one shot story

46 1 2
                                    

Elaine Gamboa
Senior Highschool
San Mateo Academy

Ang maingay na musika ng mga pang paskong tugtog ang nagpaalala sakin na nasa reyalidad pala ako. Kung saan toxic at plastic ang mga tao, yan ang reyalidad ng mundo. Sinasabi nila huwag mang-bully pero sila mismo ang nagpapasimula ng pambubully, how ironic. Papasko na't lahat nagpopost parin sila ng mga kadramahan sa facebook. Char HAHAHAHA masyado na akong nambabash.

"Elaine? Nababaliw ka na naman ba? Natawa ka na naman mag isa,"natatawang sabi sakin ni Marco at kinuha ang bag niya. Labasan na pala? Ang tagal ko yatang nakatulala.

"Tara na, sabay na tayo, baka multuhin ka dito pag iniwan kita," sabi niya at kinuha ang bag ko pahila akong tinayo sa silya.

"Ba't nga pala ngayon ka lang aalis? Bago yun ah? Anong ginawa mo kay Marco na laging kasama umaalis ng mga manyakis kong kaklase?!" Pagbibiro ko sa kanya. Hindi naman manyakis ang mga kaklase ko. Sadyang nangaasar lang ako. Tinampal naman niya ang pisngi ko kaya inambahan ko siya ng suntok.

"Ay bakla nananampal,"sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad kung kailan malapit na kami sa hagdanan pababa ng second floor.

"Hindi ako bakla.... nagbabalak nga ako manligaw eh,"sabi niya. Sandaling napatulala ako pero agad din naman akong nakabawi at nagbigay ng reaksyon.

"Hala? Eh talaga?!! So sino ang swerteng babae?"

Sino? Nasa klase ba namin?

Gwapo si  Marco Caballe, isa siyang table tennis player, matalino, senior scout at active na estudyante sa school namin. Sino ba namang di magkakagusto sa kanya?

Paano kami naging close?

Naging close kami nitong September lang, hindi ko rin alam kung paano basta naging close kami dahil sa pangungulit ko at kagaguhan niya sa classroom. Magkatandem yata kami nito sa mga katangahan sa room.

"Oh ano? Ba't natahimik ka?" Tanong ko sa kanya. Inabot niya sakin ang bag ko at kinuha naman yun agad.

"Sapalagay mo magugustuhan ako ni Chynna? Hindi ko siya kaclose pero mukha kasing may pag asa ako kung sakali," sabi niya.

Ganun ba yon? Hindi ko gets.

"Ahh so parang itatry mo na maging crush siya tas pag hindi ka niya naging crush pabalik, hindi na?" Tumango siya. What? Ba't parang mali? 

"Hala wag naman si Chynna kasi ano.... eh di nasira yung OTP ko na Chynna & Reniel,"hindi ko alam kung saan ang patutunguhan nito.

Nagtuloy kami sa paglalakad paibaba.

"Pero alam mo ba? Ang tagal ko naring walang crush. Hahaha. Grabe 2 years almost 3 years na wala akong crush."

"Eh di tayo nalang,"sabi niya. Halos masamid ako sa sinabi niya. Ganun ganun nalang yun.

"Gusto kita, sa totoo lang." Sinabi ko nalang. Alam kong may mali, pero minsan kailangan ko rin maniwala na tama tong ginagawa ko.

"Oh di tayo nalang,"aniya. Napasingkit ang mata ko bago ko siya harapin ay tinago ko ang naging reaksyon.

"Pero hindi mo naman yata ako gusto. So why bother? Ok lang naman sakin na--"

"Hindi. Total gusto mo ko, eh di gusto rin kita. Isa ka rin naman sa pinagpipilian ko kagabi eh. Kaso natakot ako kasi baka hindi na naman ano magustuhan pabalik." Sabi niya.

Napalunok ako. Mali nga to. Hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko.

Anong gagawin ko? Hindi ko alam, basta mali to.

bitawWhere stories live. Discover now