Hinahanap nya ako. Hinahanap na naman nya ako hindi dahil gusto nya, kundi dahil kailangan nya ako.
"Gaaaaats, hoy sunget Iris Marie Gatchaliaaaaan!!!!" sigaw ni Xavier pagkapasok pa lang nya sa shop ko.
"Ano na naman yon, Tubs?" bored na tanong ko sa kanya. Gats ang tawag nya sakin dahil sa apleyido kong Gatchalian at Tubs naman ang tawag ko sa kanya dahil sa apelyido nyang Tubianosa. Sanay na sanay na akong randomly dumadalaw sya dito sa shop ko lalo na kapag wala syang gig.
"May gig kame mamayang gabi sa Sta. Raphaela, sama ka?"
"Busy ako, dami kong orders na kailangan pa iorganize dito sa shop oh." sagot ko sa kanya habang tinuturo ang box ng mga damit na inorder ko pa from Korea. I run my own business at age 22, yan lang siguro ang ikinaka-proud ko sa ngayon. Sa ibang aspects kase ng buhay ko, waley na.
"Pag ba tinulungan kitang mag-ayos, sasama ka na sakin mamayang gabi?" pagpapacute nya pa sakin. Nyeta hindi ba to nakakahalata na nahuhulog na ko?
"Pag ba tinulungan mo kong mag-ayos, hindi ka magpapalibre ng meryenda?" tanong ko.
"Depende kung magugutom ako." Inirapan ko lang sya at nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit.
Nagkakilala lang kame sa isang gig a few months ago. Tutugtog ang banda nila noon sa bar malapit samin. Sakto namang andun kami ng kaibigan ko at umiinom. Hindi pa sila sikat non,pero nagalingan agad ako sa kanila kaya nagpapicture ako, hanggang sa nakainuman na namin silang magbabanda. Dun na nagsimula yung pagkakaibigan namin. Hindi pa naman ganon kalalim ang friendship namin oara maituring na bestfriend pero may mga pagkakataon na sa akin sya naglalabas ng mga problema nya. Ako kang daw ang nakakaintindi sa kanya eh.
Andito ako ngayon sa gilid ng stage ng Santa Raphaela High School, pinapanood ang banda nyang Save The Youth. Sa totoo lang,hindi ko rin naman alam kung bakit gustong gusto ako laging kaladkarin nitong si Xavier palagi sa mga gig nila. I mean syempre okay din naman kase free ako lagi sa entrance pero may mga times na mas gusto ko lang magkulong sa kwarto ko, hindi ko lang magawang tumanggi sa kanya.
Nakikita ko namang masayang-masaya sya habang nagpeperform at alam kong ito talaga ang passion nya. May pagkakataon pang tumingin sya sa akin habang kinakanta ang chorus ng kanta nilang Donna. Ngumiti lang ako at nag thumbs up, kahit ang totoo, ang bilis na ng kabog ng dibdib ko,wag sana nya mahalata.
Matapos ang gig ay nagyaya na naman ang mga kabanda nyang uminom, tatakas na sana ako pero hinigpitan nya ang hawak sa braso ko at pinigilan ako umuwi.
"Ayoko nga uminom Tubs eh." pagmamakaawa ko pero parang wala syang naririnig.
"Eh di sumama ka na lang, pleaaaase Gats, sige na." para syang bata, pero alam kong di ko na magagawang makipagtako kase alam kong di naman to papayag nang hindi ako kasama.
"Bakit ba gustong gusto mo kong isama? Gagawin mo lang akong yaya eh."
"Hoy hinde ah, ikaw lang kasi nakakausap ko nang matino pag lasing, lang kwenta kausap yan sina Owan, puro pambababae lang alam nyan."
"Hoy grabe ka ah!" rinig kong pagsingit ni Owan sa usapan namin. Hindi ko na lang sya pinansin.
Naubos na naming anim ang tatlong tower ng kung ano mang cocktail itong iniinom namin. Uminom ako pero konti lang, samantalang etong mga gunggong kong kasama, lahat lasing na.
"Gats"
"Oh?"
"Bakit wala ka pang boyfriend?" seryosong tanong sakin ni Xavier habang nakapatong ang baba sa kanang palad nya at tinititigan ako .
"Tanginang tanong yan Tubs, Nang aasar ka ba? Syempre hindi ako chix, kayong mga lalaki gusto nyo lagi chix eh,yung pwede nyong ipagyabang sa tropa nyo."
"Oy hindi ah grabe ka." sabay hawak sa balikat ko. "Ako...hindi ako sa mukha lang tumitingin ah. Gusto ko sa babae yung may substance, parang ikaw."
Tumigil ata ang mundo ko nung sinabi nya yon.
"Eh bakit ba kasi hindi na lang ako?"
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, pinakikiramdaman ko lang sya at iniintay ang sagot nya. Pero paglingon ko,nakatulog na pala sya sa lamesa. Punyetang to. Panira ng moment. Pero siguro mas okay na rin kesa malaman ko pa ang sagot nya.
Nagpatulong na lang ako sa mga kabanda nya para maiuwi sya. Buti na lang kilala na ako ng Mama nya kaya sanay na rin syang ako ang naghahatid kay Xavier. Dun na rin ako pinatulog sa kanila kase delikado na raw umuwi ng madaling araw. Hindi naman na ako tumanggi kase ayoko rin namang ma-rape sa daan.
Nasa kwarto nya kami natulog, sya nasa kama at ako binigyan ng mama nya ng foam para ilatag sa sahig.
Hindi naman na bago ang gantong eksena saming dalawa. Sanay na sanay na nga akong rumescue sa kanya kapag kailangan eh.
BINABASA MO ANG
Saving Xavier
FanfictionHow do you save someone who doesn't want to be saved? This is the story of Iris and her attempts to save the man she loves from everything that's hurting him, even if it means she's the one who gets hurt in the end. **** Xavier Tubianosa (Save The Y...