Sana nung una palang sinabi mo na,
Kung ano ba talaga ang meron sa ating dalawa.Para sana hindi na umasapa At hindi na nasaktan ang isa't - isa.
Sana nung una palang sinabi mo na ang limitasyon nating dalawa,
Edi sana hindi na umasang May tayo pa.Kung sinabi mo lang Edi sana di na nag bigay ng mutibo na mahalin ka.
Lumayo na dapat ako upang maiwasang mahulog pa.
Para maiwasang mahulog pa sa Ganda ng iyong mga mata.
Sa tamis ng iyong ngiti sa tuwing ika'y tumatawa.
Sa mala anghel na boses tuwing kausap kita.
Sa bawat oras na kasama kita na tila ba ang oras ay tumigil na.
Oo mahalaga ka sakin at mahal na mahal kita.
Pero dapat nung una palang sinabi mo na,
Na may kapalit pala na lunkot ang bawat ngiti.
May kapalit na luha ang bawat pag tawa.At ang pinaka masakit sa lahat Bawat Salitang mahal kita.
Ay may kasunod na sakitang hanggang kaibigan lang kita.
Sana nung una sinabi mo na may limitasyom pala tayong dalawa.
Teka wala nga palang tayo, kasi merong kayo.
diba KAIBIGAN mo lang naman ako.
Yun ang sinabi mo sakin nung nag kaayos na kayo.
Oo kaibigan lang ang turing mo sakin.
Pero ako lang naman yung taong nag mahal sayo ng walang limtasyon Nung mga panahong nagawa ka nyang paiyakin.
At Ako lang naman yung tao na nag paramdam sayo ng halaga Nung nga panahong iniwan ka nya.
Pero anong ginawa mo???
Kinalimutan mo na ako simula nung nag uusap na kayong dalawa.
Mag kahakong sakit at tuwa ang aking nararamdaman, Nung nalaman ko na kayong dalawa ay nag kabalikan.
Aaminin ko Masaya ako na nakikita kang masaya pero nasasaktan ako na hindi na ako ang dahilan ng Iyong pag tawa.
Naiinis ako hindi dahil sa nag kabalikan kayo, kundi dahil makalipas ang ilang buwan ang maganda mong muka Ay muli nya nanamang pinaluha.
Naiinis ako na hinayaan kung mangyari yun, Hinayaan kung mahulog ka sa kanya muli.
Hindi nag tagal Inwan ka nanaman nya At nag hanap ng iba, Habang ikaw ay nag sisisi na dapat hindi mo na dapat sya Binalikan pa.
lumipas ang mga Araw , lingo At buwan pag katapos ka nya iwanan Lumapit ka sa akin at sinabing Kamusta kana Kaibigan???
Teka ? Nag kamali ba ako ng dinig ?
Pag katapos mo akong iwanan Nung kayo'y nag kabalikan Ngayun Tinatawag mo akong kaibigan?
Masakit man sa aking kalooban Pero tinangap parin kita bilang KAIBIGAN.
Tatanggapin kita ngayun sangalan ng Pinag samahan natin noon.
At habang kausap kita ng mga panahong iyon, Na alala ko yung mga nangyare noon.
Napag isip isip ko na ito na ang panahon Para alam ang aking limitasyon.
Pag katapos non Tinanggap na kita bilang Kaibigan ulit.
Pero pansin ko bakit parang nay kakaiba Sayo?
Bakit parang bigla kang mas nag bibigay ng mutibo para mahalin ulit kita ?
Pero na realize ko ngayun na hindi na kita kayang mahalin pa.
Dahil takot na ako saktan pa, ayaw ko nang umasa pa At mag mukang tanga.
isang Habang nag lakakad tayo sa kugar na kung saan una tayong nag kakilala.
Bigla kang huminto..........
At ipina alala mo sakin ang mga magagandang alala nating dalawa.
Ikinuwento mo ang ating mga masasayang ala-ala.
Nung mga panahong iyon para bang natunaw ang puso kung tumigas at tuluyan ng naging manhid dahil sa sakit ng nakaraan.
Bakit parang nahuhulog na ulit ako sayo.
Pero hindi pwede may pinanghahawakan nga pala ako.Ayaw ko na nga palang masaktan, kaya pinilit kung pigilan.
Pero bawat ala-ala ng ating nakaraan,
Na pilit mong binabalikan.Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kaba , kaba na baka mahulog na naman ako sayo.
Habang tumatagal pahigpit ng pahigpit ang kapit mo sa aking mga kamay , Na tila ba wala na tayong malay sa mga nang yayari.
Bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha sa harapan mo?
Ang nasa isip ko nalang nung nga oras nayun ay" Pakiusap lang bitawan mo ako ayaw ko ng mahulog sayo" Pero hindi ko magawang sabihin yon saiyo.
Mas lalong naging mahina ako , Nung bigla ka nalsng kumuha sa harapan ko, habang nag kukwento.
Nanatili akong tahikik at nakiramdam.
Ng biglang ....
Niyakap mo ako ng mahigpit at sinabi ang salitang
"MAHAK KITA"Hindi ko mapigilang lumuha At napaisip ako At sinabi sa iyo na " bakit ngayun mo lang sinabi?"
Oo ang tanga tanga ko na kung maniniwala pa ako, Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Pilit na sinasabi ng isip ko na wag na dahil masasaktan lang ako, Pero ang pangalan mo ang sinisigaw ng puso ko At sinasabing " Mahal Din kita"
part 2 Done

BINABASA MO ANG
Limitasyon
FanfictionBestfriend are just besftriends but What if You fell in love with your bestfriends what should you do?