Kabanata 1

37 1 0
                                    

Kylie's POV

"Mahal kita Erika."

"Pero, paano si Mitch?" nagtataka at nag-aalalang tanong ko.

"Maniwala ka sa akin, Erika. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang" rinig kong may sincerity sa sinabi ni Chase sa akin.

"Tama na, Chase. Hindi ko na kaya. Naguguluhan na ako." tapos tumakbo na ako paalis sa park na pinanggalingan namin.

"Erkia!" sigaw ni Chase sa akin.

Iyak ako ng iyak habang tumatawid sa kalsada. Hindi ko namalayan na may paparating na truck sa direksyon ko.

"Aaaahhhhh!" nagising ako sa kawalan.

"Omygod. Masamang bangungot? Ugh. Get lost, gusto ko good vibes lang. Inhale. Exhale."

"Anak, Okay ka lang?" nasa pintuan nga pala si Mama. Tsk.

"Ayos lang po ako Ma. Masamang panaginip lang." sigaw ko para marinig niya.

"Osige. Maligo ka na at baka ma-late ka pa sa klase mo." sigaw ni Mama.

"Opo!" sabi ko.

Pagkatapos ng mini conversation namin ni Mama, tumayo na ako mula sa pagkahiga ko sa kama at dumiretso na ako sa banyo. Bago ko simulan ang daily routine ko sa banyo, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.

"Hay naku, Erika. Mahal mo pa rin talaga si Chase no?" para akong sira dahil kausap ko sarili ko.

"Wag kang mag-assume girl, alam naman natin na iba ang standard na gusto ni Chase no, at nasa iyo na nag lahat ng kabaliktaran. Atsaka, madami pa namang lalaki dyan, bakit siya? Kung sino pa yung playboy, siya pa ang nagustuhan mo." sabi ko muli sa sarili ko habang inaayos ang aking buhok. Hay. Bahala na nga.

Tuluyan ko nang ginawa ang daily routine ko sa banyo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ako sa banyo na basang-basa at tumutulo pa nag tubig galing sa mga strands ng buhok ko. Agad naman akong dumiretso sa dressing room at pumili na rin ako ng damit para sa susuotin ko sa school ngayon.

Ilang minuto rin akong naghanao ng magandang isusuot ng may nakita akong magandang combination: black loose shirt na may blue colored jeans, pink and black na combination na converse na high cut. Matapos kong magbihis ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at sinuklay ang buhok ko.

Pagkatapos kong magbihis at lahat lahat, sinabit ko na sa balikat ko yung Jansport bag ko at tuluyan nang lumabas ng kwarto at bumaba para makisabay na rin sa kanila sa pagkain.

Pagkadating ko sa may dining room, ay agad namang sumalubong ang Mama at Papa ko na nag-eenjoy sa pagkain ng almusal. Umubo ako ng peke para mapansin nila.

"Oh, anak. Umupo ka na at sabayan mo kami ng Papa ma sa almusal." sabi ni Mama.

"Sige po." at tuluyan na akong umupo at nagsimula na ring kumain.

        Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, ako nga pala si Erika Jane Santiago, at nag-aaral sa Ford University. Gaya nga ng sabi ko sa prologue, hindi ako tomboy, at mas lalong hindi ako kikay. Neutral lang. Boyish kumbaga. Ayoko kasi maging kikay, nakakabakla. Tsk. Honor student nga pala ako, top 2 ako sa klase. Kilala niyo naman siguro si Kylie Michelle Ford, diba Yung bestfriend ko nga. Yun ang top 1 namin.

        Sa totoo lang, galing naman talaga ako sa States. Doon ako lumaki. Noong nasa States pa ako, napaka-party-getter ko talaga. Basagulera sa madaling salita. That's how I do things there. But I changed when I arrived here and met Kylie. That girl changed the soul out of me. Lol.

Okay, back to the real world.

"Umm.. Ma.. Chaa.. n.. chi.. ku..ya?" tanong ko kay Mama habang nginunguya ko ang masarap na bacon.

"Nauna na siyang umalis, may tatapusin pa raw siyang project." sagot ni Mama

"Aahh, okay po. Sige Ma, Pa alis na po ako." sabay halik sa noo nila.

"Mag-ingat ka ha." sambit ni Papa

"Siyempre naman Pa, matapang yata itong kausap mo." tapos ginawa yung 'pinapakita ang muscle' pose.

"Osige na, baka ma-late ka pa."

"Sige po, bye!" pagkatapos kong sabihin iyon ay tumakbo na ako palabas ng bahay. Dumiretso ako sa Lamborghini Gallardo ko at hinatid na ako sa school. 30minutes rin ang biyahe kaya natulog muna ako.

"Mahal na mahal kita Erika,maniwala ka sa akin." paulit-ulit niyang sabi.

:Kung totoong mahal mo ako, patunayan mo!" sigaw ko.

Bigla siyang lumapit sa akin. Malapit na malapit. Hanggang sa nasandigan ko na ang pader. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa pader para hindi ako makaalis sa kinaroroonan ko. Inilagay niya ang isang kamay niya sa aking pisngi at papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa naramdaman ko na ang kanyang hininga. At sa hindi inaasahang pangyayari, hinalikan niya ako sa noo, sa ilong, at hahalikan niya ako sa . . . 

*BEEEEEEP!*

 "AAAAAAHHHHH!" bigla akong nagising.

"Pasensiya na po ma'am pero nandito na po tayo." sabi ni Manong Caloy

"Ah sige. Wag mo na po pala ako sunduin mamaya, may pupuntahan pa po kasi ako. Salamat nga po pala sa paghatid!"

"Sige po ma'am." at lumabas na ako sa sasakyan.

"Bad timing naman si Manong, ang ganda na sana ng panaginip ko." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad.

Tuluyan na akong pumasok sa Ford University. Nang makapasok na ako sa gate, agad namang bumungad sa akin ang mga magagandang bati nila.

"Good morning, Erika," sabi ng isang lalaki.

"Good morning rin." then I flashed a wide smile at him at tuluyan nang umalis doon.

"Ganda ng araw natin ngayon a." rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko. Pagkalingon ko sa likod ko, isang napaka-perpektong nilalang ang nakaharap ko.

"Uy, Chase. Tss. Maganda ka dyan? Eh halos ma-late na ako dahil kay Manong e." sabi ko.

Agad namang lumapit si Chase at inakbayan niya ako sabay paggulo sa mahaba kong buhok.

"Tss. Wag ka nga sumimangot, baby girl. Papangit ka niyan lalo. Hindi ka na cute, sige ka." tapos sabay pout pa siya. Tss. bakit ang cute niya? -_-"

Nang narinig ko ang salitang iyon, agad ko siyang tinulak palayo sa akin.

"Tae! Wag mo nga akong tawaging baby girl! Suntukan na lang man?! Akalo mo hindi kita papatulan?" sigaw ko sa kanya. Siya naman, parang kulang na lang gumulong siya sa sahig sa kakatawa. Ish. -.-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Question, One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon