PROLOGUE

9 0 0
                                    

PROLOGUE

"Welcome home Bella" I greeted myself as soon as I open the door of my condo unit. It's been what? 4 years? 4 years studying abroad.

Inikot ko ang mga mata ko sa buong unit ko. Wala pa ring nagbabago, it's clean and well-maintained. Mukhang inayos na ni mama lahat bago pa ako dumating, pati stocks sa ref naka-ayos na rin. Salamat naman dahil sobrang nakakapagod ang biyahe. Dumeretso na ako sa kwarto ko matapos kong macheck lahat ng kailangan ko.

"Hay salamat nakahiga rin ako. Namiss ko kayo mga best friend! " Pagkausap ko sa mga teddy bears ko. Sila ang mga bestfriend ko bago ko siya makilala. Napangiti ako ng maalala ko siya. Kumusta na kaya siya. Kumusta na kaya ang bestfriend ko. Hinintay niya kaya ako? Alam niya kayang nakabalik na ako? Pupuntahan kaya niya ako?

"Ay, ano ba yan drama agad Bella! Ilang oras ka pa lang sa Pilipinas, nakakaloka ka. " Sinampal sampal ko ang pisngi ko, pero syempre mahina lang, di pa ako baliw noh.

Napagdesisyonan ko na lang na ayusin muna ang mga gamit ko since hindi pa naman ako inaantok. Pagkabukas ko ng kabinet ko may nakita akong kahon. Ano kaya toh? Lumang mga damit? Binuhat ko ang kahon at inilagay sa ibabaw ng aking Kama.

"Ano kaya laman nito? " Tanong ko sa sarili ko habang binubuksan ang kahon. Nang makita ko ang laman ng kahon ay napangiti ako.

"Buhay pa pala toh" Nakangiti kong sambit. I brushed off the dust of my old diary. Diary, it's been 4 years nung last time na sinulatan ko toh. I opened the first page and suddenly a lone tear escaped my eyes. Our first ever picture, sapilitan pa toh nang kinunan. Napangiti ako ng mapait. Look at that smile 6 years ago, nasaan na ang ngiti mong yan Bella?

I turned to the next page at mahina akong napatawa. Yung diary kong mukhang photo album sa unahan, puro pictures. These pictures, ang daming memories ang bumabalik dahil dito. I turned to the next page again at napangiti ako sa note na nakalagay dun.

"Welcome to Neverland" pag basa ko sa nakasulat kasabay ng muling pagtulo ng luha ko. I am trembling as I turned to the next page and there I started to read my own version of story of



Tinkerbell and Peterpan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tinkerbell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon