naman joke lang naman yun di ka naman mabiro peace!" sabi ni mama at nagpeace sign sakin

Kahit kelan feeling bagets parin tong si Mama ay ewan

"Tara na nga Ma kain na tayo" sabi ko kay Mama at kumuha na ako ng plato namin at nagsimula ng kumain

Pagkatapos kong kumain naligo na ako at nagbihis nagtoothbrush narin agad ako tiningnan ko muna ang orasan sa bahay at sa pangalawang beses! nabilaukan ako sa sarili kong laway

"6:45 p-pa lan-lang???"

Ayoko naman pumunta agad sa school kaya kinuha ko na muna yung cellphone ko at nagFacebook nakita ko naman na may nagmessage sakin

Nagulat ako sa nagchat sakin si RUSTY??!!!!! yung kababata kong crush ko dati?? mark the word dati ok?? binasa ko naman agad ang message niya

Rusty Dela Cruz: Hello maganda kong bespren Lin Lin magkikita na tayo, malapit na malapit na!! kitakits pero secret muna kung kelan ;) :P

What the eff!! totoo ba to??? ibig sabihin uuwi na siya or sila dito sa Pilipinas galing sa Amerika??? sure ako na siya talaga to siya lang naman ang tumatawag sakin ng Lin Lin eh

Natulala na lang ako sa message niya sakin hanggang sa kausapin ako ni Mama

"Anak natulala ka na diyan 7:15 na pumasok ka na"

Bigla akong natauhan nung biglang nagsalita si Mama 7:15 na?? ganon na ba ako katagal natulala?? Kinuha ko na lang ang bag ko at pumunta na sa school 5 minutes walk lang naman yung bahay papuntang school kaya di ko na kelangan magtricycle

Pagkadating ko sa gate nagulat ata si manong guard at kulang na lang lumabas ang mata sa pagkagulat niya nung makita ako

"Ms.Astrera ikaw ba yan?????"

My Fictional Boyfie,Bestfriend or Enemy??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon